Chapter 8

2.8K 69 7
                                    

"WHAT if I say you show your faces to me again when you're already learn how to act decently?" iritadong tanong ni Oreo sa mga artistang kaharap niya.

Nasa early twenties lang ang mga kausap ni Oreo na sikat na young stars. Pero base sa kalidad ng pag-arte ng mga ito, hindi niya maintindihan kung paano sumikat ang mga ito. Ah, hindi. Puwede bang pakipaliwanag sa kanya kung paano napasok sa showbiz ang mga taong ito na walang-kabuhay-buhay ang pag-arte?

Ah, yes. Because they are good-looking.

Naiirita siya dahil hindi siya sanay sa ganitong lebel ng pag-arte. Noong indie movies pa ang dini-direct niya at hindi mainstream, wala siyang masabi sa mga katrabahong stage at indie actors.

Ipinatong ni Tazmania ang kamay sa balikat ni Oreo, pagkatapos ay nilingon ang apat na young stars—dalawang babae at dalawang lalaki—na biglang natahimik. "Let's have a break, people."

Mabilis na naglabasan ng studio ang apat na artista, kasunod ang mga alalalay ng mga ito at maging ang staff.

Hinarap ni Tazmania si Oreo, istrikto ang mukha. "Alam mo bang 'monster director' na ang bansag sa 'yo ng mga artist ko?"

Tinungga niya ang laman ng bottled water bago sinagot nang pasarkastiko si Tazmania. "Yeah?"

Bumuga ito ng hangin habang umiiling. "Oreo, ginagawa natin ang workshop na 'to para ituro mo sa mga artista ko kung paano magagampanan nang maayos ang papel nila sa pelikulang ito. Huwag mo naman silang takutin."

"I just don't understand those mainstrea—"

"Stop labelling actors as mainstream or indie. Alam kong bias mo ang mga indie actors dahil doon ka galing. Pero bigyan mo ng pagkakataon ang 'mainstream' actors of this generation to prove to you that they deserve proper acknowledgement, too. Maraming magagaling na artista sa mainstream. Cut the young stars some slack, okay?"

Kinagat ni Oreo ang dila para pigilan ang sariling magkomento. Alam naman niyang maraming magaling na artista sa Pilipinas. Nagkataon lang na sila ang unang nahawakang mga artista sa unang mainstream movie na gagawin niya.

Bigla siyang dinaga sa dibdib. Doon siya sinuntok ng konsiyensiya.

Napabuga siya ng hangin. "Sorry, Taz. Nagkakaganito lang siguro dahil nape-pressure ako. I mean, this is the first mainstream movie I'm directing. I want everything to be perfect."

Tinapik-tapik siya ni Tazmania sa balikat. "I know. That's why we're conducting this workshop. You just need to cool down, and tell my actors what they need to know. Mababait naman ang mga 'yon. They will listen to you."

Tumango lang si Oreo. Tama si Tazmania. Kailangan niyang magpalamig ng ulo bago siya humingi ng dispensa sa mga artistang ilang ulit na nasigawan at nainsulto kanina. Nagpaalam siya kay Tazmania para lumabas at tawagan si Kookie. Kapag narinig niya ang boses ni Kookie, alam niyang kakalma siya.

Kumunot ang noo ni Oreo nang hindi niya ma-contact si Kookie. Ewan ba niya pero masama ang kutob niya sa nangyayari.

"Direk?"

Nalingunan niya ang isa sa mga artista kanina. Kung hindi siya nagkakamali, "Kathreene" ang pangalan nito. And if he remembered correctly, the pretty twenty-three-year-old actress was also the daughter of a huge TV network president. "Yes?"

Bumuntong-hininga si Kathreene saka ngumiti na parang humihingi ng dispensa. "Direk, in behalf of my co-actors, I'm sorry if we disappointed you. We promise to work harder. Gaya mo, gusto rin naming maging successful ang movie."

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now