Chapter 15 (Dane)

2.1K 116 16
                                    

Hindi ko sinasadya. Hindi ko na ako nakahingi ng paumanhin sa kanya kasi pinaharurot na niya ang motor niya. Pinulot ko na lang ang bag at libro ko. Hindi ko naman akalain na wala na pala ang mga magulang niya. Hindi ko kaagad nalaman.

Bumuntong hininga ako. Kahit paano naging malapit na rin ako sa kanya. Hindi ko maintindihan pero parang magkaibigan na kami, marahil dahil magkatulad kami sa isang bagay, sa isang sekreto. Pero marami akong hindi alam tungkol sa kanya. At marami siyang hindi alam tungkol sa akin.

"Akala ko uuwi ka na?"

Napalingon ako. "Uuwi na talaga ako."

"Hatid na kita," saad ni Kyle.

"Di na kailangan. Malayo na kasi babyahiin mo kung ihahatid mo pa ako."

"Wala namang kaso. Halika na."

"Sige kung mapilit ka." Sumakay na ako sa kotse niya. Ayoko magpabebe. Kapag may nang-alok, tanggapin ang alok. Masama raw tanggihan ang grasya. Siyempre makakatipid na rin ako sa pamasahe.

"Sandali, may nakalimutan ako." Tinanggal niya ang seatbelt niya at lumabas. Dumungaw siya sa bintana. "Huwag kang aalis."

Tumango ako. Muli akong binagabag ng nagawa ko kay David. Gusto ko siyang tawagan o itext. Hinugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa. Nagtext ako ng SORRY. Malamang hindi 'yun sasagot sa tawag ko dahil nagmomotor. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko dapat ginawa 'yun. Kahit maypagka-asshole siya, mukhang mabuting tao naman siya. Okay na siguro 'yung text ko. Baka oa kung hahabaan ko. Hindi naman ako senti na tao.

Dahil sa tagal ni Kyle, di ko napigilang sipatin ang kotse niya. Ang yaman siguro ng pamilya niya. Naiwan niyang nakabukas ang bag niya. Nakalabas ang manggas ng itim na coat na may badge. Mukhang luma na ito kasi nabura na ang mga letra sa badge, pero medyo malinaw pa ang mga letrang SA. Napaisip ako kung may campus organization na SA ang acronym.

"Did you wait too long?" Agad niyang inayos at sinarado ang bag niya pagkapasok niya sa kotse.

"Long enough for me to take a look around."

"Ano'ng binalikan mo?"

"Cellphone ko, naiwan sa office natin."

"May tanong ako."

"Shoot." Pinaandar niya ang kotse.

"Anong org 'yang SA?"

"Anong SA?" tanong niya habang nakapirmi ang atensiyon sa kalsada.

"Nakita ko sa badge ng coat mo. Wala naman kasi akong alam na SA na org sa campus."

"Sa high school pa 'yan. Lumang coat. Kasya pa kasi kaya sinusuot ko pa. Bakit mo natanong?"

"Curious lang."

"Nature mo na talaga maging curious."

"I guess so." Pwede kong alamin ang sagot mula sa isipan niya, pero fresh pa sa utak ko ang nangyari kanina sa pagitan namin ni David. Baka magkamali na naman ako.

"Nasa'n nga pala 'yung palagi mong kasamang babae?"

"Si Christie?"

"Oo, siya nga."

"Hindi siya pumasok." Humugot ako ng malalim na hinga. "Tinawagan ko siya kanina. Sabi niya masama pa rin daw ang pakiramdam niya."

"Buti ikaw parang naka-recover ka na." Lumingon siya sa akin.

Umiba ako ng tingin. "I've experienced so much worse. Ang nangyari kahapon, malayo sa nangyari sa akin nung bata ako."

"Ano bang nangyari sa'yo nung bata ka?"

QUEERWhere stories live. Discover now