Chapter 35 - Pag May Serbesa, May Sorpresa

1.5K 93 29
                                    

May nakalagay ng for sale na karatula sa tapat ng bahay ni David. Seryoso siyang ibebenta na niya ang bahay niya. I thought that maybe I could suggest mind controlling whoever the buyer would be into letting him stay at the house. Of course, the other part of me said that was vile, you know, manipulating someone, making them do what they don't want to do. I had realized the repercussions of using our powers excessively, like controlling so many people. It didn't solve our problems. It worsened our problems. Ito ang mga tumatakbo sa utak ko habang nakatayo ako sa tapat ng bahay nina David. See, I was an overthinker, possibly a side effect of being able to tap into people's brains.

The house didn't have a gate. You could walk right through, on the pathway between the shrubbery, and go up the stairs to the porch and knock. Well, the door was locked. So I got worried. Maybe I went there too late. Maybe they had left and stayed somewhere. I turned around and sighed. Just like our neighborhood in Greenwood, David's was just as quiet, and it was only 7:30 in the evening.

I dialed his number, pero hindi ko pa napipindot ang call narinig ko ang mga tahol. Bago ko pa matingnan kung kaninong aso ang tumatahol, lumundag na sa akin si Alice. Agad akong yumukod. Ramdam ko ang pananabik niya sa akin. Hinimas ko ang ulo niya habang nilalambing niya ako sa pamamagitan ng pagpatong niya sa mga paa niya sa hita ko.

"Hey, where's your buddy?"

Tumahol siya sa akin. Ang sabi niya parating na raw.

Wala pa yatang limang segundo dumating nga siya. Suot niya ang lumang jacket at punit na jeans. May dala siyang mga lata ng beer. Tumigil siya sa paglalakad nang makita ako. Mukha siyang presko. He had shaven his face. Maayos ang buhok niya. Malayo sa itsura niya nang huli kaming magkita bago ako tumungo dito sa bahay niya. Yayakapin ko sana siya pero nilampasan niya ako pagka akyat niya ng balkonahe.

"Magagalit na naman ang nanay mo." Binuksan niya ang pinto.

"Nagpaalam ako. Alam niyang pupuntahan kita."

"Bakit ka pumarito?" Ayaw niya akong tingnan hanggang sa pumasok siya.

"Hindi pa kita napapasalamatan sa pagligtas mo sa'kin kanina." Sinundan ko siya nang tingin.

"Niligtas mo rin naman ako." Nilapag niya sa mesa sa sala ang isang dosenang lata ng beer. Sinundan siya ni Alice na umupo sa carper sa ilalim ng mesa. "We're even." Blangko ang mukha niya.

"Nagkamali yata ako ng punta rito." Bumuntong-hininga ako dahil sa pagkadismaya. Ang inaasahan ko ay ang mainit niyang pagtanggap. Inasahan ko na magagalak siyang makita ako. "Aalis na lang ako."

Tumahol si Alice. Tumakbo siya patungo sa akin at umikot sa palibot ng mga paa ko. Pagkatapos umupo siya sa ibabaw ng hangdan.

Bigla akong nakaramdam ng presyon. Gumalaw ang katawan ko habang parang may mga malalambot na telang nakabalot sa katawan ko upang arsahin ito at igiya patungo sa salas. Bumagsak ang pwet ko sa couch katabi siya. "Abusado ka sa paggamit ng powers mo!"

"Sabi kasi nila, if you got it, use it." Tumatawa na siya.

Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang pagtawa niya na bihira niyang gawin. "Tinopak ka na naman."

"Lagi akong may topak." Pumito siya upang pumasok si Alice. Pagkatapos pinilantik niya ang mga daliri at kusang sumara ang mga pinto.

"Kamusta na nga pala si Hannah?"

Inabot niya sa akin ang isang lata ng beer. Tapos binuksan niya ang kanya. "Okay na siya. Gusto ko siyang patirahin dito pero ayaw niya." Sumandal siya sa couch bago tumungga.

Pinatong ko naman ang mga siko ko sa mga tuhod ko habang tinitigan si Alice. "You drink beer?"

Nakatitig lang ang marikit na aso sa akin. Humiga ito sa carpet mula sa pagkakaupo.

QUEERWhere stories live. Discover now