Chapters 50 and 51

1K 52 7
                                    

Chapter 50

Maingay. May mga nagsisigawan. Hinintay ni Dane na humupa ang pagkahilo niya. Umiikot ang kanyang paningin. Kakatwa ito sa kanya sapagkat ang alam niya ay wala siyang anumang sakit na maaaring magdulot ng vertigo. Nagsimulang tumagaktak ang kanyang malamig na pawis.

"Hoy, bakla," sinigawan siya ng isang kaklase, "tumayo ka diyan!"

Inangat niya ang tingin. Unti-unti nang humupa ang pag-ikot ng kanyang paningin.

"Siga-sigaan ka dito eh." Hinila siya ng lalaking may pasa sa panga. "Nakikita mo itong ginawa mong hayop kang lintek ka?" Tinuro nito ang panga.

"Pasalamat ka't masama ang pakiramdam ko." Halos bulong na ang lumabas sa bibig niya. Minamasahe pa rin ni Dane ang ulo.

"Huy." Muntik nang punitin ni David ang kwelyo ni Dane. "Wala akong pakialam kung may regla ka, gago."

"Eh di lubayan mo ako!" Tinulak ni Dane ang kaaway na muntik na namang madapa. Mabuti na lang at nahawakan ito ng mga mayayabang niyang kasama. "Aaaah..." Napahawak siya sa silya dahil muntik na siyang matumba.

"Aba, putang ina mo--"

"Anong kaguluhan ito!" dumagundong ang boses ng kakapasok na propesor. Biglang tumahimik ang klase. Nagsiupuan ang lahat. Nagsiayos ng upo. "Unang araw ng klase pa lang ang gulo niyo na! Kung ganito ang attitude ninyo, babagsak kayong lahat!" Tumalsik ang laway ng matabang mama habang nagsasalita.

Hindi maituon ni Dane ang atensiyon sa aralin kahit pa humupa na ang kanyang liyo. Nakatitig siya sa binatang nasa harapan niya. Nakatalikod ito, pero paminsan-minsan ay nililingon siya, iniirapan, pinapakitaan ng middle finger. Nalito si Dane. Para bang kilala na niya ang lalaking ito, at hindi dahil nabasa niya ang pangalan nito sa utak nito. Para bang mas malalim na ang kanilang pagkakakilala sa isa't-isa. Hindi niya maintindihan.

"Mr. Walker, where are you?"

Nabigla si Dane. Napalunok siya habang nakatitig sa propesor na hinahanap ang kinauupuan ng tinutukoy na estudyante. Dahan-dahan siyang tumayo. Nakikita niya ang mga ngisi at panunuya ng ilang kalalakihan.

"What is the value of x?" Tinuro ng guro ang X na nasa pisara.

"Um..." Nagkamot ng ulo si Dane.

Nagsimulang magtawanan ang mga kaklase, ang pinakamalakas ay mula sa grupo ni David.

"Kulang pa yata sa hithit ang kumag na bakla," sigaw ng isa sa kanila.

"Tumahimik kayo!" Hinampas ng guro ang mesa. "I can't believe this!"

"Pasensiya na po," saad ni Dane bago umupo. Lumingon siya sa kaliwa at nakita niya ang pagsenyas ng isang babae.

"It's okay," bulong nito.

Lalong hindi nakatuon sa klase si Dane. Iniisip niyang maigi ang nangyayari. Para bang naranasan na niya ito. Para bang pamilyar ang lahat ng ito. Para bang naulit lamang ito. Kilala niya ang babaeng ngumiti sa kanya, maging ang katabi nitong lalaking nakasalamin. Pero hindi niya maalala ang mga pangalan nila. Kilala niya ang barkada ni David, pero nakalimutan niya ang pangalan ng mga ito.

Lumipad ang isip niya kaya hindi niya namalayang tapos na ang klase at nagsitayuan na ang mga kaklase niya.

"Hey." Kumaway sa harap niya ang kaklaseng babaeng ngumiti sa kanya kanina. "Hindi ka lalabas?"

Nagulat siya. "Um, lalabas na." Tumayo siya at sinundan ang babae.

"I'm Christie." Kinamayan siya nito.

"Have we met before?" tanong niya habang naglalakad sila sa koridor.

"No." Umiling ang babae. "By the way, this is Greg." Tinapik niya sa balikat ang patpating binata na hindi makatingin kay Dane. "He's really shy."

QUEERDove le storie prendono vita. Scoprilo ora