Chapter 53 - Konsensiya ni Kyle

924 43 3
                                    

Pangamba ang namayani sa kalooban ni Kyle. Wala na siyang nakuhang balita mula sa ISA mahigit dalawang araw na. Walang sumasagot sa mga kasama niya. Wala sa mga staff ang tumutugon sa tawag o mensahe niya. Ang ikinakatakot niya ay wala siyang ibang alam na hanapbuhay bukod sa pagiging ISA agent. Hindi na siya kailanman nagtangkang bumalik sa pamilya niya matapos siyang itakwil nito, at doon sa establisimento sa gitna ng disyerto siya namalagi hanggang sa tumuntong siya ng labinlimang taong gulang, kung kailan sinanay siya ni Rod sa mga di pangkaraniwang gawain.

Habang nag-iisip si Kyle ng mga hakbang upang magkaroon ng pansamantalang hanapbuhay, nakatanggap siya ng tawag mula kay Elaine. Nagdalawang-isip siyang sagutin ito dahil batid na niyang galit ito sa kanya. Malamang nasabi na ni Dane sa nanay nito ang sikreto niya. Sasagutin na sana niya ang tawag, nang huminto sa pagring ang telepono niya.

Kahit matindi ang sinag ng araw sa ibabaw ng mga ulap, hindi niya ito alintana dahil sa lamig at pagiging presko ng hangin. Nakakatagal lamang siya sa lugar na ito kapag hindi gaanong malakas ang hangin. Dito tahimik siyang nakakapag-isip lalo pa't nakakagaan ng damdamin ang mga puting ulap na parang mga rolyo ng bulak. Banayad. Tila sasaluhin siya ng mga ito kapag siya'y nahulog mula sa langit.

Hindi rin nakayanan ni Kyle ang matinding lamig sa himpapawid kaya kinailangan niyang bumaba. Hinayaan niya ang sariling hilahin ng dagsin ng mundo. Ngumiti siya habang dumadausdos siya sa ulap. Banayad ang haplos ng hamog sa kanyang pisngi, para bang nais ipahiwatig sa kanya ng alapaap na may sayang dulot ang kapayapaang ito.

Dahil mabilis ang kanyang pagbagsak, ilang sandali pa ay nasa ilalim na siya ng ulap. Kung sa itaas ay para itong bulak, sa ilalim ay para itong dambuhalang halimaw na nais siyang sakmalin. Binalanse niya ang sarili habang papadausdos hanggang sa dahan-dahan siyang lumapag sa ibabaw ng isang puno.

Ilang sandali pa siya'y napaligiran na ng mga luntiang dahon. May mga punong hindi nalalagasan ng mga dahon sa taglagas. Evergreens ang tawag sa kanila. Dahil matulis ang mga dahon nila, nakakayanan nila ang lamig at hindi sila natutuyuan ng tubig kapag ang lupa ay nagyeyelo at wala ng masipsip na tubig ang mga ugat nito.

Tumunog ang telepono niya bago pa siya makababa sa lupa. Kinuha niya ito mula sa bulsa ng kanyang jeans. May mensahe mula sa ISA headquarters. Walang nakalagay kung kanino galing kaya naisip niyang computer-generated ang mensahe. Ilang sandali pa ay sumunod ang mga larawang kuha sa CCTV sa bawat sulok ng establisimyento. Nakabulagta ang mga tauhan.

-- ALL AGENTS REPORT TO HEADQUARTERS! --

Nagdadalawang-isip siya kung babalik ba o maghahanap ng ibang paraan upang mabuhay. Nahahabag siya sa ibang kasama na biktima ng kung anong nangyayari sa headquarters nila na hindi niya pa rin batid kung ano. Hindi niya mabatid dahil wala rin siyang pakialam kahit kay Rod. Kay Rod na kumupkop sa kanya nang itakwil siya ng kanyang mga magulang. Si Rod na nakikita niyang nakabulagta sa isang silid katabi ni Catalina sa silid kung saan nakaratay ang isang mamang hindi pamilyar sa kanya sapagkat hindi niya hawak ang kaso nito. Hindi naman niya alam ang lahat ng nangyayari sa loob ng organisasyon.

Nakalutang pa rin siya sa gitna ng mga puno at sa gitna ng katahimikan ng gubat. Habang nag-iisip ng mainam na gagawin ay muling tumunog ang telepono niya. Mula ito sa nagngangalang Mags. Agad niyang sinagot ang tawag.

