Chapter 2

5.3K 117 8
                                    

"WHAT will you do if you just met the woman of your dreams, but she turned out to be very eccentric that she almost drive you insane, so you had to drop her off at her place then ran away from her as fast as you can? The thing is, you fucking regret not getting her damn number, and now you're getting stupidly crazy because you can't get her off your mind," paglalabas ni Oreo ng saloobin sa mga kaibigan dahilan para matigil ang basketball game at sabay-sabay napatingin sa kanya ang lahat. Itinaas niya ang mga kamay saka bumuntong-hininga. "I still like her a lot despite her... her eccentricity."

Hindi rin maintindihan ni Oreo kung bakit mula nang gabing ihatid si Kookie sa unit nito at umalis agad nang hindi nakakapagpaalam nang maayos, ay hindi pa rin niya magawang alisin ang dalaga sa kanyang isipan.

He would admit that Kookie freaked him out when she said she was a succubus. Hindi dahil naniwala at natakot siya sa dalaga, kundi dahil hindi siya naging komportable sa kapasidad nitong magsinungaling. Ang pinakaayaw niya sa mga babae ay iyong mga sinungaling, magaling umarte at higit sa lahat, magaling humabi ng kuwento. Dahil natitiyak niyang kayang-kaya siyang manipulahin ng ganoong klase ng babae. That kind of woman could be a total bitch.

It was funny how Kookie was both everything he was looking for, and also everything he hated in a woman.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit nalilito si Oreo. Alam niyang ayaw niya sa mga tulad ni Kookie, pero nararamdaman din na nasa dalaga ang lahat ng katangian na gusto rin niya sa isang babae. At ang huli ang mas nanaig.

"Dude, kung umasta ka naman, para kang college student na natotorpe. 'Tanda mo na, 'no," iiling-iling na sabi ni Garfield, saka dinampot ang face towel sa bench. "Go fucking ask her out."

"I already asked her to marry me but she turned me down."

Sa pagkakataong iyon ay nagkatinginan sina Garfield, Stone, at Snap. At sa kanyang pagkairita, sabay-sabay na napa-"ohhh" ang tatlong mokong na halatang inaasar lang siya.

"Hanggang ngayon, immature ka pa rin," sabi ni Stone. "Akala ko ba tinakbuhan mo ang babaeng 'yon, eh, bakit ngayon, sinasabi mong inalok mo siyang magpakasal sa 'yo? Ano ba talaga ang nangyari?"

Sumalampak ng upo si Oreo sa bench saka tumingala sa papasikat na araw. "Well, ganito kasi 'yon. Bago ko nalaman na weird siya, nalaman kong siya pala ang anak na babae ng may-ari ng kompanyang nagma-manufacture ng Sweetypop—'yong paborito kong lollipop. Naisip ko na kung magpapakasal kami, magkakaroon ako ng lifetime supply ng lollipop." Sabay-sabay na binatukan siya ng mga kaibigan. "Aray! Ano ba'ng problema n'yo?"

"Kahit ako ang babae, tatanggihan ko ang alok mong kasal para lang sa napakababaw na dahilan," sermon ni Snap sa kanya. "Hanggang ngayon talaga, isip-bata ka pa rin. Grow up, dude. Napag-iiwanan ka na."

"Ayokong marinig 'yan mula sa lalaking hanggang ngayon, hindi pa rin sinasagot ng babaeng nililigawan na niya mula pa no'ng college."

"May something na kami ni Cloudie. Ayaw pa lang niyang aminin 'yon," giit ni Snap.

"Whatever," bale-walang sabi ni Oreo, saka isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan bago kinantiyawan. "I wonder kung bakit sinabi ko pa sa inyo ang problema ko. Eh, mga wala naman kayong silbi."

Malapit na kaibigan ni Oreo sina Stone, Snap, at Garfield mula sa kolehiyo. Magkakasundo sila kahit magkakaiba ang ugali kaya siguro hindi na sila naghiwa-hiwalay. Press release lang niya na walang-silbi ang tatlo, pero ang totoo, komportable siya sa mga kaibigan na maglabas ng hinaing dahil alam niyang hindi siya huhusgahan ng mga ito.

Kaya nga tinawagan niya sina Garfield, Stone, at Snap kaninang alas-tres ng umaga. Natural, nakatanggap siya ng katakot-takot na mura mula sa tatlo. Pero sa huli, nagkasundo pa rin silang magkita-kita sa basketball court ng exclusive subdivision kung saan siya nakatira.

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now