Chapter 4

3.4K 165 15
                                    

"I'm Kyle Wexner," saad ng president ng buong student council. "Like all of you, I just got the news that I'm gonna be, or should I say, I'm heading the entire student council this year." Ngumiti siya sa lahat. Nang dumako ang tingin niya kay Dane, napatitig siya nang ilang segundo. Bahagyang kumunot ang noo niya.

It was an informal meeting. Nagpakilala lang ang bawat isa pagkatapos magpakilala ni Kyle. When it was Dane's turn to introduce himself nagtamang muli ang mga mata nila ni Kyle. This time, malawak ang ngiti ng huli.

After the smiles and handshakes, nagsiuwian na ang lahat. Hinanap ni Dane sina Christie sa labas ng opisina ng student council pero wala sila roon. Tumunog ang telepono.

May text message mula kay Christie: Got a family emergency. See you tomorrow.

Nag-reply naman siya: Where's Greg?

Hinintay niya ang sagot ni Christie, pero sampung minuto na 'di pa ito sumasagot.

Ngumiti si Dane sa mga bumati sa kanya sa pagkapanalo sa position. Ngumiti rin siya sa kanila at tumango. Pero sa loob niya may mga second thoughts pa rin. Nag-alala pa rin siya kung paano ipapaliwanag sa nanay ko ito. Subalit habang ginagala niya ang tingin sa palibot, naisip niya ring mas magiging makabuluhan ang buhay niya. Finally, he thought, he could be responsible for something. May pwede na siyang pagtuunan ng pansin.

Huminga siya nang malalim. Isang bagong buhay. Bagong yugto. Sandali niyang kinalimutan ang mga bilin ng nanay niya. Ito ang kailangan niya, o malamang kinukumbinsi niya lang ang sarili.

Unti-unting lumakas ang mga bulungan. Sa una akala niya, lumalakas lang ang boses ng mga students sa loob. Subalit tila ba normal lang naman ang lahat. Hindi dumami ang mga nasa loob. Hindi rin mas malakas ang mga boses nila. Pero lumalakas ang mga boses sa ulo niya.

"The plan was to trick him, know his secrets, not to make friends with him," mula ito sa pamilyar na boses na hinanap ni Dane sa paligid.

Biglang nagkaroon ng matining na ingay sa tenga niya.

"Okay, I don't think we have to do this." Pamilyar ang boses ang nagsasalita. "Why are we even doing this? Let's just leave him alone."

"Christie?" Hinanap ni Dane ang dalaga sa paligid. Wala ito.

"Either you're with us or not," muling nagsalita ang naunang lalaking nagsalita.

Hinanap ni Dane ang pinanggalingan ng mga boses, pero hindi niya malaman kung saan nanggagaling ang mga ito.

"Look, three of your friends are detained at the police station for sexual assault," muling nagsalita ang babae na akala niyang si Christie. "Don't you understand what that means?"

"Chickening out now?" Kaboses nito ang isa sa mga gagong katropa ni David.

Nawala ang mga boses. Muling bumalik ang wisyo niya sa kung nasaan siya. Naging normal ang mga ingay sa paligid. "Not again," bulong niya sa sarili habang minamasahe ang sentido.

"Hey."

Dahil disoriented pa, gulat ang reaksiyon niya nang biglang humawak sa balikat niya.

"You look like you've seen a ghost." Biglang inalis ni Kyle ang kamay sa balikat ni Dane.

"I'm" -- nautal si Dane -- "sorry."

"Anything wrong?"

"Wala naman." Muli niyang inikot ang tingin sa paligid at bumuntong hininga.

"First time maging campus officer?"

Tumango si Dane.

"Third time ko na," saad ni Kyle habang tinitingnan ang ibang students. Pamilyar ang itsura niya.

QUEERWhere stories live. Discover now