"Where the hell are you!" Galit ang babae sa kabilang linya. "I've been trying to call you!"

"What happened?"

Tumawa ito. "Kyle, don't pretend like you don't know what's going on. All of us received the distress messages."

"Mags..."

"We have to go and see what's going on! Where are you?"

"I'm still in Seattle."

"What's happening at the HQ is more important than our missions."

"Do you have any idea what's going on?"

"Our tech team reported high energy pulses within the vicinity."

"Where did those pulses come from?" Nakasimangot si Kyle habang nakalutang sa pagitan ng mga puno.

"From Frank Astor's room. You're familiar with this subject?"

"I've heard about him a couple of times. He's the old telepath Rod keeps talking about. He's the reason why..." Natigilan si Kyle.

"Hey, we have to head back to Nevada."

"Not a good idea."

"Why?"

"Hindi mo ba nakita ang mga pictures? The headquarters is under attack. Alamin muna natin kung ano'ng nangyari bago tayo sumugod."

"Kaya nga tayo pupunta para malaman natin kung ano'ng nangyari. How will we know kung ano o sino ang may gawa ng pag atake kung hindi tayo pupunta roon?"

"Pero teka. Sabi mo sa kwarto ni Frank nanggaling ang pulses."

"According sa datos na natanggap ko."

Bumuntong-hininga si Kyle, malayo ang tingin. "Baka related ito sa recent awakenings ni Frank."

"I'm not too familiar with his case. What does this have to do with him?"

"Frank is a telepath. He can like read and control people's minds. Rod's been keeping him because he's the only telepath that he knows."

"Looks like Rod put his facility in jeopardy."

"This way worse than jeopardy. If we don't do anything, baka puro bangkay na ang abutan natin sa headquarters."

"Kaya nga kelangan nating bumalik! Ang dami pang sinasabi..."

"Pero..." Sa wakas ay lumapag din ang mga paa ni Kyle sa lupa. Sinuro niya ang lugar upang tingnan kung may tao ba sa paligid. "Maggie, kung si Frank ang umatake sa kanila, wala tayong laban."

"That's not an option, Kyle. May tungkulin tayo. At ikaw, may utang na loob ka kay Rod. Hindi ngayon ang panahon para maging duwag at inutil."

"Tumahimik ka nga muna!"

"Okay."

"May kilala akong katulad ni Frank."

"Isa ring mind reader?"

"Oo. Siya ang subject ko."

"Lintek, Kyle. What the hell are we waiting for! Pick him up and let's get to the facility."

"Hindi ko na siya subject eh. Tinapos ko na ang walang kwentang misyon."

"Punyeta, hindi ngayon ang oras para magdrama. Alam mo namang hindi natin ililigtas ang facility because we're some sort of noble heroes with capes. We're doing this because we also need to survive in this fucked up world, and we need Rod's shit hole."

Walang nagawa si Kyle kundi umirap, at bago pa siya makapagsalitang muli, sumingit na si Maggie.

"Mauuna na ako."

"Akala ko ba sabay tayong babalik sa HQ."

"I can't wait for you to make up your mind."

"Ang labo mo kausap!" Hindi na niya hinintay na sumagot si Maggie. Binulsa na lang niya ang telepono bago muling lumipad. Wala siyang pakialam kung may makakita sa kanya.

Something bigger than his emotional reservations lurked on the horizon. Kailangan niyang balikan si Dane at kumbinsihin itong tulungan sila. Naging biktima si Dane ni Frank Astor, at batid ni Kyle na hanggang ngayon may kirot pang nararamdaman ang kaibigan sa puso, kirot na dulot ng paglapastangan sa kanya ng manyakis na matandang mind fucker. At malamang susumbatan siya ni Dane kung bakit hindi man lang niya sinabi rito na alam niya kung nasaan si Frank Astor, bagay na nilihim niya ayon na rin sa utos ni Rod Siler. Tatanggapin niya. Gusto man ni Kyle na maging selfish, na lumayo sa mga bagay na magdudulot lang sa kanya ng emotional bullshit, kargo niya rin kung may mangyaring hindi kanais-nais sa daan-daang tao sa ISA Headquarters. Higit sa lahat, tama si Maggie. May utang na loob siya kay Rod, at ayaw niya maging ingrato.

QUEERWhere stories live. Discover now