Chapter 10

2.3K 69 1
                                    

SI BRANON ang nagbukas ng pinto para kay Oreo. Pilit na ngumiti siya sa kabila ng pagod na nararamdaman mula sa pakikipagtalo sa mga magulang kanina. Dinurog niya ang candy ng lollipop sa loob ng bibig bago siya nagsalita. "Hi, Bran. Nandiyan ba ang baby ko?"

Bumuntong-hininga si Branon at humalukipkip, mukhang wala pang balak na papasukin siya. "Malungkot si Kookie nang umuwi siya. Ano'ng ginawa mo sa best friend ko?"

"My parents caught us in the middle of having sex. Tita Klaris and my dad recognized her as the 'girl with the sex video,' and Kookie ran away in the heat of the discussion. So I'm here to assure my baby that my parents can't force me to leave her. I'm sticking to her." Pagod na si Oreo kaya deretsahan na lang niyang sinagot ang tanong ni Branon.

Napasinghap si Branon at bahagyang pumilantik ang mga daliri. "That's so dramatic. Parang eksena lang sa teleserye!"

Napangiti siya. Lumalabas na ang kabadingan ni Branon ngayong nagladlad na ito. Masaya siya para kay Branon dahil mukhang masaya naman ito sa piniling buhay. "Can I see my Kookie now? I'm really tired. Kailangan kong mayakap ang baby ko."

Nakangising niluwangan ni Branon ang pinto at may iminuwestrang pinto malapit sa kusina. "She's in the shower. Pasukin mo na dahil alam ko namang hindi ka na makakapaghintay. Don't worry, hindi 'yon nagla-lock ng pinto kapag nakababad sa tub."

Natawa nang mahina si Oreo saka tinapik sa balikat si Branon. "Thanks, bro." Sumimangot si Branon. "I mean, sis."

Natawa rin si Branon. "I have a box of Durex in the bathroom. Feel free to use them if needed," sabi nito, saka kumindat bago naglakad palayo.

Napangiti lang si Oreo habang umiiling. Dumeretso na siya sa banyo at hindi na nag-abalang kumatok para masorpresa si Kookie. Pagpasok pa lang niya ay naramdaman na agad ng dalaga ang presensiya, pero mali ito ng akala.

"Bran?"

Lumuwang ang pagkakangiti ni Oreo habang tinititigan si Kookie na kasalukuyang nakababad sa bubble bath sa tub. Nakapikit ito at mukhang ine-enjoy ang paliligo. Nababalutan ng bula ang buong katawan nito mula leeg pababa. But he could still see her sexy collarbones which were enough to turn him on. Gusto tuloy niya itong saluhan sa pagbababad sa tub...

"Baby."

Napamulat si Kookie at marahas siyang nilinga. Halatang nagulat ito, pero sumimangot din pagkatapos. "Ano'ng ginagawa mo rito? Baka sabihin ng parents mo, masamang impluwensiya ako sa 'yo. 'Yon, eh, kung hindi pa nila naiisip 'yon."

Aw, nagtatampo ang baby niya. Lumapit si Oreo kay Kookie at umupo sa gilid ng tub. Pinisil niya ang baba ni Kookie at marahang inangat ang mukha nito paharap sa kanya. "I'm sorry about earlier. My parents aren't usually rude to people I introduce to them."

"Well, kung hindi siguro nila tayo nahuling nasa kalagitnaan ng sex, o kaya hindi nila 'ko nakilala bilang loose girl, baka hindi sila naging rude sa 'kin."

Umungol si Oreo bilang protesta. "Baby..."

Inalis ni Kookie ang kamay niya sa mukha nito at sinimangutan siya. "They don't approve of me, do they?"

"They just don't know the real you yet."

Umiling-iling ito. "Okay lang. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw nila sa 'kin para sa 'yo. Gano'n din ang reaksiyon nina Daddy at Kuya nang tawagan nila ako nang kumalat ang fake sex video namin ni Branon. Ikinakahiya nila ako. Kaya siguradong ikakahiya rin ako ng mga magulang mo bilang... well, bilang ka-date mo." She looked at him guiltily. "By the way, I'm sorry kung kinailangan kong ipagtapat sa mommy mo ang tunay nating relasyon. Alam kong naeskandalo siya. Pero ayoko namang magsinungaling sa kanya. At ayokong isipin niya na pumatol ang anak siya sa isang tulad ko lang."

"Don't say that, baby," saway ni Oreo dito. "Hindi ko ikinakahiyang ikaw ang dine-date ko."

"I know, Oreo. I know," tila napapagod na pagsang-ayon naman ni Kookie. "Alam mo rin na wala akong pakialam sa sasabihin o iisipin ng ibang tao, kahit pa galing 'yon sa pamilya ko. Pero kanina, bigla akong nanliit sa sarili ko. Because they are your parents."

Natuwa siya sa narinig. Tama ba ang nahihimigan niyang pag-aalala sa boses nito? "Talaga?"

Tumango si Kookie, nakasimangot pa rin. "Ayokong may masabi sila tungkol sa 'kin dahil alam kong masasaktan ka. At ayokong masaktan ka dahil sa 'kin."

"Tama ba ang iniisip kong may pakialam ka na sa 'kin?"

Bumuntong-hininga si Kookie. "Naiinis ako. Kasi hindi naman kita boyfriend, pero na-frustrate ako na masama ang tingin sa 'kin ng parents mo. Ngayon ko lang naramdaman na gusto kong magustuhan ako ng ibang tao, pero hindi para sa sarili ko kundi para pa rin sa iba. Para sa 'yo. Ang mas nakakainis, alam kong imposible na 'yon dahil sa reputasyon ko."

May mainit na bagay na bumalot sa puso ni Oreo. He had never seen Kookie as honest as she was now. It made him happy knowing that she finally started to care for him. Puwede na siyang umasang kaya siyang mahalin ng dalaga. "It's okay, baby. You just need to spend more time with my parents so you'll get to know each other better."

"I don't want to meet your parents again," nakasimangot na sabi nito, saka umirap. "Hindi naman kasali sa rules ng relasyon natin ang ipakilala ang isa't isa sa kanya-kanya nating family. Aksidente lang naman ang nangyari kanina."

Hindi naman na-offend si Oreo dahil alam niyang nagsisinungaling lang si Kookie. Hindi niya alam kung paano, pero parang natutunan na niyang malaman kung nagsisinungaling ba o hindi ang dalaga. Maybe because they had spent too much time together, or maybe because he developed an unhealthy obsession of analyzing Kookie's actions. Or maybe he just loved everything about her. "Huwag muna nating pag-usapan 'to dahil mukhang kailangan mong magpahinga. I just hope you're not mad at my parents."

Bumuntong-hininga si Kookie saka umiling. "I'm not mad at them." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Mukhang pagod ka rin. Join me here."

Of course he wanted to join her, and he really would even if she didn't invite him to. Pero gusto niyang lambingin siya ni Kookie. "Wala akong dalang pamalit na damit."

"Manghiram ka na lang kay Bran mamaya. Join me, please," paglalambing ni Kookie at nagpaawa pa ng mukha.

Kunwari ay napipilitang tumayo si Oreo, habang tinatanggal ang butones ng polo niya. He looked down at Kookie literally, while thinking of a hundred ways to please her when he joined her in that little tub. Sana lang soundproof ang banyong iyon at hindi maistorbo si Branon.

"May masama ka na namang balak sa 'kin," painosenteng sabi ni Kookie.

Tinawanan lang iyon ni Oreo at sunod namang hinubad ang pantalon niya, na paghubad pa lang niya ng belt ay bumagsak na agad sa sahig. "I hope Branon will not mind if we make a little noise."

Niyakap ni Kookie ang sarili at kunwari ay natatakot pa, at talagang umisod pa na parang lumalayo sa kanya. "Just a little noise?"

He just smiled naughtily, and slowly pulled down his boxers to tease her. But with the huge bulge in his boxers, it was pretty obvious who was more excited, and horny, between them. "I want you to moan my name loudly for the whole night, baby."

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now