Chapter 52 - Paglaruan si Dane Walker

939 38 1
                                    

Naalimpungatan si Dane dahil sa mga ingay sa loob ng kanyang silid. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Nasilaw siya sa ilaw sa kisame. Palakas na palakas naman ang mga ingay sa pasilyo hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok si Elaine kasama ang isang matabang doktor.

"Paanong walang sakit ang anak ko?" bulalas ni Elaine. "Hindi siya makatulog nang maayos. Nagkakaroon siya ng seizures." May kakaiba sa kanya. Bumata yata siya.

Ilang segundong tumitig ang doktor sa kanya. "Misis, ang maipapayo ko sa'yo ay patingnan siya sa isang psychiatrist. Physically, wala akong makitang mali. The brain scans are normal. His endocrine physical assessment is normal."

"Sandali." Nakapinta ang pagtataka sa mukha ng ginang. "Sinasabi mong baliw ang anak ko?"

"Hindi naman sa ganoon, misis, pero..."

Umiling si Elaine, tumigil lang siya sa pagsasalita nang makitang gising na ang pasyente.

"Elaine, bakit ako nandito?" Nagtaka siya dahil lumiit ang boses niya. Hinawakan niya ang lalamunan, at lumunok.

Lumapit ang babae at hinaplos ang anak. "It's okay. Everything's okay, sweetie."

Tinitigan ni Dane ang ina. "You look different."

Ngumiti naman si Elaine at hinaplos ang noo ng anak.

Napagtanto ni Dane na pamilyar ang silid nang tingnan niya ang bawat sulok nito nang maigi. Ngunit mas nabigla siya nang makita ang mga bisig at mahawakan ang mga braso na lumiit. Nang tanggalin niya ang puting kumot, natulala siya't napasimangot. Ang liit at payat ng mga paa niya, parang paa ng bata. Tinitigan niya ang mga kamay. Dahil sa pagkalito ay bumangon siya.

"What's wrong?" tanong ni Elaine.

Natatakot siya.

"What's wrong!" Niyugyog ni Elaine ang pisngi ni Dane.

"I want to see myself." Nakadilat siya sa kanyang ina.

"Why?"

"Give me a mirror!"

Lumingon si Elaine sa doktor. "Dr. Griffith, what's wrong with him?"

Umismid naman ang doktor at nagkibit-balikat. "He needs a counselor. I can recommend my friend."

Hinawakan ni Dane nang mahigpit ang kamay ni Elaine. "Give me a mirror."

Agad namang kinuha ni Elaine ang bag at kinuha mula rito ang isang maliit na salamin. "Why?" tanong niya sa anak nang itapat ang salamin sa kanya.

"What the fuck!" Tinapon niya ang salamin.

"Dane!"

"Mrs. Walker," saad ng doktor, "I suggest you seek a counselor."

"Hey." Tinapik ni Elaine ang pisngi ng anak. "You probably just had a bad dream."

"No... What date is this?"

"October 16, 2003."

"No way!"

"Dane." Hinawakan ni Elaine nang mahigpit ang kamay ng anak. "I'm sorry if I wasn't able to protect you from your father, but I'm here, and I love you." Tumulo ang luha ni Elaine.

Umiling si Dane, ngunit hindi na siya nakapagsalita nang yakapin siya ng ina.

"Mrs. Walker," mahinahong saad ni Dr. Griffith, "I think I have to go. Please take my advice seriously. The nurses will be here soon, and you'll be on your way home before you know it." Ngumiti ang doktor kay Dane bago umalis.

"Elaine, this is wrong."

Pinahiran ni Elaine ang mga pisngi. "Sweetie, I know, but you'll be okay soon. I'll make sure you will be." Hinaplos niya ang pisngi ng anak.

QUEERWhere stories live. Discover now