Chapter 12 (David)

2K 133 4
                                    

Sometimes life f*cks you, and you're too weak, too powerless to fight. The sadder thing is, no one gives a sh*t. So you go on, hoping things will get better. But they don't. They just go worse. It's like walking into a deep tunnel and your world just gets darker. You walk through, wondering where the end is, wondering whether you'll see the other end, where the light is. Then life f*cks you up again. This time you're almost certain that you're at the point of no return, no coming back to where you used to be. No coming through the tunnel. No end of your struggle. No light.

Masakit ang sikmura ko. Hindi dahil sa gutom. Tatlong beses akong sinikmuraan ng isa sa mga tauhan ni El Mayor. Hayop na matanda ito. Gusto ko mang lumaban, inunahan ako ng takot. Takot na mapatay niya. Takot na mapatay ko siya at mapatay rin ako ng mga tauhan dahil malamang raratratin nila ako ng bala kapag may ginawa ako. Takot na mapatay ko silang lahat at maging palaboy ako sa lansangan dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

Tinapik ni Joaquin ang pisngi ko, yung parteng sinuntok ng gago niyang tauhan. Napadaing ako dahil sa kirot. Nasa tapat kami ng isang maliit na paliparan. Parang hindi ito sa Seattle dahil hindi pamilyar ang lugar. May kulay gray na eroplanong nasa runway. Isa itong cargo plane base sa itsura nito.

"That plane leaves in 5 minutes," saad ni Joaquin. Parang mas nakakabwisit pakinggan ang Mexican accent niya. Pagkahinto ng aming mga sasakyan agad na bumaba ang mga tauhan niya. "Lots of guys with guns here."

"Your boys beat me up. It will be harder for me to use my powers."

Kinusot-kusot niya ang buhok ko na parang inaalo ang isang aso. "You do it."

"Or else?" tanong ko.

"You die."

"You can't kill me," saad ko habang nakatitig sa eroplanong nakapirmi sa kinaroroonan nito. "You need me."

"We were doing fine before you came." Tumawa ang hayop.

"Why bring me here if you no longer need me?"

"You need us."

"All right." Bumaba na lang ako para matapos ang usapan.

"Keep your phone open," saad niya.

Nakakabahala ang katahimikan. Parang bigla na lang may susunggab sa akin mula sa mga halaman. Ginala ko ang tingin sa paligid ng runway. Nakakatindig-balahibo ang katahimikan. Katahimikang agad tinuldukan ng mga putok at sigawan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napadako na lang ang tingin ko sa eroplano nang gumalaw ito. Biglang tumunog ang telepono ko.

"Stop the plane!" sigaw ni Joaquin sa kabilang linya.

"I can't," sagot ko. "It's too big."

"You'll do it if your life counted on it."

Hindi na ako nagdalawang-isip. Habang lumilipas kasi ang mga segundo mas bumibilis ang takbo ng eroplano, at habang bumibilis ito mas mahirap na ito patigilin. Hinabol ko ang eroplano. Hindi ko alam kung uubra ang gagawin ko, pero sinubukan kong hilahin ito. Inisip kong parang hinihila ko ito gamit ang mga lubid. Pero p*tang ina, hindi ko pa nasusubukan ito, pero wala akong choice. Habang bumibilis ang takbo ng eroplano, hinihila ako nito. Sa una ay dumudulas ang swelas ng sapatos ko sa semento, pero nalintikan na, nang lumipad ang dambuhala tinangay ako nito. Grabe ang kaba ko nang umangat na ako sa ere.

Nataranta ako. Sa bawat talampakang inaangat ko mula sa lupa, mas naiisip kong ito na ang katapusan ko. Mas bumibilis ang andar ng eroplano. Pwede akong bumitaw pero... wala akong maisip na matino. Tuliro na ako.

Matulin na ang lipad ng eroplano.

Ubod nang lakas ng hangin sa himpapawid.

Tanaw ko na ang kalakhan ng lungsod.

Parang mga bituin ang mga ilaw ng gusali mula sa himpapawid.

Napasigaw ako. Ayoko pang mamatay. Hindi ako rito matatapos.

Natuklap ang ilang bahagi ng eroplano. Sumingaw ang makapal na usok mula sa mga butas na bahagi ng eroplano.

Pumipintig ang mga ugat sa ulo ko.

Nayupi ang ilang bahagi ng eroplano.

Parang sasabog ang mga ugat sa kamay ko.

Tumigil ang makina nito.

Walang anu-ano'y sumabog ito sa ere.

Walang mapagsidlan ang gulat ko dahil kailangan kong proteksiyunan ang sarili ko sa mga piraso ng eroplanong tiyak na tatapos sa akin kung wala akong gagawin. Gusto kong mabuhay.

Gusto kong mabuhay.

Gusto kong mabuhay!

Nawalan ako ng ulirat habang nasa ere. Hindi ko alam ang nangyayari. Para akong dumadausdos. Natatakot akong mamatay, pero hinihintay ko na lang na lumagapak ang katawan ko sa lupa. Wala na ring saysay ang lahat ng ito.

Wala na akong maramdaman. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Namatay na yata ako nang hindi ko namamalayan. Hindi ko maramdaman ang hangin. Wala akong marinig. Okay na rin siguro 'to. Paalam na lang.

Bye, Dane. See you in another lifetime.


QUEERWhere stories live. Discover now