Chapter 30

1.5K 85 14
                                    

Note: I thought I could get away with writing the draft without doing much research, pero sa chapter na ito kinailangan kong tumambay sa Google Earth. Masdan ang mapa ng Seattle!

 Masdan ang mapa ng Seattle!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 30 

Sabay kaming sumakay ng taxi ni Elaine kasi umuulan. Mas malamig ang panahon. Ang mga tilamsik ng tubig-ulan ay parang mga butil ng yelong tumama sa balat ko. Natanggal ang mga tuyong dahon sa mga puno dahil sa ulan, leaving the trees wet and bare. Nagbabadya ang pagdating ng taglamig.

"There was no rain forecast," saad ni Elaine.

"Since when have forecasts ever predicted rain?" Sarkastiko ang tono ko.

Natawa ang Indianong tsuper. Hindi na namin siya pinansin dahil pareho kaming abala, si Elaine sa mga papeles na dinala niya sa bahay nang nakaraang gabi upang tapusin, ako sa pagsagot sa mga mensahe sa chat group ng student council members. Hindi pa online si Kyle.

Biglang nag hi si Christie na ikinatuwa ko.

Ako: Oy, kamusta na!

Christie: Ito, ineenjoy ang init ng Florida.

Ako: Buti pa diyan. Dito umuulan.

Christie: Kamusta ang Seattle University?

Ako: Wala namang nagbago maliban sa pagkawala ninyo.

Christie: You miss me. Haha

Ako: Yeah. Balik ka na.

Christie: Kung pwede lang.

Christie: Congrats nga pala sa charity event niyo. Nakita ko kasi nakatag sa iyo.

Ako: Saya kaya.

Christie: You have to thank me. Kung di dahil sa akin di ka magiging officer at hindi mo makikilala si Kyle. Kayo na ba?

Ako: Hindi. Friends lang kami. Pero oo salamat! =)

Siya: Sus, sinungaling. Ang saya niyong tingnan sa mga pictures.

Ako: Talaga?

Siya: Oo, you're like a gay couple.

Ako: Ikaw, are you dating someone?

Siya: I'm seeing a guy.

Ako: Good

Siya: Not sure if we're dating

Ako: lol we're in the same boat then

Hindi na siya nagreply. Siguro abala. Naisip kong bisitahin ang profile ni David. Ang huling post niya ay August 9, 2011, pa. Hindi talaga mahilig sa social media ang mokong na ito. Hindi rin naman ako mahilig magbabad sa telepono, pero kailangan sa organization. Walang kwenta ang mga posts ni David, puro games. Gusto ko siyang kamustahin, pero baka isipin ng ungas na namimiss ko siya. Binulsa ko ang telepono ko at tumingin sa labas. Pero mga hazy images lang ng mga kotseng nadadaanan namin ang nakikita ko dahil sa ulan at sa mga butil ng tubig sa bintana ng kotse.

QUEERWhere stories live. Discover now