Chapters 32

1.4K 75 9
                                    

Hindi ko maaninag ang mukha niya, pero ramdam ko ang emosyong mas malalim pa sa pag-aalala. Kahit papaano naibsan ang lamig na naramdaman ko dahil sa init ng yakap niya, ang init ng pisngi niyang dumampi sa tenga ko. Bumagal ang takbo ng mga segundo, at parang sa bawat tibok ng puso ko nakaisip ako ng isang rason upang mabuhay. Alam kong hindi ko pa oras kaya natatakot ako. Natatakot akong sa nakapalibot na asul at sa karimlang nasa ilalim ng aming mga paa ay nasa pagitan na kami ng life and death.

Marahas ang agos ng tubig papasok sa silid. Magulo ang mga tilamsik. Kahit sa ilalim ng tubig ay ramdam ko ang mga kalabog na nagpakislot sa mga kalamnan ko. Tumama ang ulo ko sa dingding. Mga bula na lang ang lumabas sa bibig ko sa aking pagsigaw. Nakakabingi ang samut-saring ingay sa ilalim ng malamig na tubig. Sabi nga sa physics class, mas matulin ang paglakbay ng sound waves sa tubig.

Eight years ago, akala ko habangbuhay na akong makukulong sa astral plane kasama si Frank Astor. Frank's limbo was dark and cold, perhaps darker and eerier than this place. It was as lonely as this. But it was not as ominous and savage as the bowels of an imploding ship underneath the sea surface. Pero kung papipiliin ako kung mas gugustuhin ko ba dito o sa karsel sa diwa ni Frank, siguro mas pipiliin ko ang kulungang gawa niya. Drowning is sure death for me. I could escape from any psychic limbo. I could, however, not do anything underneath the water. The experience made me realize how limited I was, how mortal I was. I wondered what David felt. I was supposed to save him, but maybe I was too stupid, too naive, to ignorant, too self-assured.

Nang hinigpitan ni David ang yakap sa katawan ko nakaramdam ako ng kakaibang presyon. Nakakabingi ang mga kalabog, lagutok, at alatiit ng mga bakal. May sumabog na naman. May kung anong humampas nang malakas sa tubig, ingay sa palibot namin. Ang pinagtakhan ko, nakakahinga ako. Dahan-dahan kong binuka ang mga mata ko. Walang tubig. Hindi. Mali. Napalibutan kami ng tubig, pero hindi ito dumampi sa amin. Nakakamangha ang munting alon na nakapalibot sa amin habang gumagalaw kami. Naaninag ko sa ibaba namin ang wasak na barkong dumausdos pailalim sa tubig.

"David..." Dumaloy ang mainit na luha sa mga mata ko habang hinihigpitan ko ang yakap sa kanya. Akala ko katapusan na namin. Hindi siya umimik. Mahigpit niya lang akong niyakap. Pareho kaming basa. Pareho kaming amoy krudo at tubig-alat. Ngumiti ako nang maaninag ang unti-unting pagliwanag ng tubig sa paligid namin.

What a surreal scene. Tanaw ko ang mga isda na ang ilan ay lumalangoy kasabay ang pag-angat ng telekinetic bubble. Parang tinitingnan nila kami na may pagkamangha. Gumawa ng mga munting alon ang aking daliri nang sundutin ko ang tubig, mga munting alon na humalo sa mga naunang alon na maaaring gawa ng naglalabang presyon ng tubig at pwersang pinapakawalan ni David.

Nakakamangha na nakakakilabot ang itsura ng tubig mula sa ilalim habang nag-aagaw ang dilim sa ilalim at ang liwanag na tumatagos mula sa itaas. Kakaiba ang koleksiyon ng mga matitining na tunog sa ilalim. Parang may tunog ng makina ng mga barko mula sa malayo o di kaya mga huni ng butanding. Maaari ring guni-guni ko lang ang lahat.

Kumalas si David sa pagyakap sa akin siguro upang tingnan ang itsura ko. Naglaro ang liwanag mula sa itaas sa kanyang mukha. Pinaputla ng asul na kulay ng paligid ang kanyang mukha. Kulay lila ang kanyang mga labi. Mugto ang kanyang mga namumulang mata. May kumislot sa dibdib ko nang hawakan niya ang mga pisngi ko at titigan niya ang mga mata ko. Dumaloy ang mga luha mula sa mga mata niya.

Nagdulot ng mga alon ang pag-usbong namin sa tubig. Water splashed to us and away from us in seemingly all directions. It was hard to see what exactly was happening. We were finally on the surface of the sea, and that was the only thing that mattered at the moment. Two helicopters hovered over us, as we gasped for air and tried to keep ourselves afloat. David didn't let go of my hand. I didn't let go of his. Those rapidly swirling blades created gusts that slapped our cheeks, ruffled our soggy hair, and made us squint.

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon