Chapter 31

1.9K 54 1
                                    

PAGKATAPOS mag-empake ay lumabas na ng kuwarto si Kookie, bitbit ang kanyang maleta. Gusto pa sana niyang hanapin ang nawawalang cell phone pero hindi na niya kayang magtagal sa isang lugar kasama ang tunay na ina. Naabutan niya ang mommy niya na nagkakape sa balkonahe. Tinanong nito kung saan siya pupunta, pero hindi siya sumagot at sa halip ay dere-deretso lang na umalis.

Kagabi ay nagtalo na sila ng mommy niya dahil gusto niyang umalis ito ng apartment. Pero nagmatigas ito at nasabing wala na itong ibang mapupuntahan. Kaya siya na lang ang nagprisintang umalis. Doon na lang siya titira kay Oreo.

Mukhang natupad na ang pangarap ni Oreo na pagsasama nila sa iisang bubong.

Paglabas ni Kookie ng apartment ay napasinghap pa siya sa gulat nang makita si Oreo na akmang magdo-doorbell, at namimilog ang isang pisngi dahil sa lollipop sa bibig. Nakakapagtaka rin na nakasuot ito ng amerikana sa ibabaw ng puting T-shirt nito. Kadalasan naman, parati lang ito naka-T-shirt na plain. It looked like he also brushed his hair today, unlike the usual days when he just had it tousled in a very chic way. Bigla tuloy niyang naitanong sa sarili kung may okasyon ba. "Ano'ng ginagawa mo rito, Oreo?"

Napakamot sa batok si Oreo, mukhang nailang bigla. "Uhm—"

"Wait, never mind. Umalis na lang tayo dito. I can't stay here any more. Do'n na 'ko sa bahay mo titira," nagmamadaling sabi ni Kookie, saka hinawakan si Oreo sa pulsuhan. Hihilahin sana niya ito paalis nang pigilan siya. Binigyan niya ito ng nagtatakang tingin. "What's wrong?"

"Tinawagan ako ng mommy mo kagabi gamit ang cell phone mo," pagtatapat ni Oreo, may munting takot sa mga mata.

Napamura naman siya. Inis na inis na talaga siya. "Kaya pala nawawala ang phone ko. Ano'ng sinabi niya sa 'yo?"

"She just wants to meet me. Kaya nagpunta ako rito ngayon."

"Ng ganyan ang attire?"

Namula ang mukha ni Oreo. "Well, hindi maganda ang unang impresyon ko sa mommy mo. Gusto ko lang bumawi kahit paano."

Napabuga ng hangin si Kookie, at tumingala kay Oreo nang may pagmamakaawa sa mga mata. "Oreo, marami akong gustong ipaliwanag sa 'yo..."

Ngumiti si Oreo at hinawakan siya sa magkabilang-balikat. "Marami rin akong gustong itanong sa 'yo. Pero sa ngayon, mas mahalagang makilala ko ang mommy mo."

Eksaheradong sumimangot si Kookie. "Bakit naman?"

"Dahil gusto kong pasalamatan ang babaeng nagsilang sa future ko."

Pinilit ni Kookie na manatiling nakasimangot, pero hindi siya nagtagumpay lalo na nang lumuwang na ang pagkakangiti ni Oreo. Napangiti na rin siya, kasabay ng pagkawala ng iritasyon sa sistema niya. He was definitely a good mood changer.

Hinila niya ang lollipop ni Oreo mula sa bibig nito. Stick na lang iyon ngayon. "Sandali lang tayo, ha? I want us to get away from here as soon as we can."

Tumango lang si Oreo. Inakbayan siya nito, binitbit ang maleta niya sa isang kamay at inakay siya pabalik sa loob ng kanyang apartment.

Naabutan nina Kookie at Oreo ang mommy niya na nanonood na ng TV. Nagtagis ang mga bagang niya nang makitang ginalaw pala nito ang DVD copy ng favorite series niya—ang How I Met Your Mother.

Mukhang napansin ni Oreo ang pagbabalik ng iritasyon niya, kaya hinalikan siya nito sa sentido at binulungan. "I'm with you, baby."

Kookie's nerves calmed down. Tumikhim siya para mas kalmahin pa ang sarili. "Mom, nandito na si Oreo."

"Good day, Ma'am," magalang na bati naman ni Oreo sa kanyang ina.

"Oh!" tila excited na sabi ng kanyang mommy. She turned off the TV, stood up, and faced Oreo beamingly. Humalik pa ito sa pisngi ng boyfriend niya bilang pagbati. "Salamat sa pagtanggap sa imbitasyon ko, hijo. I'm so thrilled to finally meet you... formally. Ako nga pala ang mommy ni Kookie. Just call me Tita Kayla, okay?"

Crazy Little Liar Called KookieOnde histórias criam vida. Descubra agora