Chapter 24

1.9K 54 2
                                    

NAPABUNTONG-HININGA na lang si Kookie habang nakatingin sa harap ng salamin. Suot niya ang T-shirt ni Oreo, at hindi na siya nagsuot ng pajama bottom dahil masyado iyong mahaba para sa kanya. Ang punto, natulog na naman siya sa bahay ni Oreo, at mukhang pareho na nila iyong nakakasanayan.

Tumingin siya sa lababo. Sa kabila ng agam-agam na nararamdaman, napangiti pa rin siya nang makita ang kulay-pink na toothbrush na may malaking pulang ribbon pa. Kinuha niya iyon, at binabasa ang note na nakaipit kasama ng laso: "Good morning, baby."

Ngayon lang may nagregalo kay Kookie ng toothbrush at sa halip na ikainis, ikinatuwa pa niya iyon. Hindi naman siya binigyan ng toothbrush ni Oreo para sabihin sa kanyang may bad breath siya. Malinaw ang mensahe ng binata: gusto nitong huwag na siyang umalis sa bahay nito. Mapapatunayan iyon ng bote ng pambabaeng shampoo sa tabi ng shampoo nito.

Bigla-bigla ay naramdaman niyang mas nagiging seryoso na si Oreo sa kagustuhang magkabalikan sila. Unti-unti, binibigyan na siya nito ng puwang pati sa bahay nito.

Aaminin ni Kookie na masaya siya, pero naroon pa rin ang takot sa puso niya. Pati nga yata trauma mula sa mga taong nagsabi noon na hindi siya nababagay kay Oreo. Gayunman, hindi niya magawang lumayo nang tuluyan sa binata.

Nagugulahan na siya sa nararamdaman niya. Gusto na nga siguro niya si Oreo na higit pa sa pisikal na atraksiyon, pero alam din niyang sa kaibuturan ng puso niya, mahal pa rin niya si Trek. Hindi niya gustong nalilito siya nang ganito sa dalawang lalaki.

"Hi, baby."

Tinitigan ni Kookie si Oreo sa repleksiyon nito sa salamin. Kapapasok lang nito ng banyo, at may nakasampay na kulay-pink na tuwalya sa balikat nito, at gaya ng madalas, may subo itong lollipop. "Oreo, para saan naman 'yan? May extra towel naman dito sa banyo mo."

"Ayokong extra towels lang ang ginagamit mo, kaya binilhan kita ng para sa 'yo talaga. And I also bought new clothes for you. Baka kasi hindi mo na gusto ang istilo ng mga damit na naiwan mo dito sa bahay ko."

Tanghali na nagising si Kookie, kaya hindi na rin siguro nakakapagtaka na nakapunta sa mall si Oreo para bumili ng kung ano-ano para sa kanya. "You didn't have to, Oreo."

Ngumiti ito. "Just say 'thank you,' baby."

Bumuntong-hininga si Kookie, pero napangiti rin siya. Pumihit siya paharap kay Oreo. "Thank you, lollipop boy."

Bumaba ang tingin ni Oreo sa toothbrush na hawak ni Kookie. Lumuwang ang pagkakangiti nito. "Did you like it?"

Iwinagayway niya ang hawak na toothbrush. "Bakit lahat yata ng binili mong gamit sa 'kin, kulay-pink? Hindi naman ito ang favorite color ko."

"Alam kong itim ang paborito mong kulay. Hindi lang cute tingnan kung black ang toothbrush mo, pagkatapos ay blue ang akin. Mas bagay ang pink at blue."

"Ang sama mo. Diniktahan mo na agad ang mga color kung sino ang dapat magkatuluyan. Paano kung in love pala sina blue at black sa isa't isa?"

Tinawanan lang iyon ni Oreo. Pero mayamaya ay naging seryoso din ito habang nakatingin sa kanya. "K, stay with me. Puwede bang huwag ka nang umalis dito sa bahay ko?"

"Ayokong magpakasal, Oreo."

"Alam ko. Kaya nga ang sabi ko, huwag ka nang umalis sa bahay ko. Hindi pa kita yayaing magpakasal sa 'kin dahil alam kong hindi ka pa papayag. Ang gusto ko lang, subukan na natin ang buhay na magkasama para makita mong hindi ka magsisisi sa 'kin."

Bumuntong-hininga si Kookie habang iiling-iling. "Oreo, wala tayong relasyon kaya bakit naman tayo magsasama?"

"I told you before, before you lost your memories, we were together. Itutuloy lang naman natin ang relasyon natin, at mas pagtitibayin 'yon ngayon."

Alam ni Kookie na pareho nilang alam ni Oreo na pareho lang silang naglolokohan. Pero hindi niya maintindihan kung bakit. "Bakit mo 'to ginagawa, Oreo?"

"I love you, Kaye Ysabelle 'Kookie' Hisugan," deretso at walang pag-aalinlangang pagtatapat ni Oreo sa sinsero at mababang boses. "I still do."

