Chapter 15

2K 56 2
                                    

"BAKIT ako ang kailangang humawak sa engagement party nina Tazmanian Devlin Fortunate at Odie Serrano? At bakit sila nagpapauso ng engagement party, eh, wala namang gano'n sa kulturang Filipino?" naiinis na tanong ni Kookie habang nagda-drive at kausap si Branon sa nakasuksok na earphones sa mga tainga niya.

Tinawanan lang iyon ni Branon. "Wala raw kasing singsing na nakahanda si Tazmania nang nag-propose siya kay Odie. Kaya gusto niyang ulitin ang proposal niya. This time, he want to do it with the presence of their families and friends... and the whole country. Their engagement will be televised."

Napapalatak si Kookie. Kahit kailan talaga, napakayabang ni Tazmania. "'Buti napapayag ng lalaking 'yon si Odie."

"Well, the girl is in love."

Bumuga ng hangin si Kookie. "I hate you, Bran. If I didn't know better, inilalapit mo talaga ako sa mga kaibigan ni Oreo. Hindi ka pa nakontento sa nangyari sa party ni Stone—na brother-in-law ni Oreo. Ngayon naman, gusto mong ako ang umasikaso sa engagement party ng best friend niya."

"Hon, sayang naman kasi kung hindi natin tatanggapin. Lalong makikilala ang BD kung magiging successful ang engagement party nina Tazmania at Odie."

"Bakit hindi na lang ikaw ang umayos sa project na 'to?"

Humagikgik nang malandi si Branon. "I told you. I'm busy helping Rob with his brother's wedding preparation. Kailangan kong magpa-impress sa future brother-in-law ko kaya kailangan maging perfect ang wedding niya."

"Mas mahalaga na si Rob kaysa sa 'kin," nagtatampong sabi ni Kookie. Totoo iyon at hindi lang siya nag-iinarte.

"Awww, nagtampo pa. 'Love you, best friend."

Bumuntong-hininga si Kookie. Nakakainis na hindi niya kayang tiisin si Branon. "Nandito na 'ko sa Tee House. I'll call you later."

Pagkatapos makipag-usap sa kaibigan ay bumaba ng kotse si Kookie at tumingala sa establisimyento na may pangalan ng Tee House. Na-miss niya talaga iyon, kaya naisip niyang hindi na rin ganoon kasama na sa kanya ibinigay ni Branon ang project—ang pag-aayos sa engagement party nina Tazmania at Odie.

Sa totoo lang, nagulat talaga siya nang malamang na-engage ang dalawa. Bago siya magtungo sa Cebu noon, nakita niya kung paanong halos nabaliw na si Odie nang namatay si Pluto. Samantalang kilala naman niya si Tazmania bilang babaerong walang-puso. A mismatch couple. But it was interesting to know how the two fell in love with each other.

Papasok na sana si Kookie sa Tee House nang mahagip ng tingin niya ang pares na naglalakad sa gilid ng kalsada. Magkahawak ng kamay ang mga ito, at may kanya-kanyang hawak sa kabilang kamay na malaking ice cream cone. Halatang nagde-date ang dalawa. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa nababasang nakasulat sa likuran ng T-shirt ng mga ito. Hindi tuloy niya napigilang kunan ng picture ang magkasintahan.

The man's tee said: I ASKED HER TO MARRY ME

The woman's tee, on the other hand, said: I SAID 'YES!'

"Bakit kinukunan mo ng picture ang mga kaibigan ko?"

Napaderetso si Kookie ng tayo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pagpihit niya paharap ay sumalubong sa kanya ang matangkad at guwapong lalaki na may subo-subong lollipop. Si Oreo uli iyon, pero gaya noon ay nagpanggap pa rin siyang hindi ito naaalala. "Na-cute-an lang naman ako sa kanila. Bawal ba silang kunan ng picture?"

Kinagat ni Oreo ang candy sa bibig nito at nang hilahin ang lollipop ay stick na lang iyon. Malamig ang tinging ibinibigay nito sa kanya. "Ang huling beses na may kumuha ng picture kina Odie at Tazmania, may hindi magandang nangyari. So tell me, saan mo gagamitin ang pictures na 'yan?"

Nagulat si Kookie. Hindi niya napansin na sina Tazmania at Odie na pala iyon. Hindi niya rin inaasahang magiging ganoon ka-sweet sa isa't isa ang dalawa. Lalo tuloy siyang na-curious kung paano nagkatuluyan ang mga ito.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang mapansing nakatingin sa kanya si Oreo, na para bang sinusuri siya.

Bumuga si Kookie ng hangin. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago si Oreo. "You know what? I can just delete the picture." Ipinakita niya kay Oreo ang SLR camera at ang pag-delete sa litrato. "'Yan. Deleted na. Matatahimik ka na siguro."

"Hindi. Hindi ako matatahimik," mapait na sabi ni Oreo. "Hindi ako matatahimik hangga't hindi mo tinitigilan 'yang pagpapanggap mong hindi ako nakikilala."

"Hindi naman kita kilala," giit pa rin niya.

"Say it. Say my name, please," pagmamakaawa ni Oreo sa basag na boses.

Pumikit siya saka sinambit sa isip ang pangalan ng binata. Oreo.

Awang-awa na talaga si Kookie kay Oreo. Bakit ba kasi hanggang ngayon ay hinahabol-habol pa rin nito ang isang tulad lang niya?

Kailangan nga yata nila ng closure.

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now