Chapter 60

732 54 1
                                    

Hindi hahayaan ni David na sagupain ni Dane ang mga kalaban nang mag-isa. Kailangan niyang muling makapasok. Sinubukan niyang sirain ang pader gamit ang kanyang kapangyarihan kahit alam niyang bumubuka ang sugat niya sa braso habang pumupwersa.

Ginulat siya ng putok ng baril. Tinamaan siya sa hita. Halos maiyak siya sa galit, kaya nilingon niya ang taong bumaril sa kanya. Ayaw niyang pumatay, pero binalik niya ang pangalawang bala mula sa pinanggalingan nito. Bumulagta ang bantay, pero may mga kasama siyang agad pinaulanan ng bala ang sugatang si David na sumigaw habang pinipilit na tumayo. Umangat ang katawan ng tatlong armado. Ngitngit ang namayani sa katauhan niya. Parang mga sakong humampas-hampas ang mga katawan nila sa semento hanggang sa malasog ang mga ito.

Lumapit siya sa mga biktima upang hanapin ang susi patungo sa entrance ng gusali. Maraming susi. Kailangan niyang subukan ang mga ito isa-isa. Nakakailang palit na siya, ngunit ayaw bumukas ng pinto. Sa galit ay tinapon niya ang mga susi. Humakbang siya paatras at nagpakawala ng pwersa sa kanyang mga kamay. Batid niyang ilang minuto na lang ay mauubusan na siya ng dugo.

Galit siya kay Frank. Galit siya kay Dane, dahil wala itong tiwala sa kanya. Galit siya sa sarili niya. At ang galit na ito ang nagpalakas sa pwersang pinakawalan niya. Nawasak ang pinto at nagkaroon ng bitak ang katabing dingding. Pumasok siya sa loob nang hindi pinapansin ang tunog ng alarm.

Muli siyang sinagupa ng mga armadong kalalakihan na pinasikip niya ang mga kwelyo. Nilapitan niya ang isa sa mga nangingisay. "Sabihin mo sa akin kung nasaan ka?" Pero nawalan na ito nang malay bago makapagsalita. Hindi sinabi ni Dane sa kanya kung nasaan si Frank, kaya kailangan niya itong malaman sa sarili niyang paraan.

Nagkaroon siya ng pangitain bago siya makagalaw. Madilim sa kanyang pangitain at hindi siya makahinga. Alam niyang wala siyang ganoong kakayahan. At nasisiguro niyang hindi iyon halusinasyon. Dane was unconsciously sending an SOS signal. At nasagap niya iyon dahil sa kanilang koneksiyon. Lalo siyang nangamba.

"Alam kong nandito kayo!" Umikot siya, nag-aabang ng lalabas mula sa mga pintong nasa paligid. "Sabihin niyo sa akin kung nasaan si Frank Astor kung ayaw niyong wasakin ko itong buil--" Dinamba siya ng kung ano.

"May sinasabi ka?" Pamilyar ang lalaki.

"Namumukhaan kita." Bumangon si David, hindi niya tingingnan ang marka ng dugo sa sahig. "Ikaw yung gustong dumukot sa akin dati."

"Nakwento ba ako ni Kyle?" Bigla siyang lumundag at sinipa si David sa mukha. "Walang kwenta ang mga kapangyarihan ninyo sa mga bihasang fighters na kagaya ko."

"Masyado kang mayabang." Dumura ng dugo si David. "Tanga ka naman." Gumanti siya ng sipa na nailagan ng kalaban. Paika-ika niyang nilapitan ang gago. "Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Bakit ka pumepeke ng ngiti kahit alam mong sobrang kirot na mga sugat mo sa katawan?"

"Mayabang ka kasi sugatan ako. Pero kahit hindi patas ang laban, tatapusin kitang gunggong ka." Pero hindi maitama ni David ang mga kamao niyang madaling naiilagan ni Agent Ryan Rodriguez.

"Kulang ka sa training bata." Ngumisi at tumawa si Ryan.

"Talaga?" Lumutang ang mga muwebles sa likuran ni David at agad tumilapon ang mga ito patungo kay Ryan na biglang tinubuan ng mga pakpak.

Nagkaroon ng mga pangil ang pangahas at mabilis niyang sinugod si David na winasiwas niya gamit ang mga pakpak na agad kinain ng kanyang likuran. Napunit ang kanyang suot habang nagiging kulay berde ang kanyang balat at humaba ang kanyang mga kuko. Kakalmutin niya sana si David, pero naibalibag siya nito gamit ang kanyang kapangyarihan.

"Literal na hayop ka pala." Hinihingal siya.

"Nag-uumpisa palang tayo, hinihingal ka na." Tinubuan ng mga balahibo sa katawan si Ryan. Sa paglundag niya sa era ay tumubo ang mga paa ng gagamba mula sa kanyang likuran. Madali niyang naitumba si David sa sahig. Hindi makagalaw ang duguang binata. "Alam mo bang tutol ako sa ideya ni Director Rod na kunin kayong agents? Alam mo ba kung bakit?"

QUEERWhere stories live. Discover now