Chapter 3

4K 188 13
                                    

Noong tumuntong si Dane ng high school nagsimula siyang mag-research tungkol sa telepathy upang mas maintindihan ang kakayahan. Kaya niyang basahin ang nasa isip ng ibang tao. Kaya niyang tingnan ang mga alaala nila. Pero isa rin siyang cerebrokinetic. Ibig sabihin, kaya niyang baguhin ang laman ng isipan ng iba. Pero higit sa lahat, at ang nakakatakot, kaya niyang manakit ng ibang tao sa pamamagitan lang ng kanyang isipan. Kaya niyang maglagay ng nakakatakot na illusions sa utak nila. Kaya niya ring patigilin ang paggana ng utak nila, bagay na ayaw na ayaw niyang gawin.

Bumaba ang binata sa bus stop. Mula rito ay naglakad siya papunta sa bahay. Alas dyes na ng gabi. Naka lock na ang pinto ng bahay kaya binuksan niya ito gamit ang susi. Natutulog na si Elaine sa sofa nang madatnan niya ito. Halatang pagal ito matapos ang maghapong trabaho sa opisina. Ginising ni Dane ang ina.

"Have you had dinner?" tanong ng ginang pagkadilat nito. "There's food in the kitchen." Nagkusot ito ng mata habang sinusuot ang tsinelas. "Initin mo na lang."

"Sige, mom."

"Ba't ba ginabi ka?" Nagtungo ang aleng magulo ang buhok sa kusina.

"May meeting kasi ng students. Ayoko sana sumali..." Nilapag ni Dane ang backpack sa isang silya.

"Oo, tama, huwag ka na sumali." Inalis ni Elaine ang takip ng pagkain. "Dane," saad niya habang nilalagay ang pagkain sa oven, "gusto ko pagtuunan mo ang pag-aaral mo."

"I was nominated as president of the freshmen council." Pinatong ng binata sa mesa ang mga palad.

"Ano?" Pabagsak ang tanong ni Elaine. "'Di ba sabi ko sa'yo, lay low."

"Wala naman sigurong mangyayaring masama."

"You can't be too sure." Nilagay ng ginang ang isang kamay sa sariling bewang. "Napag-usapan na natin ito. Hindi ka pwedeng sumali sa mga ganyan, lalo na't gagawin ka pang president."

"Hindi pa naman sigurado kung mananalo ako." Nagkamot si Dane sa gilid ng tenga.

"I'm not arguing with you. I'm telling you to decline." Nilisan ng ale ang kusina. "Wash the dishes when you're done." Humina ang boses niya habang naglalakad. She slammed her bedroom door shut. Hindi masyadong obvious na galit siya sa anak na naiwang naghimutok sa kusina.

Gusto ni Elaine na maging ordinaryong estudyante ang anak dahil ayaw niyang maging close ito sa maraming tao. Siguro sa iilan, maaari. Pero ang maging lider ng isang organisasyon ay kinakatakot ng ina sa kanyang anak na hindi pangkaraniwan. Naiintindihan ni Dane kung bakit naging praning ang nanay niya pagkatapos ang mga nangyari sa kanya noong sampung taong gulang pa lang siya. Hindi rin niya ito masisi, kasi kung siya ang nasa kalagayan ng ina, pagbabawalan din niya malamang ang sarili na makisalamuha sa maraming tao. Ang totoo, ayaw rin naman niya ng atensiyon. Nasanay si Dane na mabuhay nang tahimik, na nagbabasa lang ng libro sa isang sulok, paminsan-minsa'y nagmamasid sa paligid, hindi nakikialam sa mga bagay-bagay.

Subalit wala na siyang mapagpilian. Ayaw niyang maging lider ng freshmen students ang isang bully.

Ilang bagay ang bumagabag sa isip niya kaya ayaw siya dalawin ng antok. Ang haba na ng chat ni Christie sa kanya sa facebook nang tingnan niya ang telepono. Mukhang siya na raw mananalo sa botohan. Mas inalala niya tuloy ang sinabi ng nanay niya. Inisip niya na lang na 'di naman kailangang malaman ni Elaine.

***

Ginising si Dane ng mga katok.

"Dane, you have a visitor," boses ni Elaine.

Inaantok pa siya pero kailangan nang bumangon. "Sino?" tanong niya matapos buksan ang pinto.

"Kaklase mo raw." Nakabihis na si Elaine. "Anyway, I have to go."

QUEEROnde histórias criam vida. Descubra agora