Epilogue

1.6K 56 17
                                    

(Dane)

4 A.M. FEBRUARY 10, 2015 -- SOMEWHERE IN NEVADA, UNITED STATES

"I am growing impatient!" Tanging ang kabuuan lang ng lalaki ang maaaninag sa harap ng makislap na liwanag. "The telepath has been around for more than three years. We've found more than a thousand people with psionic abilities. What are you still waiting for?"

"I am afraid I have to tread carefully for there are far greater powers in the horizon." Malumanay ang boses ng nagsasalita na hindi ko malaman kung babae ba o lalaki. Umalingawngaw ang boses niya na tila nag-e-echo sa iba't ibang sulok ng silid.

"What are you talking about?"

"Formidable cosmic forces." Biglang naging maligalig ang liwanag. Ilang sandali pa ay pumorma ang mga malalabong imahe.

"A sinister force..." Lumitaw ang itim na usok sa kaliwang bahagi ng silid at mabilis itong bumuo ng isang itim na nilalang na nakatalukbong. Parang mga itim na ahas ang umusbong mula sa mga kamay nitong nakausli sa mga nakalaylay na manggas.

"And this." Sandali akong binulag ng liwanag. Ni ang silweta ng lalaking nakatalikod ay hindi ko na makita. Ngunit mabilis na bumuo ng imahe ng marikit na dilag ang liwanag, at sa ilang sandali ang kanyang kasuotan ay tinubuan ng mga makislap na laso, at ang kanyang mga kamay ay napalibutan ng tila mga bituing nagmistulang mga perlas.

"Who are they?" tanong ng lalaki.

"Forces beyond your imagination." Nawala rin ang mga imahe matapos magsalita ng enerhiya sa harap ng lalaki.

"And why should they deter our plans?"

Hindi ako sigurado, pero para bang pamilyar ang boses ng lalaki. Kaboses niya si Rod.

"For they are more ancient," sagot ng maliwanag na nilalang, "more powerful than me. I maybe one of the children of the cosmos, but neither I nor Eros wields its fabric."

"This is insane!"

"Child, I understand."

Biglang tumunog ang alarma, at kasabay ng tunog nito ang pagdilim ng kapaligiran at ang paggising ko mula sa isang panaginip. Tiningnan ko ang relo. Alas kwatro pa lang ng madaling araw.

"Huy." Tinapik ako ni David. "Kelangan tayo sa lobby." Nagmamadali siya sa pagsuot ng pantalon.

"Nanaginip ako..." Minasahe ko ang noo ko.

"Mamaya na natin pag-usapan. Mukhang emergency to."

Nakatunganga ako sa kanya.

"Bilis na!"

Pagdating namin sa lobby ay naka-broadcast sa malaking screen ang balita tungkol sa massive outage sa Manila.

"A huge part of Metro Manila just lost power and communication," saad ng reporter na naghahayag ng breaking news sa telebisyon.

"You know where that is?" tanong ni David.

"It's..." Hindi ko na tinuloy dahil...

"The capital of the Philippines," dugtong ng reporter, "lost contact with the world, and it looks like it's impervious to communication as well. We're still gathering information about this event, which is feared to be caused by a terrorist activity. Stay tuned for more updates."

Mas malala ang balita sa ibang channel. "Manila is in complete darkness. Cellphones are down. Cars have stopped in the streets. Accidents have been reported in several parts of the city, which seems to be in total mayhem."

Parang mga bubuyog ang ingay ng mga bagong gising sa lobby.

"What does that mean?" tanong ni David.

"It means," saad ni Rod na nasa likuran pala namin, "it's time to get to work."

Matagal ko siyang tinitigan dahil sigurado na akong siya 'yung napanaginipan ko, at mas lalo akong nagdududa sa kanya. Sigurado na akong may tinatago siya sa amin, at gusto kong malaman kung ano 'yun. I could probe his mind, but he knew how my powers worked. If I had probed his mind, he would've felt it and would've known I was doing it. I had to be more discreet. Besides, hindi ako sigurado. And I wasn't sure what we were up against. Miscalculations would put lives in danger. 

Pero may nangyayaring kakaiba sa kabilang bahagi ng mundo, at para itong coincidence sa napanaginipan ko. Ancient cosmic forces. Naalala ko ang mga huling sinabi ni Frank. We would face threats far more powerful than him. Nakakabahala. 

QUEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon