Chapter 57 - Pagsugod

850 49 4
                                    


Nag-usap ang mag-ina sa labas ng bahay ni David.

"Ito ang dahilan kung bakit ayokong malaman ng iba kung ano ka." Hindi niya muna pinansin si Alice na panay ang amoy sa mga paa niya.

"Wala na akong choice. Andito na. At kung hindi ko gagawin ito, baka marami pang mapahamak. Tingnan mo ang nangyari sa'yo. Buti galos lang ang inabot mo. Eh pano kung na-mind control ni Frank si David na patayin ka? Eh di nasa morge na tayo ngayon."

"Wala ka talagang modo, Dane. Nagmana ka sa tatay mong bwisit."

"Nakakatawa pala kung ganun. Akalain mong sa isang salbaheng tao pala ako nagmana."

"Bakit nga ba hindi ka na nag-asawa after mamatay ni Henry?"

"Hindi ko alam. Siguro masyado kitang inalala kaya hindi ko naisip na makipagdate kahit na kanino. Pero alam mo, anak, natatakot ako." Humarap si Elaine sa binata. "Nagbabago na ang buhay mo, at mukhang hindi ko na maibabalik sa dati ito. Ito ang pinigilan kong mangyari, pero..."

"Things change." Bumuntong hininga si Dane.

"Basta mag-iingat ka. Gusto ko umuwi ka rito nang maayos."

"I'm sorry but we have to go." Bigla siyang inakbayan ni Kyle.

"Hey!" Inalis ni David ang kamay ni Kyle sa balikat ni Dane. "Watch your hands."

"Elaine, hindi na kita maihahatid," saad ni Kyle.

"I know my way home."

"Hindi ka ba papasok sa trabaho?" tanong ni Dane.

"At talagang ang isang matigas ang ulo ang magsasabi sa aking pumasok sa trabaho."

"Nagtatanong lang naman." Biglang niyang niyakap ang nanay niya. "I love you."

"Oh my God, naiiyak ako," panunuya ni Elaine na naluluha rin naman. "Sige na."

"Tita, pwede ba kitang ma-hug?" tanong ni David.

"Che!" bulyaw ng ginang bago tumalikod.

"Tita, si Alice alagaan niyo ha."

"Hindi ko na siya ibabalik sa'yo. Tingnan mo, she likes me."

Tumahol ang aso at kiniskis ang leeg nito sa binti ni Elaine.

Napakamot na lang si David sa ulo.

"Gagaan din ang loob niyan sa'yo."

"Hoy, Kyle, paano tayo pupunta ng... saan nga ulit yon?"

"Kaya mo ba kaming ilipad hanggang Nevada?"

"Hindi."

"So paano na yan?"

"Dane, I'd need your help."

* * *

Habang nasa airport...

"Sigurado ka ba?" tanong ni Dane.

"May ibang options ba tayo?" Lumingon siya kay David. "Ikaw may iba ka bang naiisip?"

"Hoy, pag nagkabulilyaso, ikaw ang itatapon ko palabas ng eroplano!" bulyaw nito kay Kyle.

"I trust my telepath."

"Ulol, alisin mo yang kamay mo sa balikat niya kung ayaw mong--"

Tinakpan ni Dane ang bibig ni David. "Masyado kang mainit."

Tumawa naman si Kyle.

"Medyo masakit pa ang ulo ko," saad ni Dane.

"Ako rin nga eh medyo nahihilo pa," sagot ni David. "Ganito pala ang epekto ng psychic attack."

QUEERWhere stories live. Discover now