Chapter 14

2.4K 55 5
                                    

SA UNANG pagkakataon mula nang tumuntong uli siya ng Maynila, nakaupo si Kookie sa likod ng mesa bilang may-ari ng Babbette's Dream. Si Branon ang dapat na nandoon, pero dahil nakikipag-date kay Robin ang magaling na kaibigan, napilitan siyang pumasok sa opisina. Hindi naman kasi puwedeng walang "boss" doon lalo at kaunti pa lang ang staff nila.

Sa bahay lang nagtatrabaho si Kookie. Kadalasan, siya ang umaasikaso ng mga pangangailangan sa mga party na inaayos nila ni Branon. Ayaw niyang napipirmi sa isang lugar lang dahil pakiramdam niya, any time ay mata-trap siya ni Oreo. At least, kung nasa labas siya, madali siyang makakatakbo.

"Yes. Kapag na-trap ako ni Oreo dito, friendship over na tayo," pabirong banta ni Kookie kay Branon na kausap niya sa telepono.

Tinawanan lang iyon ni Branon. Hindi pa raw dumarating sa restaurant si Robin kaya may oras pa itong makipag-chika-han sa kanya. "Ano nga'ng gagawin mo kung sakaling magkita kayo ni Oreo ngayon?"

"Magpapanggap akong may amnesia."

Buong magdamag pinag-isipan ni Kookie iyon. Ngayong lumalabas-labas na uli siya, posibleng magkita sila ni Oreo isa sa mga araw na ito. At kailangang handa siya kapag nangyari iyon. Hindi na niya gagawin ang pagkakamali niya noon—ang makipaglapit sa binata.

"Bongga! My Amnesia Girl lang ang peg."

Napangiti si Kookie. Kahit na nagsasalita ng salitang bading si Branon, hindi naman matinis o beki na beki ang boses nito. Malumanay nga lang magsalita si Branon. Gayunman, hindi pa rin gaanong mahahalatang bading ang kaibigan niya. Mahinhin daw kasi ito. "Alam mo naman na isa ang My Amnesia Girl sa favorite Filipino rom-com movie natin. We always watch it together when we want to laugh and fall in love with Lloydie all over again."

"Pero seryoso ka sa pagpapanggap na may amnesia?"

"Oo naman. 'Yon ang pinakamabisang paraan para hindi niya 'ko batuhin ng kung ano-anong tanong."

"We need a script. Kailangan tugma ang kuwento natin sa kung paano ka nagka-amnesia."

Sumandal si Kookie sa swivel chair at umiling-iling. "Nah, you can tell them whatever comes to your mind, at gano'n din ang gagawin ko."

"Lalong hindi magiging kapani-paniwala kung magkaiba ang kuwento natin."

"Hindi rin naman sila maniniwalang may amnesia ako," katwiran niya. "Mas mataas pa ang chance na may forever, kaysa sa chance na magka-amnesia ako."

"Then, what's the point of lying?"

"Nothing, really. Gusto ko lang ipamukha kay Oreo na ako pa rin 'yong sinungaling na babaeng nakilala niya three years ago, kaya hindi na siya dapat mag-aksaya pa ng oras sa isang tulad ko lang," halos pabulong na sabi ni Kookie. Kahit siya mismo ay nalulungkutan sa boses niya at naiinis siya dahil doon.

Pero hindi niya mapigilan na malungkot. Wala naman siyang amnesia kaya nakatatak pa rin sa puso at isipan kung gaano naging kabait sa kanya si Oreo, at kung gaano siya nito minahal noon. Tuwing naaalala niya iyon, lalo lang siyang nagi-guilty. Lalo rin siyang natatakot humarap kay Oreo dahil hindi pa siya handang makita ito pagkatapos ng lahat ng pananakit niya sa binata.

Gayunman, hindi niya pinagsisisihan ang kanyang ginawa. They were right. Oreo didn't deserve her, especially when she was still in love with another man and she was just using him to cope up from the pain then.

Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Kookie nang kumatok sa pinto si Celene, ang sekretarya ni Branon. Sumenyas ito na may dumating na kliyente, at sumenyas naman siya para papasukin ang kliyente.

Crazy Little Liar Called KookieHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin