Chapter 34 - Follow Your Truth

1.5K 79 9
                                    

Greenwood, a suburban area in Seattle, is about 20 minutes away from the urban center. David's house was about 45 minutes away, in the southern outskirts of the city. You can't live in the metropolis if you're a struggling working class who can't afford a unit in expensive apartment complexes or condominiums in towering buildings.

It's a modest bungalow with 2 bedrooms, my mom's and mine. It was what we could afford, but it was cozy enough for us. Nasa pagitan ng mga silid namin ni Elaine ang isang shared restroom. Then you go out to and get into the living room, which quickly gets crowded, so I never invited too many friends. Well, I never wanted to invite friends anyway. To the right of the living room was the kitchen and the dining room. Most humble homes have their dining table in the kitchen.

Why am I even talking about our house? I just wanted to say that it was hard to keep secrets in a house that small. Elaine was in the living room. She was reading a book. Sa kanya ko namana ang hilig ko noon sa pagbabasa ng libro. For some reason, nawala ang hilig na 'yun. Hindi ko alam kung bakit. Maybe I grew out of books. O siguro mas masarap magbasa ng kung anu-anong articles sa internet. Sometimes I read about ESP, psychic abilities, and similar topics to just understand what I can do.

Tumingala si Elaine. "Your dinner is cold."

"I guess so." Naasiwa ako. "I have to go see David," I told her straightforwardly. I was expecting her to say no or to rant like she usually did.

"Okay." She flipped to another page of the book she was reading, blankly staring at the left page, giving me no glance. "Go ahead. Do what you want."

"Hindi ka ba magagalit?"

"What's the point? You'd defy me anyway."

"Elaine..."

"Just go, Dane!" Lumaki ang mga butas ng ilong niya habang umiirap siya.

"I'll be back and we'll talk. I just have to make sure that David is okay." Hinalikan ko siya sa sentido. Hindi siya gumalaw. Alam kong galit siya sa akin. Galit siya sa mga nangyari. Galit siya dahil suwail ako. Aminado akong hindi ako naging mabuting anak. Sinusuway ko siya. Hindi ako nag-aaral nang maayos at sinasayang ko ang perang pinaghihirapan niyang pangtustos sa pag-aaral ako. Pero pinangako ko sa sarili kong babawi ako sa kanya. Babawi ako sa lahat ng mga paghihirap niya.

Tahimik ang paligid. Walang mga taong nasa labas ng bahay nila. The air was calm and cooler. Basa pa rin ang mga puno na wala ng mga dahon. Pinakintab ng streetlights ang basang balat ng mga sanga. Ako lang yata ang naglalakad sa kalsada kasi ang naririnig ko lang na mga yapak ay ang mga yapak ko sa mamasa-masang semento. A damp twig fell on my head. Tumingala ako upang tingnan ang pinanggalingan nito. Pero nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Aw!" Agad kong hinimas ang likod ng ulo ko. Lumingon ako dahil alam kong may bumato sa akin. Ginala ko ang tingin sa paligid, pero wala akong makitang tao. Tahimik ang paligid. Sarado ang mga bintana at pinto ng mga kabahayan. May naglalakad na lalaki pero malayo siya at nakatalikod siya sa akin, naglalakad sa ibang direksiyon, kaya imposibleng siya ang bumato sa akin.

MYEOWWW...

"Shit!" Agad akong napalingon. Hindi ko alam kung saan galing ang pusang nahulog sa likod ko. Nakalabas ang mga pangil niya at mukhang galit pa siya. Natawa na lang ako sa sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sumakay ako ng taxi papuntang bus station. The bus takes me to downtown Seattle, at mula rito sasakay ulit ako ng bus papuntang Georgetown kung saan nakatira si David.

Maraming tao sa terminal ng bus. Halatang galing sa mga pamilihan ang marami sa kanila dahil sa mga dala nilang groceries na para sa Thanksgiving Day sa susunod na araw. Kapag sumasakay ako ng bus o tren, gusto ko sa tabi ng bintana kasi gusto kong panoorin ang scenery sa labas habang bumabyahe. Mabilis na napuno ang bus.

QUEERحيث تعيش القصص. اكتشف الآن