Natunaw yata ang puso ni Kookie dahil ramdam na ramdam niya ang init ng pagmamahal ni Oreo sa boses at paraan pa lang ng pagtingin nito sa kanya. Nang mga sandaling iyon, inamin na niya sa sarili na may nararamdaman na rin siya para sa binata, pero pinipigilan lang niya ang sarili dahil sa nangyari noon na hindi niya puwedeng ipagtapat kay Oreo.

"Hindi ka bagay sa anak namin."

"Kahihiyan lang ang ibibigay mo sa pamilya namin."

"Pinaglalaruan mo lang ang anak namin, kaya iwan mo na siya at saktan ngayon, bago mo pa gawin 'yon kung kailan mas malalim na ang nararamdaman niya para sa 'yo."

Napapikit na lang si Kookie, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya nang marinig sa isipan ang mga sinabi sa kanya noon ng stepmom at daddy ni Oreo, na dahilan ng biglaang paglayo niya sa binata. Binaon na niya sa limot ang pangyayaring iyon, pero hinding-hindi niya makakalimutan ang mga salitang iyon na nagmula sa dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ni Oreo.

Malinaw pa sa alaala ni Kookie ang lahat. Nang haranahin siya ni Oreo at alukin na maging girlfriend nito, pumayag siya dahil gusto na niyang kalimutan si Trek na noon ay bagong kasal pa lang kay Hannah. Naisip niyang kung may mamahalin uli siya, si Oreo ang gusto niya dahil hindi ito mahirap mahalin.

Televised ang pagsagot niya kay Oreo—salamat kay Tazmania—kaya maraming nakapanood niyon, kabilang na ang mga magulang ni Oreo.

Isang araw, nakatanggap si Kookie ng tawag mula sa stepmom ni Oreo. Hinarap niya ito nang maayos, kahit pa malamig ang trato nito sa kanya, nang hindi ipinapaalam sa kanya. Alam niyang hindi pabor sa kanya ang ginang, pero hindi niya inasahan kung gaanong kalaking gulo na pala ang naidulot niya sa pamilya ng mga ito.

"Binugbog niya ang mga pinsan niya para lang ipagtanggol ka," sabi ng stepmom ni Oreo sa malamig na boses. "At nagbanta siyang puputulin na ang lahat ng koneksiyon niya sa pamilya namin para lang sa 'yo. Nakita mo na kung gaano kalaking gulo ang idinulot mo sa 'min? Hija, a lot of people have watched your sex tape. Alam mo ba kung paano pinagtawanan at ininsulto si Oreo nang malaman nilang ikaw ang girlfriend niya? Ang sabi ni Oreo sa 'kin, peke raw ang video na 'yon. Hindi ko alam kung paano, pero hindi mo naman puwedeng ipaliwanag sa lahat ng tao na peke iyon. The point is, my son and the whole family is now a big laughingstock, thanks to you. Even our relatives and friends see you as a loose woman."

Kinagat ni Kookie ang dila para hindi niya masagot ang stepmom ni Oreo. Isa pa, napanghihinaan na rin naman siya ng loob dahil hindi niya inakalang ganoon kababa ang tingin sa kanya ng pamilya ng binata. Wala siyang ibang naisip gawin noon kundi ang humingi sana ng tawad, pero bago pa niya iyon magawa, muling nagsalita si Tita Klaris.

"Mahal mo ba si Oreo?" tanong ng ginang na hindi nasagot ni Kookie, dahilan para ngumisi ito nang mapait. "Marami akong narinig tungkol sa 'yo. Alam kong pinaglalaruan mo lang ang anak namin kaya sana, lumayo ka na lang."

Lalo nang hindi nakasagot si Kookie nang dumating din ang daddy ni Oreo. Pinakiusapan siya nitong iwan ang anak dahil isa raw siyang malaking kahihiyan sa pamilya nito.

Hindi naman ganoon kakapal ang mukha niya para manatili pa sa tabi ni Oreo pagkatapos makiusap ng stepmom at daddy nito sa kanya, na may kasama pang masasakit na salita. Pero higit pa roon, lumayo siya kay Oreo dahil naisip na hindi pa niya ito mahal gaya ng pagmamahal ng binata sa kanya. Na baka pinapaasa lang niya si Oreo at sa huli, mas masaktan pa niya.

Pero higit sa lahat, may isang sekreto pa si Kookie na hindi niya masabi kay Oreo, at tiyak na lalong ikagagalit sa kanya ng pamilya nito. Ayaw niyang umabot pa sa punto na magkabukingan, dahil siguradong si Oreo ang pinakamahihirapan sa lahat.

So she chose to run away and to hide for so long.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Kookie nang lumapit sa kanya si Oreo. Kinuha nito mula sa kanya ang hawak na toothbrush. At sa kanyang pagkagulat, lumuhod ito sa harap niya at inalay ang toothbrush sa kanya.

"Baby, will you be mine again?"

Crazy Little Liar Called KookieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora