Chapter 27

1.9K 59 4
                                    

HINDI na pinatagal ni Kookie ang pakikipagkita kay Oreo, kaya pag-alis na pag-alis sa bar, tinext niya si Oreo at sinabing pupunta siya sa bahay nito. Wala na siyang pakialam kahit dis-oras na ng gabi. Hindi sumagot si Oreo, pero nagpunta pa rin siya dahil kailangan na nilang makapag-usap ngayon mismo.

Ayaw na niyang patagalin dahil baka makalimutan na niya kinabukasan ang mga sasabihin niya, o kaya ay bigla siyang maduwag kapag nahimasmasan na siya. Mas mabuti nang ngayon, kung kailan may espiritu pa ng alak na nagpapadagdag sa lakas ng kanyang loob.

Tatlong taon nang hinihilom ni Kookie ang sarili mula sa pagkabigo sa maling lalaki. Ayaw na niyang magsayang ng panibagong taon na malungkot, kung puwede naman siyang maging masaya na kasama ang tamang lalaki para sa kanya.

Sunod-sunod na pinindot ni Kookie ang doorbell. Ang tagal bumukas ng pinto kaya sumigaw na siya. "Oreo!"

Kakalampagin na sana ni Kookie ang pinto, nang bumukas iyon at iniluwa si Oreo na naka-boxers lang, magulo pa ang buhok, halatang inaantok pa, at hawak ang iPhone nito. Gusto sana niyang pagnasaan ang binata dahil ang hot pa rin nitong tingnan kahit bagong gising, lalo na at naka-boxer shorts lang.

Tila nawala ang antok ni Oreo nang makita si Kookie. "Oh, baby. Sorry. Ngayon ko lang nabasa ang text mo—"

"Mag-usap tayo."

"Okay. Pumasok ka muna sa loo—"

Matigas na umiling si Kookie. "Pakinggan mo muna ko saka ka magdesisyon kung papapasukin mo pa 'ko sa bahay mo."

Naging seryoso si Oreo. "Okay. Nakikinig ako."

Huminga nang malalim si Kookie. "Wala akong amnesia, Oreo. Nagpapanggap lang ako na hindi ka nakikilala dahil ayokong habulin mo pa 'ko. Pero ang totoo, naalala ko ang lahat ng tungkol sa 'kin. Kung paanong ginawa lang kitang panakip-butas, kung paanong minahal mo 'ko sa kabila ng lahat, at kung paanong hindi kita nagawang mahalin nang tama noon..."

Tumikhim si Oreo. "Ah, medyo masakit. Pero alam ko na ang lahat ng 'yan noon pa, pati ang pagpapanggap mong may amnesia. I mean, no one believes you anyway. No offense."

Tinawanan lang iyon ni Kookie, pero hindi pa rin nawawala ang kaba niya. "Alam kong tatlong taon nang huli, pero gusto kong mag-sorry sa lahat ng kasalanan ko sa 'yo. I'm sorry. Please forgive me."

Naging malamlam ang mga mata ni Oreo, lalo na nang ngumiti ito. "I forgive you, K."

Napahikbi siya. Kahit kailan talaga, napakabait ni Oreo. Ni wala siyang nakitang hinanakit sa mga mata nito. "I have so many issues in my life, Oreo. Dahil sa mga 'yon, hindi kita sinubukang mahalin. Pero ngayong gabi, pinakawalan ko na 'yong pinakamalaking bagay na nakapagitan sa 'tin. May mga natira pa na kaunting harang, pero sapat na 'yong malalakaran ko para unti-unting makalapit sa 'yo.

"Alam kong hindi ako karapat-dapat sa 'yo. Ang pagsisinungaling ang pinakamadaling paraan para sa 'kin para takasan ang mga problema ko. At ang mga kasinungaling din 'yon ang nakasakit sa 'yo nang paulit-ulit. Pero matatag ka, eh. Hindi mo pa rin ako tinantanan."

Natawa nang mahina si Oreo. Sa pagkakataong iyon, sumandal ito sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip, na tila ba naaaliw habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Kaya nagpatuloy lang siya.

"Sinampal ako ni Odie—"

"Sinampal ka ni Odie?" kunot-noong tanong nito na tila hindi nagustuhan ang narinig.

Mabilis na umiling si Kookie dahil mukhang susugurin pa nito si Odie. "Hindi literal. Ang gusto ko lang sabihin, sinampal ako ni Odie ng realidad. Na puwede pa 'kong magmahal uli at maging masaya, kahit pa iniisip kong naibigay ko na ang lahat sa lalaking una kong minahal."

Bumuntong-hininga si Oreo at tumingin nang deretso sa mga mata sa kanya. "My love is enough for both of us, baby."

Tumango si Kookie. "Alam ko, Oreo. Alam ko. Pero gusto ko rin namang may i-share na pagmamahal sa relasyon natin. So, I'm here to ask you: will you let someone like me start loving you?"

Halatang nagulat si Oreo dahil napaderetso ito ng tayo. "Seryoso ka ba, Kookie?"

Huminga uli nang malalim si Kookie, pinapakawalan ang lahat ng kaba sa dibdib niya. "Oo, sigurado akong gusto kitang mahalin. Pero magiging honest ako. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako tuluyang ma-in love sa 'yo..."

Tinawanan lang iyon ni Oreo. Mukhang masayang-masaya ito sa sinabi niya. "It's okay if you want to love me. I'll take care of the rest. It's my job to make you fall in love with me anyway, baby. And you will. I swear you will."

Natawa siya nang mahina. She could see child-like excitement sparkle in his eyes. "May gusto lang akong siguruhin, Oreo."

"Ano 'yon?"

"Maraming tao ang may ayaw sa 'kin para sa 'yo—"

"I don't give a fuck about them," sansala ni Oreo sa sinasabi ni Kookie. Sa kanyang pagkagulat, hinapit siya nito sa baywang—na ikinatili niya, at dahilan para mapayakap siya sa leeg nito—at binuhat papasok sa bahay nito. He then kicked the door close. Nang magbaba siya ng tingin sa binata, nakatingala na ito sa kanya. "Baby, you know what only matters to me?"

Masuyong hinaplos niya ang pisngi ni Oreo. "You tell me."

"Your words. Ikaw lang ang paniniwalaan ko."

"I'm a liar, Oreo."

"Magsisinungaling ka ba uli sa 'kin?"

Umiling siya. "Wala nang dahilan para magsinungaling ako sa 'yo."

"Good. I love you, baby."

"Make me say those words back to you."

Ngumiti lang si Oreo at maingat siyang ibinaba sa sahig. "Soon, baby. Soon."

Tumapak si Kookie sa mga paa ni Oreo at ipinulupot ang mga braso niya sa leeg nito. "Gaya ng kanta ng Air Supply, I think we're two less lonely people in the world now."

Bumaba ang mga braso nito sa baywang niya. He swayed slowly, as if they were dancing waltz, even though she was stepping on his feet. Nakaya nito ang bigat niya. "Out of all the people in the world, I just can't believe you're mine."

"In my life where everything was wrong, something finally went right," sagot naman ni Kookie. Hindi niya maiwasang maramdaman na saktong-sakto ang lyrics sa sitwasyon nila ni Oreo. Dahil sa dinami-rami ng pagkakamali sa buhay niya, may isa nang tama—ang pagdating ni Oreo para mahalin siya.

"Now there's two less lonely people in the world tonight," bulong ni Oreo, saka hinuli ang mga labi niya para sa isang halik.

Their first kiss out of deeper love.

Crazy Little Liar Called KookieNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