Chapter 42 - Ang Pagkikita

1.2K 76 17
                                    

Hindi sumama si David kay Dane. Kinumbinsi siya ng huli na maging parte ng kanilang Thanksgiving dinner ni Elaine, pero hindi siya komportable sapagkat alam niyang hindi maganda ang una nilang pagkikita ng aleng iyon. Siguro sa ibang pagkakataon. Alam niyang medyo masama ang loob ni Dane dahil sa pagtanggi niya kaya naman nangako siyang babawi siya sa kanya.

Biglang lumamig ang panahon sa huling Huwebes ng Nobyembre. Kung maaliwalas ang panahon nang nakaraang araw, bigla namang bumulusok ang temperatura. Malamang ramdam ni Alice ang mas malamig na gabi habang tahimik na nakaupo sa balkonahe katabi si David na umiinom na naman ng alak. Nasa mga baitang ng hagdan ang kanyang mga paa, at tila malalim ang kanyang iniisip.

Abala ang mga kapitbahay niya. Ang mga tawanan nilang pinahina ng distansiya nila mula sa kanya ay nagdulot sa kanya ng pangungulila. Ang mga mahinang tunog ng mga kutsara sa pinggan ay bahagyang nagpangiti sa kanya. Naalala niya ang kanyang mga magulang. Umungot si Alice. Napalingon naman siya. "I know you miss them too."

Umilaw ang telepono niya. Napangiti siya nang mabasa niya ang mensahe. "Stop drinking, prick."

"Enjoy your dinner," reply niya.

"Still on my way."

"I miss you already."

"You're such a smushy."

Nakangiti si David habang tinititigan ang mensahe at hanggang sa ibahin niya ang tingin at igala sa paligid. Mukhang tuyo ang mga sanga ng ilang punong wala ng dahon. May ilang mga taong naglalakad sa kalsada. May mga palabas ng mga kotse at papasok sa mga bahay. Dumako ang tingin niya sa isang kotse na kakatwa sa kanya dahil hindi iyon ang unang beses na nakita niya ito sa pook. Matagal niyang tinitigan ang hindi pamilyar na sasakyan.

Umandar ang pagkapraning niya. Bigla niyang naisip ang mga tauhan ni Joaquin o Silvano o ang iba pa nilang galamay. Bakit ba ayaw siyang tantanan ng mga ito? Iyon ang tanong niya sa sarili habang nagdadalawang-isip kung tutunguhin ang kotse o magmamasid muna.

"Mukhang seryoso tayo."

Napaangat siya ng tingin. "Hannah?"

"Oh, para kang nakakita ng multo." May dala siyang alak.

Agad siyang tumayo upang yakapin ang hindi inaasahang panauhin.

"Hindi ka na kasi dumadalaw sa bahay kaya naisipan kong dalawin ka," saad ng babae.

"Marami lang kasing nangyari. Sorry."

"Okay lang."

"Kamusta na si Auntie?" Kumalas na si David.

"Ganun pa rin, tulala." Umupo si Hannah sa hagdan at nilapag ang bote ng alak sa tabi ni Alice na hinimas niya sa pisngi. "How are you?"

Muling inabala si David ng kapraningan niya. "Hannah, kilala mo ba ang may-ari ng kotseng 'yan?"

"Hindi. Bakit?"

"Sandali lang. Dito ka lang ha."

"Kakarating ko pa lang..."

Tinungo na ni David ang kotse. "Hoy, bumaba ka diyan!" Kinalampag niya ang bintana ng kotse. Dahil walang tumugon sa kanya, ginamit niya ang kapangyarihan upang buksan ang kotse. Tumunog ang locks ng pinto nito at kusang bumukas. Dumungaw siya sa loob. Subalit walang tao.

Isang nakabukas na bag at ang jacket na nakausli roon ang napansin niyang nasa backseat. Pumasok siya sa kotse at sinuri ang loob nito. Binuksan niya ang glove compartment. Naroon ang teleponong hindi niya mabuksan dahil may password. Dahil sa pagkadismaya ay hinablot niya ang bag na nasa likuran at kinandong ito upang tingnan ang mga laman nito. Laking pagtataka niya nang makita ang ID ni Kyle. Ilang segundo niya itong tinitigan bago niya igala ang tingin niya sa paligid.

QUEERWhere stories live. Discover now