Chapter 33

1.3K 78 7
                                    


What a surreal scene. Tanaw ko ang mga isda na ang ilan ay lumalangoy kasabay ang telekinetic bubble na gawa ni David. Parang tinitingnan nila kami na may pagkamangha. Gumawa ng mga munting alon ang aking daliri nang sundutin ko ang tubig, mga munting alon na humalo sa mga naunang alon na maaaring gawa ng naglalabang presyon ng tubig at pwersang pinapakawalan ni David.

Nakakamangha na nakakakilabot ang itsura ng tubig habang nag-aagaw ang dilim sa ilalim at ang liwanag na tumatagos mula sa itaas. Kakaiba ang koleksiyon ng mga matitining na tunog sa ilalim. Parang may tunog ng makina ng mga barko mula sa malayo o di kaya mga huni ng butanding. Maaari ring guni-guni ko lang ang lahat.

Kumalas si David sa pagyakap sa akin siguro upang tingnan ang itsura ko. Naglaro ang liwanag mula sa itaas sa kanyang mukha. Pinaputla ng asul na kulay ng paligid ang kanyang mukha. Kulay lila ang kanyang mga labi. Mugto ang kanyang mga namumulang mata. May kumislot sa dibdib ko nang hawakan niya ang mga pisngi ko at tinitigan niya ang mga mata ko. Dumaloy ang mga luha mula sa mga mata niya.

I felt something strange. For a while I thought our minds connected. I could imagine a stream of psychic energy emanating from our minds to intertwine in the narrow space between our foreheads. I saw his psyche when I closed my eyes. His warm, cozy embrace had been waiting for me in his thoughts. He smiled, and for a moment, for the first time, I had seen how mesmerizingly handsome he was -- at least he seemed in my sight.

May init akong naramdaman sa loob ng dibdib ko. Init na noon ko lang naramdaman. Kinuha niya ang kamay ko at dinala ito sa dibdib niya. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit mabilis ang tibok ng puso niya. Siguro dahil natatakot siya. Siguro dahil para sa kanya isang athletic feat ang pagpapanatili sa telekinetic field niya.

Pero may tanong din siya. Nanatiling nakatikom ang bibig niya habang nagsasalita ang diwa niya. Bakit mo ako hinanap? Bakit, Dane?

Natigilan ako dahil wala akong maisagot. Parang alam ko ang sagot pero hindi ko maintindihan.

Why do you care about me? Ngumiti si David. Sa unang pagkakataon parang naging maamo siya. The ripples on the sea surface caused the lights that seeped through the water to dance on his face as we and the bubble we're in froze.

I don't know.

I think you know.

Tinitigan ko ang mga labi niya. Bahagyang nakabukas ang bibig niya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nagtama ang mga noo namin. Pero mabilis na naglaho ang paligid. At nagising ako sa loob ng kwarto ko. Naalimpungatan ako. Panaginip na naman. Panaginip na parang totoo. I wondered kung iniisip din ba ako ni David. Umilaw ang telepono ko. Napangiti ako nang makita ang reply niya. Nakauwi na siya gaya nang inaasahan ko, at sabi niya nakaupo sila ni Alice sa porch. Napangiti ako habang iniimagine ko ang itsura nilang dalawa -- siya habang nakahawak sa lata ng beer habang nakaupo sa porch at ang mga paa'y nasa mga baitang ng hagdan at hinihimas ang ulo ni Alice. Gusto ko silang makita. Nasasabik ako.

QUEERWhere stories live. Discover now