Chapter 14 (David)

1.9K 111 23
                                    

Shoutout to @igotthatredlip! I was watching Stranger Things while writing this chapter.

--------------

(David)

Nahihilo ako pero hinatid ko pa rin siya. Wala siyang masasakyan pauwi. Pero at least alam ko na ang bahay nila. Medyo nahihilo ako dahil napalaban nang husto. Hindi ko akalaing kinaya ko ang pagpapabagsak ng eroplano. Kaya lang may mga napatay ako. I just sighed. Screw this life! Hindi ko kayang maging masaya. Oo panatag akong nakaligtas ako. Nagagalak akong makatagpo ng katulad kong weirdo rin. Pero may mga bagay akong nagawa na hindi ko na mare-reverse.

Mas malaki ang bahay ko kesa bahay nina Dane. Pero kapag wala ako rito at patay ang mga ilaw, aakalain mong isa na itong abandonadong bahay na niremata ng bangko. Buti na lang walang iniwang mortgage ang parents ko. At least kuryente at tubig na lang aalalahanin ko.

"Alice?" Hinanap ko ang kasama ko pagkabukas ng pinto. Agad na tumakbo ito patungo sa akin. "I'm sorry. Are you hungry?" Umungot-ungot lang ito habang dinidilaan ako sa pisngi. Minasahe ko naman ang batok niya habang nilalakad siya patungo sa kusina. Konti na lang ang laman ng fridge, at na-realize kong wala na akong hanapbuhay. Natawa na lang ako. Nakakatawa ang mga nangyayari sa akin. Napatingin ako kay Alice na nakatitig din sa akin. Siguro kung nakakapagsalita siya tatanungin niya ako kung okay lang ako kasi para akong baliw.

Kailangan kong makahanap ng mapagtatrabahuan. Pwede akong bumalik sa pagtutulak. Kilala ko naman ang ibang suppliers ni Joaquin, at di naman siguro nila alam na ako ang pumatay sa kanya. Pero ayoko na ng ganoong buhay. Nakakatakot. Nakakapagod. Pwede akong maging waiter. Pwede rin siguro akong maging male escort. Nalilito ako at nababahala. Nakatulog akong nag-iisip.

Naranasan niyo na ba 'yung sensation na parang nahuhulog kayo habang natutulog. 'Yan 'yung hindi pa masyadong mahimbing ang tulog niyo, tapos biglang parang nahuhulog kayo. Nahuhulog nga ako, pero parang totoo. Madilim. Wala akong makita. Gusto kong may makita.

Nahuhulog ako. Kasabay kong nahuhulog ang mga nasusunog na piraso ng eroplano. Babagsak ako sa gitna ng mga puno. Hindi tumatama sa akin ang mga sanga ng puno. Marahan akong bumagsak sa lupa. Nang dumilat ako nakita ko siya.

Nagising ako. Sa una napangiti ako. Pero na-realize ko na hindi na maganda ang nararamdaman ko. Nababakla na yata ako sa kanya. Hindi naman ako bakla eh.

Ala-una na ng madaling araw. Minasahe ko ang noo ko. Medyo masakit ang ulo ko. Malamig. Papaandarin ko sana ang heater, pero naalala kong wala nga pala akong trabaho. Kumuha na lang ako ng sweater sa aparador.

Tahimik na natutulog si Alice sa tabi ng kama ko. Kumuha na lang din ako ng isa pang sweater at pinatong sa kanya. Malamang nilalamig din siya. Bumaba ako upang pumunta sa kusina dahil nauuhaw ako.

Bukod sa madilim, tahimik din ang bahay. Nangungulila na naman yata ako sa mga magulang ko. Napailing na lang ako. Minsan hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Tumungo ako sa kusina at kumuha ng baso. Binuksan ko ang gripo sa lababo at tinapat ang baso rito.

Kailangan makahanap ako ng trabaho.

Iniwan ko ang baso sa mesa bago bumalik sa taas. Pero bago pa ako makaakyat sa hagdan, ginulantang ako ng malakas na kabog sa pinto.

"Who's there?"

Walang sumagot. Sandali akong nanatili sa sala, hinihintay na baka may sumagot. Naisip kong baka guni-guni ko lang ang mga katok.

Babalik na sana ako sa hagdan nang muling may kumalabog sa pinto.

"Sino 'yan?"

Tatlong katok sa pinto ang sumagot sa akin.

QUEERWhere stories live. Discover now