Chapter 32

2.1K 55 4
                                    

UMIIYAK si Kookie sa kama niya habang nakahiga nang patagilid. Pagkatapos niyang magwala sa pananghalian kanina, nagkulong siya sa kuwarto. Naririnig niya ang mga yabag ng ina, kaya alam niyang umalis na ito ng apartment.

"Baby?"

Lalong lumakas ang hikbi niya nang marinig ang boses ni Oreo. Kung ganoon, hindi pa pala ito umaalis.

Mayamaya lang, naramdaman ni Kookie ang paglundo ng espasyo sa likuran niya. Then she found herself in a spoon position with Oreo. He was hugging her from behind, while kissing her shoulder like he was calming her nerves.

"Tahan na, baby," malambing na bulong ni Oreo.

"Umalis na ba siya?"

"Yes."

Pinahid ni Kookie ang luha sa mga pisngi. "Pagagalitan mo ba 'ko dahil naging rude ako sa mommy ko?"

Ipinatong ni Oreo ang baba sa balikat niya. "Hindi na kailangan. Alam kong alam mong mali ang inakto mo kanina."

Pakiramdam niya ay iyon na ang tamang oras para sabihin kay Oreo ang lahat. "I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa 'yo ang tungkol sa tunay kong mommy. Gaya ng sigurong napansin mo na, inilihim ng pamilya ko ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Si Mommy Nelsa na ang nakagisnan kong ina at naging napakabuti niya sa 'kin. Pero namatay siya sa isang car accident no'ng nasa high school pa lang ako.

"Hindi ko rin alam ang tungkol sa tunay kong mommy, at matanda na 'ko nang nalaman ko 'yon. Nalaman ko rin na dating bold star siya na kumabit kay daddy noong seventeen years old pa lang siya.

"Nagalit ako kay Mommy dahil siya ang dahilan kung bakit inayawan ako ng pamilya ng lalaking minahal ko noon. Ilang beses kong hiniling noon na sana, si Mommy Nelsa na lang ang naging tunay kong mommy. Dahil kahit dinadala ko ang apelyidong Hisugan, anak pa rin ng masamang babae ang tingin sa 'kin ng marami."

"Don't say that, baby. She's still your mom," kalmadong sabi ni Oreo, saka marahang hinimas-himas ang tiyan niya na parang kinakalma siya. "We shouldn't judge a person based on his past. Alam mo 'yan dahil naranasan mo 'yon. Hindi mo rin dapat husgahan ang mommy mo dahil sa dati niyang trabaho."

Napaiyak uli si Kookie dahil napahiya siya sa sinabi ni Oreo. "Alam ko naman 'yon, Oreo. Pero ang totoo niyan, ayoko lang namang nakikita si Mommy dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Nagawa ko 'yong mga bagay na ginawa rin niya noon. Natatakot ako na baka maging tulad niya 'ko. Ayoko na nang panibagong kahihiyan para kina Daddy."

"K..."

Pumihit siya paharap kay Oreo. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga kamay niya. "Hindi mo kilala ang mommy ko, Oreo. Hindi lang naman ang nakaraan niya ang dahilan kung bakit ganito ako sa kanya. Gusto niya 'kong maging miserable na gaya niya, at gumagawa siya ng mga bagay na iniisip niyang makakabuti sa 'kin, kahit hindi naman.

"Gaya ngayon. Sinadya niyang ipaalam sa 'yo kung anong klaseng babae siya. Dahil alam ko, gusto niyang ayawan mo 'ko dahil sa kanya. Dahil iniisip niya na hindi ikaw ang lalaking dapat kong makatuluyan."

Kumunot ang noo ni Oreo at bumakas ang pagkalito sa mga mata. Pero nang makabawi, bumuntong-hininga ito at hinaplos ang pisngi niya. "Hindi nagbago ang pagtingin ko sa 'yo dahil sa mga nalaman ko tungkol sa 'yo ngayon."

Nakahinga nang maluwag si Kookie. Tama nga na pinagkatiwalaan niya si Oreo sa puso niya. "Thank you, Oreo." Kaso lang, mabilis ding nginatngat ng pangamba ang kanyang dibdib. "Pero sigurado akong lalo akong hindi magugustuhan ng pamilya mo para sa 'yo."

"You know I will always fight for you, right?"

Tuluyan nang nawala ang pangamba sa puso ni Kookie dahil sa mga salitang iyon ni Oreo. "I won't let you fight alone. Magkasama tayo rito."

Hinalikan siya ni Oreo sa noo. Naramdaman din niya ang ngiti nito sa balat niya. "You sound like you're ready to commit completely to me, baby."

Bumuntong-hininga lang siya saka yumakap kay Oreo at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Wala siyang naramdamang pagtutol sa mga sinabi ng binata. "Maybe, baby."


***

HINDI inaalis ni Kookie ang malaking sunglasses at hat sa loob ng coffee shop, habang kaharap si Trek na naka-cap din at nakababa nang husto ang visor sa mukha. Mahirap na dahil baka makilala pa ito ng mga tao at magawan pa sila ng tsismis.

Ang totoo niyan, wala na siyang kabalak-balak harapin si Trek. Pero nag-text ito at sinabing nasa coffee shop ito sa ibaba ng building na tinitirhan niya, at may importanteng bagay daw sila na dapat pag-usapan.

"Your mom called me," pagbasag ni Trek sa katahimikan.

Napaderetso ng upo si Kookie. "Ano'ng sinabi niya sa 'yo?"

Noong una ay tila ayaw pang sumagot ni Trek, pero sa huli ay bumuntong-hininga ito at sumagot na. "She borrowed money from me. Pinaalis mo raw siya sa apartment mo, kaya sa hotel daw muna siya mag-i-stay."

Napamura si Kookie sa isipan. Kahit kailan talaga, pulos sakit ng ulo ang ibinibigay sa kanya ng mommy niya. Kinuha niya ang bag at inilabas ang wallet. Pero bago pa siya makapaglabas ng pera ay pinigilan na siya ni Trek.

"Ysabelle, hindi ako nakipagkita sa 'yo para singilin ka sa hiniram ni Tita Kayla," paliwanag ni Trek. "Nakipagkita ako sa 'yo para kumbinsihin kang makipag-ayos na sa mommy mo. She cares for you, you know."

Ibinalik ni Kookie ang wallet sa bag. Kapag sinabi ni Trek na hindi nito tatanggapin ang ibabayad niya, talagang hindi nito iyon tatanggapin kahit abutin pa sila nang magdamag sa coffee shop. "She cares for me? Really? Kulang na nga lang ay sabihan niya si Oreo na hiwalayan ako dahil hindi siya mabuting babae."

"Naikuwento ni Tita sa 'kin ang nangyari. Nagawa lang naman niya 'yon dahil gusto niyang malaman kung tapat ba talaga sa 'yo si Oreo. Kung hindi ka niya iiwan dahil lang sa nakaraan ni Tita Kayla, eh, di mabuti," pagtatanggol ni Trek sa ina ni Kookie. "Tita Kayla just wants to test Oreo. She wants to see for herself if he deserves you or not."

Sumimangot si Kookie at humalukipkip. Kahit kailan talaga, kakampi ng kanyang ina si Trek. Noon pa man, parati nang ipinagtatanggol ng binata ang mommy niya mula sa kanya. That was the reason why her mother liked Trek for her. Idagdag pa na madalas ding binibigyan ni Trek ng pera ang kanyang ina noon tuwing walang napapala ang mommy niya sa kanya. Mukhang hanggang ngayon ay malapit pa rin sa isa't isa ang dalawa.

"Ysabelle, please give Tita Kayla a chance to make it up to you," pakiusap ni Trek.

Natahimik ang kalooban ni Kookie. Iyon din kasi ang hinihiling sa kanya ni Oreo—ang makipag-ayos siya sa kanyang ina. Pati si Branon, iyon din ang gustong gawin niya. Ngayong ang tatlong lalaking mahalaga sa kanya ang nagsabi niyon, mahirap namang hindi pagbigyan ang mga ito dahil ayaw niyang magmukhang masama.

At sa dami ng magagandang bagay na nangyari kay Kookie ngayon, pakiramdam niya ay puno ng pagmamahal ang kanyang puso. Bigla tuloy nagkaroon ng espasyo sa puso niya para magpatawad.

It was all because of Oreo and his love.

Napangiti si Kookie, at napabuntong-hininga. "Fine. Sabihin mo kay Mommy na puwede na siyang bumalik sa apartment ko." Kinuha niya mula sa bag ang duplicate key ng apartment na iniwan ng mommy niya bago ito umalis. Itinulak niya iyon palapit kay Trek. "Pakisabi rin sa kanya na huwag na uli siyang gagawa ng gulo."

Ngumiti si Trek, kinuha ang susi, at tumango. "I will tell her." Mabilis ding nawala ang ngiti nito at naging seryoso. "Ysabelle, may gusto rin sana akong sabihi—"

"Wait up," pigil ni Kookie kay Trek, saka kinuha ang kanyang phone na nag-ring. Napangiti siya nang makitang text iyon ni Oreo, pinapapunta siya sa bahay nito. Nag-angat siya ng tingin kay Trek. "I'm sorry, Trek. I have to go. I-text mo na lang ang sasabihin mo."

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now