Chapter 58

768 47 5
                                    

Napagtanto ni Dane na hindi naman talaga magkaiba ang totoong mundo sa dimensiyong tinatawag niyang psychic world na para sa ilan ay ang astral plane. It's a realm where all the minds meet. It's where people like he and Frank could do anything. The guards looked ghostly, at kitang-kita ni Dane si Frank sa mga wisyo nila. May mga enerhiyang tali na nakakabit sa mga ulo nila, tanda na kinokontrol sila ng baliw na manyak na hindi pa makita kung nasaan.

Pinigilan ni David ang mga balang dapat sana'y pumunit na sa mga balat nila at nagpasabog sa kanilang mga kalamnan. Nakalutang ang mga bala sa ere at dahan-dahang tumigil ang mga ito sa pag-ikot. Bumagsak ang mga bala sa sahig nang ibaba ni David ang mga kamay. Pero hindi pa siya tapos. Hinila niya ang mga baril mula sa kamay ng mga armado gamit ang kanyang telekinesis.

"Mga pipitsugin naman pala itong mga ito eh," mayabang na komento ng telekinetic.

"Huwag kang masyadong kampante," paalala ni Dane. "Kontrolado pa rin sila ni Frank."

"Alam ko. Ano'ng gagawin mo?"

"Puputulin ko ang mga koneksiyon nila kay Frank gamit nito." Pinakita ni Dane sa kasama ang dalawang karit.

"San mo nakuha ang mga yan?" Hindi pa rin maintindihan ni david kung paano gumagana ang kapangyarihan ni Dane.

"I'll show you what you need to see." Ipinakita ni Dane kay David ang mga lubid ng enerhiyang nakakabit sa mga puppets ni Frank.

Naging mga uldog ang mga gwardiya ng ISA, bagay na madaling gawin para sa mga katulad ni Frank o ni Dane. Isa-isang bumagsak ang mga armadong kalalakihan nang putulin ni Dane ang mga lubid gamit ang talim ng dalawa niyang sandata na gawa ng kapangyarihan ng kanyang utak, hindi totoo, hindi nakikita ng mga nilalang na walang kapangyarihang makabasa ng isip. Subalit taglay ng kanyang pambihirang mga sandata ang talim ng kanyang pagnanais na wakasan ang kademonyohang ito at ang talas ng kanyang determinasyon.

Nilingon niya si David na hindi pa rin naiintindihan ang nangyayari at napakamot na lang sa ulo. "Tara na!"

"Pa'no mo 'yun nagawa?" tanong niya habang tumatakbo sila sa isang pasilyo.

"Remember, I can show you what you want to see."

"Pero paano mo sila napatumba?"

"Kapag pinutol mo ang tali ng mga puppet, mawawalan ng kontrol ang puppet master sa kanila at matutumba sila. Kuha mo ang analogy?"

Ngumiti si David. "Look out!" sigaw niya nang may paparating na namang mga armado mula sa dulo ng pasilyo. Umalingawngaw na naman ang mga putok. Kayang pigilan ni David ang mga bala. Kung wala siya rito, tiyak tigok na si Dane. Parang mga iskultura ang tatlong lalaking nakadikit sa pader at hindi makagalaw. Ni sumigaw ay hindi nila kayang gawin dahil sinaklob sila ng telekinetic energy na nagmumula sa mga kamay ni David. Kaswal na pinutol ni Dane ang mga lubid sa mga ulo ng tatlo gamit ang kanyang psychic scythe.

Liko rito, liko doon. Maraming pasikot-sikot ang loob ng gusali. Sa bawat corner ay may nakakasalubong silang mga guards na parang hindi nauubos. Sa bawat akyat sa mga palapag ay pinapaulanan sila ng mga bala, kaya laging nakaangat ang mga kamay ni David upang balutan sila ng telekinetic field. Tumatagaktak na ang pawis niya.

Nakarating sila sa isang malawak na bulwagan, at pinaligiran sila ng mga guards. Madali para kay David na pigilan ang mga bala. Kung kinaya niyang pabagsakin noon ang isang eroplano, kayang kaya niyang patigilin ang mga bala. Ang totoo kaya niyang ibalik ang mga ito sa pinanggalingan nila. Ngunit hindi niya ginawa dahil kinakausap siya ni Dane sa kanyang isip na huwag silang puruhan sapagkat sila'y nasa ilalim lamang ng kapangyarihan ni Frank.

"These are high powered firearms," asik ni David kay Dane nang marating ang isang pasilyo kung saan sinalubong sila ng tatlong armadong gwardiyang naka full battle gear.

QUEERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora