Chapter 20

2K 60 3
                                    

NAGISING si Kookie na masakit ang ulo. Nang bumangon siya at tumingin sa paligid, kumunot ang noo niya dahil hindi pamilyar ang kuwartong kinaroroonan niya. The room was pastel colored, but the scent was familiar to her.

Ang huli niyang natatandaan, nag-iinuman sila ni Oreo. Pagkatapos, nakaramdam siya ng antok at humilig sa balikat ng binata. Naramdaman pa niya nang binuhat siya nito at isinakay sa kotse. Tiwala naman siya dito kaya hinayaan na lang niya dahil antok na antok at lasing na lasing na siya kagabi para bumalik pa sa hotel na pansamantala niyang tinutuluyan. Hindi pa kasi naayos ang paglipat niya ng apartment sa ibabang floor lang ng apartment nila dati ni Branon. Gusto pa sana ni Branon na doon muna siya hangga't hindi pa nakakalipat, pero dumating na si Robin at nakakahiya naman sa dalawa, lalo at mukhang kailangang mag-usap in private ng mga ito. At ayaw niyang makipag-compete para sa atensiyon ni Branon.

Inaasahan niyang magigising siya sa bahay ni Oreo. Pero hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Pinabayaan ba siya ng binata kagabi?

Magpa-panic na sana si Kookie, nang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa si Oreo na wala ni anong saplot sa katawan. Nanlaki ang mga mata niya, lalo na nang bumaba ang mga iyon sa pagkalaki-laking pagkalalaki ni Oreo.

"Oreo Apostol! Your jewels!"

Ngumisi lang si Oreo saka naglakad papunta sa cabinet para kumuha ng tuwalya. "Kung maka-react ka naman, parang first time mong makita ang ipinagmamalaki kong junior."

"Kahit na!" Nang tumaas ang kilay ni Oreo, nag-iwas ng tingin si Kookie. Oo nga pala, may "amnesia" siya. Hindi niya dapat alam kung gaano sila ka-intimate noon. "I mean, may amnesia ako kaya hindi ko naaalala."

"Eh, di titigan mo na para maalala mo. Picture-an mo pa kung gusto mo. Huwag mo lang ikakalat sa Internet at baka sumikat ako, magselos ka pa diyan."

Lalong nag-init ang mga pisngi ni Kookie. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagkapahiya, o dahil sa excitement. "Oreo!"

Natawa lang ito. "Sorry, not sorry."

Napatanga lang siya kay Oreo habang pinapanood ito. Mula mga balikat hanggang mga binti ng binata ay namumutok sa muscles, na tila mas lumaki kaysa noon. Pero nababagay pa rin sa tangkad nito ang pangangatawan. The past three years had been really good to this guy.

Itinali ni Oreo ang tuwalya sa baywang nito bago hinarap si Kookie. "You know, I like walking around naked, especially if there's a high chance you'll see me in my birthday suit."

Eksaheradong sumimangot si Kookie. Sinasabi na nga ba niya at may masamang balak sa kanya si Oreo. "Hindi nakakatuwa."

Namaywang ito at nagtaas ng kilay. "Talaga? Mukha namang natuwa ka sa nakita mo, base sa reaksiyon mo kanina."

Nag-init ang mga pisngi niya dala ng pagkapahiya. Nahuli pala siya ng mokong kanina habang nakatingin sa "kayamanan" nito. Nagkaroon ng sariling buhay ang mga mata niya dahil karapat-dapat naman talagang tingnan ang pagkalalaki ni Oreo. May karapatan itong maglalalakad ng nakahubad. Kung sakali man sigurong maglakad ito sa kalye at damputin ng mga pulis, maraming babae ang magpipiyansa rito para paglakarin uli nang nakahubad sa kalsada.

Ah, shit. Ano ba'ng pinag-iisip mo d'yan, Kaye Ysabelle Hisugan?

Taas-noong tumayo si Kookie mula sa pagkakaupo sa kama, ayaw ipahalata kay Oreo na hanggang ngayon ay naapektuhan pa rin siya sa ka-sexy-han ng binata. "Aalis na 'ko. Salamat sa pagpapatulog sa 'kin dito sa..." Luminga uli siya sa paligid. "Nasaan nga pala tayo?"

Napakurap si Oreo na parang nagulat sa tanong niya. "This is my room." Pero napatango rin ito. "Ah, oo nga pala. May amnesia ka kaya hindi mo naalala. Pero bakit parang magulat ka nang sabihin kong kuwarto ko 'to?"

Nagulat siya. Hindi totoong may amnesia siya kaya alam niyang hindi ganito ang hitsura niyon noon. Puti lang ang kulay ng pader niyon noon at itim naman ang kama. Pero ngayon, pastel na ang kulay ng buong kuwarto. "Nakakagulat lang. Ine-expect ko na puti at itim ang magiging dominanteng kulay ng kuwarto mo."

"Ah, yes. My room used to be like that. Pero ang sabi mo sa 'kin noon, gusto mong pastel ang kulay ng kuwarto. Kaya pinapinturahan ko ang kuwarto ko na alam kong aayon sa panlasa mo. This may sound silly, pero inisip ko noon na iniwan mo 'ko dahil hindi mo gusto ang kulay ng kuwarto ko." Tumawa si Oreo, pero wala iyong buhay. "Kaya pinalitan ko ang kulay ng kuwarto ko sa pag-asang babalikan mo rin ako. I don't regret it."

May pumitik sa puso ni Kookie. Sino ba ang hindi maantig sa sinabi ni Oreo, lalo na at sinabi nito iyon sa malungkot at tila nangungulilang boses? He looked like he was about to cry, but instead, he held it in and smiled a heartbreaking smile. Gusto sana niya itong lapitan at yakapin, pero pinigilan niya ang sarili.

Sa tingin kasi niya, kapag ginawa niya iyon ay may iba pang mangyayari sa kanila. Lalo na at halos wala nang saplot si Oreo sa katawan. Madali siya nitong mapapabigay, sa pagdidikit pa lang ng mga balat nito.

So she stood still, wishing he would take back what he said. But he didn't.

Tumikhim si Oreo. "You can take a shower, baby. Hinanda ko na ang damit mo. Naitago ko pa ang mga damit na naiiwan mo noon dito sa bahay ko." Ngumiti ito at iminuwestra ang katawan ni Kookie. "Hindi naman nagbago ang figure mo, kaya sigurado akong kasya pa rin ang mga 'yon sa 'yo. O kung hindi mo na gusto ang mga 'yon, sabihin mo lang at ibibili kita ng mga bagong damit ora mismo."

Hindi nakapagsalita si Kookie. Hanggang ngayon, itinatago pa rin ni Oreo ang mga gamit niya na naiwan niya sa bahay nito noon?

"Magbibihis lang ako sa kabilang kuwarto. Kung tapos ka na, bumaba ka na lang sa kusina. Ipagluluto kita ng breakfast," sabi ni Oreo, saka mabilis lumabas ng kuwarto.

Naiwan siya na nakatanga lang sa kawalan, iniisip kung paanong hindi niya minahal si Oreo noong magkasama pa sila.

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now