Chapter 11

2.2K 61 0
                                    

"AWWW... that hurts... ah, 'tang-ina ka, Taz," sunod-sunod na reklamo ni Oreo habang nililinis ni Tazmania ang pumutok niyang kilay.

"'Tang-ina ka rin, lollipop boy," sagot ni Tazmania, saka diniinan ang bulak sa sugat ni Oreo dahilan para mapahiyaw siya sa sakit. "Pasalamat ka nga at inaambunan kita ng ginintuan kong oras. Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yong makipagbugbugan ka sa mga pinsan mo?"

Napaderetso siya ng upo. Nagsalubong ang mga kilay niya nang maalala ang nangyari kaninang madaling-araw sa reunion ng pamilya niya, kung saan muntik na niyang mapatay ang mga pinsan na lalaki, pati mga tiyuhin. Pero itinulak niya ang alaala sa likod na bahagi ng isip dahil hindi puwedeng sirain ang araw na iyon.

"Huwag ka na ngang magtanong," reklamo niya.

"Wow, ha. Sino kaya ang pumunta sa bahay ko nang madaling-araw, bugbog-sarado at minumura ang lahat ng taong makakasalubong niya?" reklamo rin ni Tazmania, pagkatapos ay iwinisik ang alcohol sa kanya na parang binabasbasan siya ng holy water. Minura niya ito, pero tinawanan lang siya. "Kailangan mong mabasbasan dahil kanina ka pa mura nang mura. Baka magalit si Lord."

"Shut up," naiinis na saway ni Oreo kay Tazmania. Bihira lang maging isip-bata ang kaibigan niya, pero kapag umasta naman na bata, nakakairita nang sobra.

"Ang pikon mo ngayon, ha. Ano ba talaga'ng nangyari sa 'yo?" seryoso nang tanong nito nang nanahimik lang siya kahit patuloy pa rin ito sa pagwisik ng alcohol sa kanya.

Napabuga lang siya ng hangin. Ipinatong niya ang mga siko at sinabunutan ang sarili sa sobrang inis na nararamdaman. "Kung hindi lang ako pinigilan nina Daddy, napatay ko na talaga ang mga taong 'yon..."

"What did they do?"

Ayaw sanang sabihin ni Oreo ang nangyari, pero baka sumabog siya sa sama ng loob kapag hindi niya nailabas ang hinanakit. Bumuga siya ng hangin bago nagsalita. "Nang nalaman ng mga pinsan ko na si Kookie ang babaeng dine-date ko ngayon, pinagtawanan nila ako. Mapapalagpas ko pa sana 'yon, pero 'yong gago kong kuya, inilabas ang kopya niya ng fake sex tape nina Kookie at Branon. Pati mga tiyuhin ko, nakisawsaw pa. Hindi ko maatim ang mga bastos na salitang sinabi nila tungkol kay Kookie. Siyempre, hindi ko nakontrol ang galit ko kaya inupakan ko sila. Wala nang pami-pamilya kung hindi nila kayang galangin ang babaeng mahal na mahal ko."

His relatives called Kookie slut, whore, easy woman, and other degrading terms. Pero ang pinakaikinagalit ni Oreo ay nang tanungin siya ng mga pinsan niya kung puwede raw ba niyang "i-share" si Kookie sa mga ito. Sino ang matinong lalaki ang hindi mapipikon doon. Right then and there, he decided to cut off his ties with his father's side of family. Hindi dapat nagbabastusan ang "pamilya."

Wala siyang pagsisisi sa kanyang ginawa, sa kabila ng galit ng stepmom at daddy niya sa ginawa niya sa mga kaanak nila. Mahalaga sa kanya ang pamilya niya, pero kung hindi kayang tanggapin at respetuhin ng mga ito ang desisyon niya tungkol sa babaeng napagdesisyunan na gustong makasama habang-buhay ay maluwag sa loob na lalayo siya.

"'Glad you beat them to pulp," nagtatagis ang mga bagang na sabi ni Tazmania. Gaya ni Oreo, ayaw rin nito ng may babaeng binabastos. "Kung hindi ka pa kontento at gusto mong balikan ang mga gagong 'yon, sabihin mo lang. Sasamahan kita."

Natawa na si Oreo. Kahit paano ay gumaan ang kalooban niya dahil sa suporta nito. "Thanks, dude. Pero pinutol ko na ang koneksiyon ko sa kanila kaya ayoko nang makita ang pagmumukha nila. Plus, this is a special day for Kookie and I. I don't want anyone to ruin this for us."

Tumaas ang kilay ni Tazmania at binigyan siya ng nagdududang tingin. "Wait. Huwag mong sasabihin sa 'kin na mag-aalok ka ng kasal kay Kookie?"

Umiling siya. "Hindi pa. Alam ko namang tatanggihan lang niya 'ko. But for today, I will ask her to be my official girl. Ramdam ko na papayag na si Kookie na maging girfriend ko."

"You still want Kookie to be your girl, despite the... you know," seryosong sabi ni Tazmania. "Her reputation."

Tumango si Oreo. "Matagal ko nang pinag-isipan 'to, Taz. Alam kong masama ang tingin ng marami kay Kookie. Alam ko rin na marami siyang ginagawa na hindi ginagawa ng normal na babae. Even my parents don't like her for me.

"But what can I do? I fell for an uncoventional, unique, and very beautiful woman. Nakita ko ang side niya na hindi nakita ng maraming tao, na pabor naman sa 'kin dahil kung makikilala nila si Kookie gaya ng pagkakakilala ko sa kanya, baka ma-in love din sila sa baby ko."

"Argh. You're really in love with her, huh?"

Ngumiti lang si Oreo. "That's why everything needs to be perfect later, okay?"

Ipinaikot ni Tazmania ang mga mata. "Pasalamat ka at magaling kang direktor. Kung hindi, hindi kita tutulungan sa kabaliwan mo."

Tinawanan lang niya iyon saka tinapik sa balikat si Tazmania. "Let's go, Taz."

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now