Chapter 43

1.1K 67 8
                                    

"Are we expecting guests?" Nadatnan ni Dane si Elaine sa kusina. Ginutom siya ng halimuyak ng roasted turkey na alam niyang nasa oven pa.

"Aren't we expecting Kyle?" Inaayos ni Elaine ang sweet potato casserole sa isang mangkok.

Nakalimutan niyang panauhin nila si Kyle. Nawala sa isip niya dahil naging abala sila ni David sa mga bagay na sikreto lamang nila. "I was supposed to invite David."

"Who?" Hindi siya tiningnan ng ginang.

"David."

"Have we met?" Nilagyan ni Elaine ng garnish ang iba pang niluto.

"Siya yung bisita ko na pinagalitan mo." Umupo ang dismayadong binata sa silya sa tapat ni Elaine.

"Oh." Nagliwanag ang mga mata ng ginang. "That rude guy."

"Hindi siya rude." Pinatong ni Dane ang mga bisig sa mesa habang nakatitig sa bacon na may green peas na binubudburan ng nanay niya ng spices. "May problema lang siya nung araw na yun."

"Matalik na ba kayong magkaibigan ng David na yan?"

"Boyfriend ko na siya."

"What!"

Napaangat siya ng tingin at nakita niya ang pagkairita sa mukha ng nanay niya.

"Hindi mo pa nga siya kilala tapos boyfriend mo na." Binagsak niya ang hawak na kubyertos sa mesa.

"Ang OA mo naman." Umupo siya nang tuwid at tinitigan ang ina sa mata. "Matagal na kaming magkakilala."

"Ayoko sa kanya." Dala dala ang mga pinggang may pagkain, tinungo ni Elaine ang sala. "Besides, I've been trying to call Kyle, and he's not answering. Hindi ba kayo magkasama kanina?"

"Si David ang kasama ko buong araw."

Binagsak ni Elaine ang mga pinggan sa mesang nasa dining area. "You should've brought him here then!" Galit ang tono ng ale.

"I wanted to but he wouldn't come." Napahawak si Dane sa dulo ng isang silya habang nakatitig sa mga pagkaing marikit. Hinintay niyang bumalik ang nanay niyang bumalik sa kusina.

"I don't want to argue with you today." Halatang galit pa rin siya. "Like I told you before, do whatever you want to do with your life."

"Why are you only thinking about what you're feeling?"

"I am only thinking about what I'm feeling?" Hinarap siya ng kanyang ina. "You cut classes several times. You get yourself in trouble. You nearly got yourself killed several times."

Natameme ang binata.

"What?" Mabalasik ang titig ni Elaine sa anak. "You think I don't know? You think you can lie to me and keep everything a secret? You think I'm that stupid?"

"You see?" Kinumpas ni Dane ang mga kamay habang nagsasalita to emphasize his point. "Masyado kang self-absorbed. You only think about what you like, how you want me to be, and who you want me with!"

Sampal sa pisngi ang naging tugon ng ale. "You're sick of me, huh?" Namumula ang mga mata ni Elaine. "Get out of here."

"Fine." Galit na galit siyang kinuha ang mga gamit at nilagay ang mga ito sa isang malaking bag. Naisip niyang makitira muna kay David.

Sinundan siya ni Elaine. "You're not taking anything except the clothes you're wearing."

"You are unbelievable!" bulyaw ni Dane.

"No, you are unbelievable!" sigaw rin ni Elaine. "I've put up with all your bullshit all this time after raising you alone."

"You're only putting up with me, huh?" Uminit ang leeg ng binata. Sinilaban siya ng labis na galit. "So all this time you're only putting up with me." Umiling siya. Sa dami ng gusto niyang sabihin walang lumabas sa bibig niya. Gusto niya lang sumigaw, pero kahit ang sumigaw hindi niya magawa. Hindi niya magawang sigawan ang nanay niya.

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon