Chapter 35

3.3K 80 27
                                    

PARANG batang nakaupo lang si Kookie sa sofa, at walang magawa habang pinapanood ang mga magulang ni Oreo na lumabas ng apartment.

Kanina, nagkagulo pa nang sugurin ni Oreo si Trek at bugbugin. Kung hindi pa ito pinigilan ng daddy nito, baka napatay na ni Oreo si Trek. Then, Oreo's father, in a very angry voice, asked Trek to leave. Trek muttered an apology before storming out of the house.

Pinagsalitaan naman si Kookie ni Tita Klaris, pero pinigilan ni Oreo ang stepmom nito at pinakiusapan ang mga magulang na iwan muna sila. Halatang ayaw umalis ng stepmom at daddy nito, pero sa tindi ng galit sa mukha ni Oreo, kahit sino ay hindi magdadalawang-isip na tumalima sa utos nito.

But before Oreo's parents left the house, they gave her a look of hate.

Napaderetso ng upo si Kookie nang dumako sa kanya ang nag-aakusang tingin ni Oreo. "Oreo, please calm down and listen to me."

Pero sa galit at hinanakit sa mga mata nito, kahit ilang supot siguro ng lollipop ay hindi sasapat para kumalma ang binata. "Ibinigay ko sa 'yo ang lahat, Kookie. Ano pa ba ang kulang at pumatol ka pa sa lalaking may pamilya na?"

Nasaktan si Kookie sa bintang ni Oreo at dahil naisip nitong papatol siya sa may asawa na. Pero dahil sa reputasyon niya at dahil sa compromising na sitwasyon nila ni Trek kanina, hindi nakakapagtaka kung ganoon ang iniisip ni Oreo. Isa pa, alam niyang galit ito kaya hindi pa nakakapag-isip nang deretso.

Tumayo siya at tinangkang lapitan si Oreo. Pero humakbang ito paatras at tinapunan siya ng nagbabantang tingin. Kaya nanatili na lang siya sa kinatatayuan niya. "Oreo, walang nangyari sa 'min ni Trek, okay? Hindi ko alam na nasa kuwa—"

"Cut the crap, Kookie!" galit na sansala nito sa mga sinasabi niya. "Do you really see me as an idiot that until now you're giving me that shit? Paanong hindi mo alam na nasa apartment mo si Trek? Ano 'yon, nagising ka na lang na pareho kayong nakahubad sa kama mo?"

"Pero iyon naman talaga ang nangyari," desperadong katwiran ni Kookie. Napangiwi siya, dahil maski sa sarili niyang pandinig ay katawa-tawa ang kuwentong iyon. Mahirap paniwalaan.

Tumawa nang pagak si Oreo. "You really see me as an idiot." Bumalik ang hinanakit sa mga mata nito. "Kookie, I've put up with your ridiculous lies to keep you close to me. Pero itong ginawa mo sa 'kin ngayon, hindi na pagsisinungaling 'to. Panggagago na. Hindi pa ba sapat sa 'yo na insultuhin mo 'ko sa pakikipagkita kay Trek habang nakatalikod ako, na kailangan mo pa 'yong ipakita sa mga magulang ko?"

"Hindi ko alam na darating kayo ngayon..."

"Ilang beses kitang tinext kagabi. Tinatawagan din kita pero hindi kita ma-contact. Ang akala ko, nag-e-enjoy lang kayo ni Branon kaya hindi ako nag-alala. Pero iba pala ang kasama mong mag-enjoy," mapait na sabi ni Oreo, habang binibigyan siya ng nang-iinsultong tingin.

Nasaktan si Kookie sa pagtrato nito sa kanya ngayon. "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa 'kin, Oreo? Akala ko ba, sa 'kin ka lang maniniwala?"

Nag-iwas ng tingin si Oreo. Napansin niyang nagtatagis ang mga bagang nito. "Pinipilit ko ang sarili kong maniwala sa mga sasabihin mo, pero tuwing naalala ko ang nakita ko kanina, nagagalit ako. Alam mo kung ano 'yong mas masakit?" Tiningnan siya nito na nanlilisik ang mga mata. "Ipinaglaban kita sa mga magulang ko. Sinabi ko sa kanila na iba ka na sa babaeng nakilala nila noon. Na kahit marami kang kapilyahang ginagawa, na kahit mahilig kang gumimik, at magsuot ng sexy na mga damit, matino kang babae. But you proved me wrong to my parents. Ipinahiya mo pa 'ko sa kanila."

Natataranta na si Kookie. Nararamdaman niyang mawawala na sa kanya si Oreo, kaya sinabi na niya ang bagay na nirereserba sana para sa mas romantikong pagkakataon. But she was desperate to keep him. "I love you, Oreo. Maniwala ka."

Ngumisi nang mapait si Oreo habang umiiling. "That's the most painful lie you ever said to me, you crazy little liar." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at walang lingon-likod na umalis ng apartment. Padabog pa nitong sinara ang pinto.

Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ni Kookie. Napaupo siya sa sahig, nakatulala lang sa kawalan. She lost Oreo. She lost the person she had already learned to love.

Crazy Little Liar Called KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon