Chapter 39 - Tungo sa ibabaw ng mga ulap

1.3K 84 17
                                    

Nakatulog si Kyle sa kanyang kotse. Alas otso na ng umaga nang magising siya, at sandali siyang nalito kung bakit nasa liblib na lugar siya na tila malayo sa lungsod. Ang natatandaan niya lang ay nagmaneho siya nang ubod nang tulin nang nakaraang gabi. Ilang beses nang tumunog ang kanyang telepono, ngunit hindi niya ito sinagot. Nakasandal siya sa driver's seat, nakatingin sa malayo. Namamaga ang kanyang mga mata. Hinayaan niyang muling tumunog ang teleponong nasa dashboard. Hindi niya ito pinansin.

May pumarang sasakyan sa likod ng sasakyan niya. Bumaba ang lalaking lulan nito at tinungo siya. Kinatok nito ang kanyang bintana, ngunit parang walang nakita o narinig si Kyle. Kumuha ng susi ang lalaki. "What is wrong with you!" sigaw niya nang mabuksan ang pinto.

Lumingon si Kyle sa kanya. "Everything." Binaling niyang muli ang tingin sa malayo.

Pero hinila siya ng lalaki at pinako sa gilid ng kanyang kotse. "We have an emergency situation, and you choose to act like this."

"I can't" -- nauutal si Kyle -- "do this ... anymore."

"What!" Nakasimangot si Agent Rodriguez, halatang inis na inis siya.

"You" -- nauutal pa rin si Kyle -- "h-heard m-me." Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"This is not your time to get emotional. We have work to do."

"Ryan..."

Halos ilibing na ni Agent Rodriguez ang mga daliri sa mga braso ni Kyle. "That old shit killed two people and wiped out the memories of our staff. Do you understand what that means?"

"Do I look like I care?"

Hinampas ni Ryan Rodriguez ang mga palad sa dibdib ni Kyle. "You will if your life counts on it."

"You call this life?"

Natigilan si Ryan. "What are your options? Rod took you in when your parents disowned you. How dare you speak about him like that?"

"Because I'm sick of this life!"

"Aren't we all!" Galit na galit si Ryan. "You selfish idiot!"

"Leave me alone."

"You're coming with me." Hinila ni Ryan si Kyle.

"I said leave me alone!" Lumutang si Kyle sa ere upang suntukin si Ryan.

Bumagsak si Ryan sa kalsada pero naitukod niya ang mga palad at paa sa semento. Naging mala-ahas ang kanyang mga mata at nagkaroon siya ng mga pangil. Nilingon niya si Kyle na nasa ere. Biglang lumundag ang nilalang na tila pinaghalong ahas at tigre. Lumundag ito sa ibabaw ng kotse at lumundag patungo kay Kyle. Mabilis ang kanyang galaw. Inakap niya ang target at dinaganan sa lupa na parang predator na hinuhuli ang kanyang prey. "You're coming whether you like it or not." Nakaamba ang mga matutulis na pangalmot sa nahuling biktima.

Hinugot ni Kyle ang kanyang baril, ngunit mabilis naipako ni Ryan ang bisig ni Kyle sa semento. Sinipa ng may baril ang sikmura ng may pangil. Sandaling napaatras ang lalaking unti-unting nagkakaroon ng mga kaliskis. Nang lingunin niya si Kyle sa dati nitong kinalalagyan ay wala na ito. Parang bulalakaw namang dumausdos si Kyle mula sa itaas. Umungot si Ryan na nagiging halimaw sa bawat segundo. Kumurap ang mala-ahas nitong mga mata habang nakatukod sa semento ang mga kamay. Bago ito makagalaw ay nasuntok na naman ito ni Kyle.

"Why don't you just leave me the fuck alone?"

"I don't take orders from you." Nanlilisik ang mga mata ng halimaw. Mahirap matantiya ang kanyang galaw dahil sa kanyang liksi.

Gumulong si Kyle sa kongkreto. Nakalipad siya bago siya sunggaban ng taong ahas. Ngunit nahawakan ni Ryan ang kanyang paa. Nagbago na naman ang itsura niya. Muling bumalik sa dati ang kanyang balat, subalit napupunit ang kanyang damit.

"Stop acting like a stubborn kid, Kyle!" Tinubuan ng mga pakpak si Agent Rodriguez. Binunot niya ang baril habang nakasabit sa paa ng katunggaling nahihirapang lumipad.

"Mind your own business, Agent Rodriguez!" Sinipa niya ang taong nakakapagbago ng anyo.

Hindi nahulog si Ryan Rodriguez. Pumagaspas ang kanyang mga pakpak habang nakatingala kay Kyle na tuluyan nang nakalipad. Sumunod ang taong ibon na naabutan din ang nauna. Sumenyas ang may pakpak na bumaba ang taong tinutugis sa himpapawid. Pero patuloy lang na pumaitaas si Kyle hanggang sa marating ang ulap. Doon ay bumagal ang kanyang galaw.

"What's the matter?" Tinuya niya si Ryan na tinitigan siya nang masama. "Your feathers are getting wet." Nakikita niyang nahihirapan na ito.

Lumabas na ang mga litid sa leeg ni Ryan habang pilit na pinapanatili ang sarili sa loob ng ulap na mabilis na binasa ang kanyang mga pakpak. Ngumiwi siya. Para bang gusto niyang maiyak ngunit ayaw niyang ipakita sa katunggali ang kanyang pagkatalo.

"I just want to be alone right now."

"You gotta learn to accept things as they are, Kyle!"

"Yeah, you gotta learn you can't fly, Ryan." Wala siyang naramdamang pagkahabag habang nakikita ang takot sa mga mata ng kausap. Hindi na rin niya ito tiningnan nang lumusong ito paibaba. Siya naman ay pumaibabaw.

Sa ibabaw ng mga ulap ay naramdaman niya ang tunay na kapayapaan. Hinayaan niyang tumulo ang kanyang luha. Kung tutuusin tama si Ryan. Kailangan niyang tanggapin na si Dane ay may ibang mahal. Galit siya rito. Galit siya kay David. Galit siya kay Rod. Kung hindi dahil sa misyon niya siguro naging sila ni Dane. Ngunit naisip niya rin namang kung hindi dahil sa misyon niya hindi rin naman sila magtatagpong muli ni Dane.

Nakalutang siya sa himpapawid na hindi alintana ang lamig. Nais niyang masinagan ng sikat ng araw upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot na naramdaman. Nang malaman mula kay Agent Rodriguez na nasa isang bapor na lumulubog ang dalawa, labis ang takot at kaba niya noon. Sabay nilang tinungo ang kinaroroonan ng dalawa, ngunit inakala nilang huli na ang lahat nang tanging ang pwet na lang ng barko ang nakausli sa tubig. Unang sumuong si Ryan sa tubig. Ang una nilang nakita ang apat na batid nilang miyembro ng isang grupong tulad ng sa kanila. Nakatanggap sila ng utos na saklolohan ang apat, at iyon nga ang ginawa nila habang noo'y hindi makita ang dalawa sa lumulubog na bapor. Hindi tulad ni Ryan, hindi kayang magtagal ni Kyle sa ilalim ng tubig. Kaya agad niyang hinila sina Priscilla at Greco at naunang umahon. Hinintay naman niyang makuha ni Ryan ang dalawa pa. Umasa siyang mahahanap niya sina Dane at David, ngunit tanging sina Chiara at ang bakulaw lang ang naihaon niya.

Lulusong sana si Kyle sa tubig nang pigilan siya ni Ryan dahil paparating na ang rescue at may mga helicopters na sa himpapawid. Dumating na rin ang iba pang kasamahan nina Kyle at hinila ang walang malay na apat. Laking tuwa niya nang malamang nakaligtas si Dane, ngunit nanlumo rin siya nang makita ang malasakit nito sa kasamang nakaligtas.

Humugot nang malalim na hininga si Kyle. Nanatili siyang nakalutang sa ibabaw ng mga malabulak na ulap. Gusto niyang umiyak, pero walang lumabas na luha sa kanyang mga mata. Tumawa na lang siya. Tumawa na parang isang baliw. Dito sa himpapawid ay malaya siya, malayang gawin ang nais gawin, sabihin ang nais sabihin, palayain ang sakit ng loob na nagpabigat sa kanyang damdamin. 

QUEERWhere stories live. Discover now