Chapter 19

2K 60 5
                                    

ISTILL can't believe that my best friend kicked me out of our house for his boyfriend!

Pero ano ang magagawa ni Kookie? Kay Branon nakapangalan ang apartment nila at ito naman talaga ang bumili niyon. Nagbibigay lang siya ng renta buwan-buwan, pero hindi niyon mababago ang katotohanang si Branon pa rin ang nag-iisang may-ari ng bahay at may karapatan itong paalisin siya kung kailan nito gusto. At ginawa na nga iyon ng best friend niya.

Pero kailangan ba talaga niya kong paalisin pa? Dalawa naman ang kuwarto sa apartment. Sigurado naman akong sa isang kama lang sila magtatabi.

Ah, oo nga pala. Kailangan daw nina Branon at Robin ng privacy dahil sa biglaang pag-level up ng relasyon ng dalawa. Sa madaling salita, may love life na ang best friend niya kaya wala na itong oras para sa kanya. Siguro nga nagi-guilty ngayon si Branon dahil sa pag-alis niya.

Pero sigurado siyang makakalimutan din ni Branon ang tungkol sa kanya mamayang gabi dahil solong-solo na nito ang apartment, kasama si Robin.

I'm happy for them, sarkastikong sabi niya sa isipan.

Ibinuhos ni Kookie ang sama ng loob sa pagkain ng burger sa paborito niyang chain—ang Giant Burger. Nagulat siya nang may makita siyang ibang branch niyon kaysa sa unang kinainan nila noon ni Oreo. Mukhang sa lumipas na tatlong taon ay nagka-franchise na iyon, na hindi naman kataka-taka dahil sa sarap ng burger ng Giant Burger, marami talaga ang magkakainteres dito.

Ang mas ikinatutuwa pa niya ay nagse-serve na ngayon ng beer ang Giant Burger, kaya iyon ang ka-partner ng burger na in-order niya. Gusto niya kasing makalimot sa tampuhan nila ni Branon dahil sa pagpapaalis ng kaibigan sa kanya.

"My baby is drunk again."

Nagulat na lang si Kookie nang inokupa ni Oreo ang upuan sa harap niya. Pero mabilis din siyang nakabawi. Inaasahan naman na niyang parating lilitaw ang lalaki sa mga lugar na pinupuntahan niya, gaya noon. "Paano mo nalamang nandito ako?"

Inilabas ni Oreo mula sa bibig ang nakaipit na lollipop sa mga labi nito, dinilaan ang bilog na candy, at isinubo muli iyon nang hindi inaalis ang tingin sa kanya, bago ito sumagot. "I have my ways."

Napatanga na lang si Kookie kay Oreo. Hindi dahil sa simpleng sagot nito, kundi dahil sa ginawa nito sa lollipop kanina. Did he lick and suck that damn candy in front of her on purpose... to seduce her? Pero mukhang hindi naman dahil hindi siya binibigyan ng "mainit" ng tingin ng binata ngayon—dahil siguro nasa pampublikong lugar sila.

O kaya ay masyado na siyang assuming.

Ipinatong ni Oreo ang mga braso sa mesa, at dumukwang sa kanya. Mukhang itinulak nito sa lollipop sa kaliwang pisngi nito dahil lumobo iyon, bago ito nagsalita. "Bakit nag-i-stress eating ang baby ko?"

Eksaheradong sumimangot si Kookie. "Ayokong bine-baby talk ako, Oreo. For Pete's sake, I'm already thirty years old!"

"Just twenty-nine, baby. May dalawang buwan pa bago ka mag-birthday. At sa lahat naman ng babaeng kilala ko, ikaw lang yata ang hindi nahihiyang aminin na magte-treinta anyos ka na."

"Bakit ako mahihiya?" Iminuwestra ni Kookie ang sarili. "Do I look thirty to you?"

Binigyan siya ng blangkong tingin ni Oreo, pagkatapos ay biglang natawa. "Right. Muntik ko nang makalimutan kung sino ang kausap ko. Yes, baby. You look really young. Papasa ka pa ngang college student sa ganda mong 'yan," anito, saka kumindat pa.

Nakagat ni Kookie ang ibabang labi. Madalas talaga, hindi niya napipigilan ang kayabangan niya. Ang hirap naman kasing hindi magmalaki lalo na at totoo naman na sa edad niyang iyon, maganda at bata pa rin siyang tingnan. Idagdag pa na maganda ang hubog ng katawan niya. Kung mayroon man siyang ipaglalaban sa lahat ng tao, iyon ay ang ganda niya.

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now