Chapter 28

1.9K 60 4
                                    

"ANG MAHAL na ng gastusin ngayon, 'no? 'Tapos nagbabayad ka pa ng renta dito sa apartment mo buwan-buwan. Pati tubig, kuryente, Internet connection. Isama mo na rin ang food supply. Meron naman ako ng lahat ng 'yon sa bahay ko. Mas makakatipid tayo kung sa isang bahay na lang tayo nakatira, 'di ba, baby?"

Natawa na lang si Kookie. Sinasabi na nga ba niya at sa hinaba-haba ng sinabi ni Oreo, doon lang uli babagsakan ang usapan nila. Isang buwan na mula nang maging opisyal ang relasyon nila, at isang buwan na rin siyang kinukulit ng binata tungkol sa pagtira niya sa bahay nito.

"Makakatipid din ako sa gas kung hindi na kita pupuntahan dito sa apartment, o kaya susunduin para mag-stay ka sa bahay ko tuwing weekends," pagpapatuloy ni Oreo habang dinidilaan ang lollipop nito. "At bukod sa makakaipon na tayo, mas marami pa tayong oras na magkasama. It's a win-win for us."

Sa totoo lang, nate-tempt na si Kookie sa alok ni Oreo, pero ayaw niyang magpatalo. Wala naman sanang problema sa kanya dahil malawak naman ang pang-unawa niya pagdating sa pagli-live-in. May isang bagay lang siyang inaalala. At kapag bumigay siya, siguradong matatagpuan niya ang sarili sa sitwasyon na hindi pa siya handang pasukin.

Inilipat lang ni Kookie ang pahina ng binabasang libro habang nakaupo sa pasamano ng bintana ng kuwarto niya nang hindi nililinga si Oreo. "Kilala kita, Oreo. Siguradong kapag nag-live-in na tayo, yayain mo na 'kong magpakasal. Alam mong hindi pa ako handa sa gano'ng klase ng commitment."

"Masyado ka namang assuming. Sino'ng nagsabi sa 'yong gusto kitang pakasalan? Katawan mo lang ang habol ko sa 'yo 'no," halatang nagbibiro lang na sabi nito.

Nag-angat siya ng tingin kay Oreo na nakatayo sa harap niya, walang suot na pang-itaas kaya nakabilad ang abs, malalapad na dibdib at mga balikat nito sa harap niya. Nakapantalon lang ito na wala pang sinturon, kaya nakababa iyon nang kaunti. Kita tuloy ang garter ng Calvin Klein briefs nito, at ang hugis "V" sa abdomen nito pababa sa "kayamanan" ng binata.

Pero higit sa nakakapaglaway na katawan nito, nakakatuwang makita ang kislap ng kapilyuhan sa mga mata ng binata. Naging ugali na nito sa lumipas na isang buwan na magpanggap na kaswal sa relasyon nila, para marahil hindi siya i-pressure tuwing napag-uusapan nila ang tungkol sa kasal.

"Mabuti naman. Dahil katawan mo lang din naman ang habol ko," ganting-biro ni Kookie. Ibinaba muna niya sa tabi ang binabasang libro. Pagkatapos ay hinawakan niya sa baywang si Oreo. Inilusot niya sa loob ng pantalon nito ang magkabilang hinlalaki, saka niya hinila palapit sa kanya si Oreo. Nang tumingala siya sa binata, napansin niyang nagdilim ang mga mata nito, halatang may masamang balak na naman sa kanya. "I'm sorry, baby. I don't want to get married yet."

Ikinulong ni Oreo ang mukha niya sa mga kamay nito. Wala namang hinanakit na gumuhit sa mga mata ng binata. "Fine. But when you turn thirty next month and you feel like you already want to get married, don't hesitate to propose to me. I'll say 'yes' in a heartbeat. Plus, I'll also give you cute babies and a pretty, bigger house."

Napabungisngis si Kookie. Gusto naman niya ang lahat ng sinasabi nito. Hindi pa nga lang siya handa ngayon dahil iyon ang unang pagkakataon na pumasok siya sa isang seryosong relasyon. "'Sounds tempting. But still no."

Tinawanan lang siya nito. "Sige na nga. Bukas na lang uli."

Yumuko si Oreo at hinalikan sa mga labi si Kookie. Tuluyan nang ipinasok ni Kookie ang mga kamay niya sa pantalon nito at hinawakan ang pang-upo nito. She squeezed his buttocks hard which made him groan in her mouth.

She was already pulling his pants down when he stopped her. Pinutol din nito ang paghalik sa kanya na ipinagtaka niya.

"Not now, baby. Mabibitin lang tayo," sabi ni Oreo, saka ngumiti na parang humihingi ng dispensa.

Crazy Little Liar Called Kookieحيث تعيش القصص. اكتشف الآن