Chapter 2

4.8K 201 6
                                    

Maraming tao sa student council hall. Kinalma muna ni Dane ang sarili bago tumuloy. Nabigla siya sa dami ng nasasagap ng kanyang utak. Parang may mga bubuyog sa loob ng ulo niya. Napakaingay. Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang naglakad sa pasilyo. Hindi niya na pinansin ang ingay dahil mas importante na mahanap niya si Christie.

"Dane!" Naroon ang dalaga ilang metro sa kanan niya. May mga kasama ito.

"I reserved a seat for you!" sigaw ni Christie sa binatang kararating lang. Pinakilala nito ang mga kasama nang makalapit na si Dane sa kanila. "This is Anna, Greg, and Sally."

"I'm Dane." Kinamayan niya ang mga ito na parang isang pulitiko bago umupo sa tabi ni Christie na may kinukwento sa kanya na hindi pumapasok sa utak niya dahil sa ingay. Pinatahimik niya ang diwa niya dahil ayaw niyang may mangyaring 'di maganda dahil sa erratic manifestations ng kapangyarihan walong taon niya nang pinag-aaralang kontrolin. Oo, 'di na siya ganoon kalala gaya noong bata pa siya, pero nakakainis pa rin ang sudden psychic intrusions.

"Hey, nakikinig ka ba?"

"Ah, kasi..." Walang maisip na excuse si Dane.

"Ladies and gentlemen..." saad ng host. "I'm Klio Burnett, your presiding officer. I was last year's senior officer of the student council. If you're wondering why the president isn't here, it's because she transferred to another university. So bear with me..."

Habang pinapaliwanag ni Klio ang tungkol sa gagawing student council officer elections, ang mga students naman ay abala sa pagse-selfie at kung anu-ano sa smartphones nila. Mahigit kumulang may isang libong mag-aaral ang nasa loob, at sa gitna ng ingay ng mga ito napagtanto ni Dane kung gaano siya kaiba. Kahit sa tingin niya'y imposible, naghangad siya na sana may kahit isa man lang sa mga naroon ang katulad niya.

"Dane!" Biglang hinila ni Christie ang binatang sandaling nilunod ng mga ingay.

"A-Ano 'to?" Medyo disoriented si Dane.

"Dane for the head of the freshmen council!" sigaw ng nakangiting si Christie.

"Ano!" Napasimangot ang nabiglang binata.

Hindi sumagot si Christie. "Hoy!" Tinapik nito ang mga kasama. "Pinag-usapan na natin 'to. Tumayo kayo. Let's support Dane!"

Tumayo naman ang tatlo at pumalakpak.

"Christie, ano 'to?"

"Ano ka ba!" bulalas nito habang nakangiti. "Ikaw ang kailangan namin, matapang, assertive."

May nagmamasahe ng likod niya at tumatapik sa balikat niya, mga taong hindi niya muna pinansin. Ginala niya ang tingin dahil gusto niyang makita ang mga reaksiyon ng mga naroon. Nakangiti ang mga tao. O nakangisi. Parang walang pagkakaiba. Nakakabahala.

"Mr. Lawrence for president of the freshmen council!" Ang laki ng boses!

Napalingon silang mga nakaupo sa first few rows of seats. Inaayos ng nakayukong lalaki ang jacket niya. Madaling namukhaan ni Dane ang ungas at ang mga kasama nitong mga ugok. Lawrence pala ang apelido ng gago.

"Any more nominations?" tanong ni Klio. Bahagyang tumahimik ang bulwagan. "Kung wala na ay pwede ko bang imbitahan dito sa entablado ang dalawang nominees?"

"Go!"Tinulak ni Christie ang napasubong kaibigan. "We got you."

Siyempre wala na siyang choice kundi tumungo sa stage. Ayaw niya namang magmukhang loser.

"Watch your steps, dweeb." Nakangisi ang lintik.

"How's your jaw?" Pilyo naman ang kindat ni Dane.

QUEERWhere stories live. Discover now