Chapter 31

1.4K 89 20
                                    

Thank you igotthatredlip! Nakakataba ng puso.

Unti-unting luminaw ang paningin ko habang ginagalaw ko ang katawan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Unti-unting luminaw ang paningin ko habang ginagalaw ko ang katawan ko. Lumagabog ang katawan ko sa matigas na bagay. I couldn't stretch my legs because they were tied up.

Naghalo ang amoy ng kalawang, isda, nabubulok na karne, at bleach sa loob. There was this constant hum inside cargo hold that sounded as if the steel plates were whispering. We were surrounded by huge containers, all closed. Nakasandal ako ng kasama kong bihag sa isa sa mga ito kaharap ang dalawang teenagers.

Pawisan si David. Magulo ang buhok niya. May mga punit ang damit niya. Wala siyang sugat pero may pasa siya sa braso na kita mula sa punit sa kanyang manggas. Madungis siya, halatang nakipaglaban siya, narumihan, at natalo. Walang silbi ang kanyang ngitngit dahil nakagapos siya sa tabi ko. Pareho kaming nakagapos. Hindi rin siya makapagsalita. Nakakagawa lang siya ng mga daing at ingay dahil may busal ang kanyang bibig. This was a trap. Ang tanga mo.

Mas tanga ka. Nag-usap kami sa pamamagitan ng isip.

Di ba ang sabi ko sa'yo huwag mo na akong hahanapin?

Engot, kargo ko kapag may nangyari sa'yo.

Mas engot ka! Tingnan mo, wala ka ring nagawa. Wala ka ring silbi. Eh di pareho tayong matatapos ngayon.

Makakahanap tayo ng paraan.

Tanga, nakagapos tayong pareho. Why don't you just fuck their minds? Give them an illusion or something.

I tried mind fucking them both, but I'm still too weak. Nagpumiglas ako. Pinilit kong abutin ang dulo ng tali pero wala akong magawa.

"Priscilla's toxic breath takes about an hour to wear off completely." Nakatayo ang lalaking kasama ng dalagitang pula ang mata.

"Don't worry. You'll fine." Ngumiti siya. "That's if you get out of this ship alive."

"I'm Greco, by the way." Patpatin pa siya pero mayabang pumustura. Nakadilaw siyang jacket na may mga brown stripes o ewan. Maporma ang isang ito.

"He's my older brother." Sinuri ng dalagita ang mga kuko.

Marami akong gustong itanong sa kanila, but I decided to wait until I regain my powers. All I could do was glare at them and let them talk. Maybe I could learn something from them.

"The rumors were right." Nasa likod ni Priscilla ang kanyang mga kamay. Malikot siya. Bibong dalagita. Mukhang masayahin. "You" -- tinuro niya ako -- "took down two of our seniors."

"While he" -- tinuro ni Greco si David -- "fought ten armed men." Nilingon niya ang kapatid. "Or was it fifteen?"

"I didn't really count them." Nagkibit-balikat ang dalagita.

QUEERWhere stories live. Discover now