Chapter 38 - Balikan ang Bangungot

1.5K 85 35
                                    

Nagising si Dane sa katahimikan ng silid na iyon. Natulala siya habang naiisip ang nangyari nang nakaraang gabi. Nangangamba rin siyang maaaring nanggagalaiti na ang nanay niya sa kakaisip kung nasaan siya. Nasapo niya ang noo. Bumalikwas siya. Kinusot niya ang mga mata, nagbakasakaling pag minulat niya ay makikita niya ang sarili niyang silid. Pero mga pictures ni David nang kabataan niya. 

Nakatupi sa gilid ng kama ang kanyang pantalon na pinatungan ng t-shirt na malamang ay kay David. Halos magkasing-laki ang mga katawan nila kaya kasya rin sa kanya ang damit ng... Napakunot ang noo niya. Napaupo siya sa gilid ng kama habang minamasahe ang noo. Tinanong niya ang sarili kung ano ba ang estado nila ng lalaki. Sinuot niya ang pantalon, damit, at sapatos. Hinanap niya ang telepono niya bago niya maalalang iniwan niya ito sa sala nang nakaraang gabi.

Nakangiti sa isang larawan ang mga magulang ng isang batang magiliw. Ngumiti si Dane habang nakatingin sa larawang walang salamin, at napansin niyang walang salamin ang iba pang pictures.

Nadatnan niya si David na naglilinis sa sala. Nag-atubili siyang lumapit. Nanatili siyang nakatayo sa paanan ng hagdanan hanggang sa lumingon ito't makita siya. Bago sa kanya ang magising sa bahay ng ibang tao, kaya nalilito siya kung ano ang gagawin.

"Good morning, thick." Pilyo ang ngisi ni David. Tumubo na ang maliliit na balbas at bigote sa kanyang mukha.

"Do I call you long?" Oops, awkward. "I gotta go." Hindi alam ni Dane kung lalapit ba kay David at yayakapin ito o tutuloy sa pinto at kakalimutan ang nangyari sa kanila nang nakaraang gabi. "Elaine's probably--"

"She called." Inabot niya kay Dane ang telepono.

"Tapos?" Mas sumimangot si Dane na agad kinuha ang telepono't tingnan ang mga mensahe nito.

"Sinagot ko."

"Anong sabi niya?"

"Sabi niya galingan ko raw." Pigil ang tawa ni David nang ilagay niya sa trash bag ang mga walang lamang lata ng beer.

"Tang ina ka, anong sinabi mo sa kanya?" Nakakunot ang noo ni Dane habang sinusuri ang laman ng kanyang inbox.

"Sabi ko dito ka nagpalipas ng gabi." Halata ang inis niya habang umiiling. "Huwag kang mag-alala. Sinabi ko sa kanya na okay ka lang. Sabi niya, sabihin ko raw sa'yo na pumasok ng school. Baka raw umabsent ka na naman." Tinabi niya ang trash bag bago ayusin ang plastada ng mga upuan. "Maawa ka naman sa mama mo. Naghahanapbuhay para buhayin kang senyorito ka."

"Talagang sa'yo nanggaling yan?"

Bitbit ang mga basura palabas ng bahay, hindi nito pinansin ang tanong ni Dane.

"Kelangan mo yata ng renovation," saad niya nang makabalik si David sa loob.

"Kasalanan mo 'to. Kung hindi mo'ko inakit kagabi, di mangyayari 'to." Umismid si David habang nakatingin sa mga bitak sa bintana.

"Inakit kita?" Umiling si Dane nang nakangiti. "Nasa labas na ako kagabi, tapos hinila mo ako pabalik kasi sabik na sabik ka sa akin."

"Ah, talaga?" Lumapit si David sa kanya.

"Oo, talaga." Hindi naman nagpasindak si Dane at lumapit din.

Hinila ni David ang kwelyo niya.

Tinulak naman siya ni Dane. "Ikaw ang hilig mong manira ng kwelyo." Inayos niya ang suot.

"Damit ko naman yan ah."

"Oo, kasi winasak mo yung damit ko kagabi. Pati brip ko. Dapat kinukontrol mo yang powers mo."

"Hindi lang ako ang dapat matutong magkontrol ng superpowers." Kinuha niya ang cellphone niya at pinakita sa akin ang balita.

Nagkaroon pala ng mass sleep attack sa Georgetown, Seattle, kasabay ng Magnitude 5 na lindol. Mahigit isang daang tao na ang isinugod sa hospital dahil sa mga natamong pinsala. Wala namang naitalang nasawi o matinding nasaktan dahil sa pangyayaring inimbestigahan na mga otoridad.

QUEERWhere stories live. Discover now