Chapter 34

2.2K 58 5
                                    

UMAGA na nakauwi si Kookie sa apartment niya. Dala ng kalasingan, hindi siya sigurado kung alas-dos ba ng madaling-araw o alas-dose siya nakauwi. Bukod sa naparami ang inom ng alak, sumakit din ang katawan niya dahil halos buhatin niya si Branon pauwi.

Nakapag-taxi naman sila at ligtas na nakarating sa building nila. Pagdating nila roon, tinulungan na siya ng guwardiya na bitbitin ang best friend niya sa condo unit nito.

Iniwan lang niya si Branon sa sofa at dumeretso na siya sa kanyang condo unit na nasa itaas na palapag lang. Aaminin na niya, lasing talaga siya. Pulos hard drinks ang ininom nila ni Branon kanina, habang naglalabas ito ng sama ng loob tungkol sa pakikipaghiwalay ni Robin sa kaibigan para magpakasal sa isang babae.

Dahil hinihila na si Kookie ng antok, basta na lang niya hinubad ang dress nang hindi na nagsha-shower, pagkatapos ay humiga siya sa kama. Ilang sandali lang, nagpayakap na siya sa pinagsasama-samang kalasingan, antok, at pagod.

Hindi niya alam kung gaano katagal siya nakaidlip, pero nagising nang may kumilos sa tabi niya. Noong una ay alam lang niyang may gumagalaw sa gilid niya, pero hindi pa iyon napoproseso ng kanyang utak. Ilang sandali pa, may naramdaman na siyang pagyugyog sa balikat niya. At doon na tuluyang nagising ang diwa niya.

Shit! Am I at the wrong place?

"Ysabelle?"

Napabalikwas si Kookie nang marinig ang boses ni Trek. Napasinghap siya nang makitang nakaupo si Trek sa kama niya, walang suot na pang-itaas, at gaya niya, mukhang litong-lito rin ito sa nangyayari.

Bumaba ang tingin ni Trek sa katawan ni Kookie. Noon lang niya naalala na pares ng underwear lang ang suot; kaya natatarantang hinila niya ang comforter para takpan ang kakapusan sa damit.

"Ano'ng ginagawa mo rito?!" nagpa-panic na tanong ni Kookie kay Trek.

Nag-iwas ng tingin si Trek, namumula ang mukha. "Isu-suprise ka sana ni Tita Kayla kaya naghanda siya ng maraming pagkain para sa 'yo nang makabalik siya sa apartment mo kahapon. Tinatawagan ka raw niya pero hindi ka sumasagot. Kinagabihan, dahil nainip na siya, tinawagan niya ako at niyayang samahan siyang uminom.

"Ayoko sana dahil hindi tamang pumunta ako sa apartment mo lalo't hindi mo 'yon alam. Pero naawa naman ako kay Tita Kayla nang umiyak siya. Nag-alala ako na baka kung ano'ng mangyari sa kanya, kaya pinuntahan ko na siya.

"Nag-inuman kami, nagkuwentuhan... 'yon na ang huli kong naaalala. Nag-black out na naman siguro ako nang nalasing ako."

Umungol si Kookie bilang protesta. Totoong nagba-black out si Trek kapag nalalasing ito. "Paano ka naman napunta rito sa kuwarto ko? Bakit hindi ka umuwi?!"

"I blacked out, okay?" giit ni Trek. "Hindi ko naaalala ang nangyari bago ako makatulog. Baka inakala ko na bahay ko 'to, kaya pumasok ako sa nag-iisang kuwarto nitong unit mo. I'm sorry, Ysabelle."

Tumayo si Kookie, nakatakip pa rin ang comforter sa kanyang katawan. Binigyan niya ng masamang tingin si Trek. "Bakit ka nakahubad? Wala naman sigurong nangyari sa 'tin, 'di ba?" Nagpa-panic na siya dahil lasing din siya nang umuwi kagabi. Malabo rin ang mga alaala niya kung paano siya nakauwi sa unit niya!

Shit talaga!

Muli, namula ang mukha ni Trek. Nagkibit-balikat ito. "You know I sleep naked. Baka naghubad na 'ko bago pa 'ko humiga. So, no. Walang nangyari sa 'tin."

Nakahinga nang maluwag si Kookie, pero hindi pa rin siya panatag. Bumangon ang galit sa dibdib nang maalala ang mommy niya—at kung anong klase ng gulo ang ipinasuong nito sa kanya! "Nasa'n si Mommy?"

Hindi sumagot si Trek. Pero base sa reaksiyon nito, mukhang wala rin itong alam kung nasaan ang magaling niyang ina.

Lumabas ng kuwarto si Kookie, hinanap sa buong apartment ang ina. Pero bukod sa kuwarto, wala nang ibang silid doon. Wala sa kusina ang ina niya, wala rin sa banyo, o sa balkonahe. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na sinadya nitong iwan siya at si Trek sa bahay.

Dinampot ni Kookie ang bag na nakita niya sa sala, at kinuha ang cell phone mula roon. Tatawagan sana niya ang ina, pero naka-off pala ang phone niya. Hinihintay na niyang bumakas uli iyon nang mag-ring ang doorbell. Pinukol niya ng masamang tingin ang pinto na para bang nakikita niya ang mukha ng mommy niya roon. "I hate you. I really hate you, Mom."

Nagmartsa siya sa pinto, iniipon ang galit at panunumbat sa ina na ilalabas sana niya pagbukas ng pinto. Pero sa halip na ang mommy niya, si Oreo ang sumalubong sa kanya. Lahat ng inipon niyang sama ng loob ay napalitan ng matinding kaba, at takot. Pakiramdam niya, nanghihina na ang mga tuhod niya.

Halatang nagulat din si Oreo nang makita ang hitsura ni Kookie, na nabalot lang ng comforter. Pero nang nakabawi ay ngumiti lang ito, habang hinuhubad ang suot na amerikana. Pagkatapos ay ipinatong iyon sa mga balikat niya. "You're wasted, baby. Nalasing ba kayo ni Branon kagabi?"

May mga tumikhim sa likuran ni Oreo. Pakiramdam ni Kookie ay bigla siyang kinapos ng hininga nang tumabi si Oreo, at nagbigay espasyo para makita niya kung sino ang kasama nito—ang mga magulang nito!

Halatang nagulat ang stepmom at daddy ni Oreo nang makita ang hitsura ni Kookie, pero mabilis ding itinago ng mga ito ang kanya-kanyang emosyon, hanggang sa bumalik sa pagiging pormal ang hitsura ng dalawa.

Oh, fuck!

Hindi puwedeng pumasok ang pamilya sa apartment niya hangga't naroon pa si Trek! Tiyak na isusumpa na siya ni Oreo at ng mga magulang nito.

"Hi po," nahihiyang bati niya sa mga magulang ni Oreo. Pagkatapos ay nilingon niya si Oreo, at binigyan ang binata ng nagmamakaawang tingin. "Oreo, nakakahiya, pero puwede bang sa ibang araw na lang kayo bumalik? You see, I'm not prepared..."

Tinawanan lang iyon ni Oreo. Sa pagkagulat ni Kookie, hinapit siya nito sa baywang at binuhat papasok sa loob ng apartment na ikinatili niya. Pagkatapos ay nilingon nito ang mga magulang. "Come in, parents."

Tahimik na pumasok ang mga magulang ni Oreo sa apartment niya.

Nang ibaba si Kookie ni Oreo sa sahig, kumapit siya sa braso ni Oreo at muli ay nagmakaawa siya. "Oreo... please..."

"Sshh," natatawang sabi lang ni Oreo, saka masuyong ginulo ang buhok niya. "Baby, kilala na kita lalo na kapag si Branon ang kasama mo. Kaya nasabihan ko na sina Tita Klaris at Daddy na siguradong ganito ang aabutan namin dahil alam kong malalasing ka, kaya naihanda na nila ang sarili nila." Yumuko ito at bumulong sa tainga niya. "Magbihis ka muna, baby. Hihintayin ka na lang namin."

Tiningnan ni Kookie si Oreo, pagkatapos ay sa pinto ng kuwarto niya, bago muling binalingan ang binata. Ayaw niyang maglihim dito, pero hindi niya puwedeng sabihin sa harap ng mga magulang nito na may ibang lalaki sa kuwarto niya ngayon.

Naisip niyang bumalik na lang sa kuwarto at sasabihan si Trek na huwag munang lalabas, o gagawa ng kahit anong ingay.

Kapag umalis na ang mga magulang ni Oreo saka niya ipapaliwanag sa binata ang lahat.

Tumango si Kookie, nagmamadali na. "Okay. Magbibihis lang ako—"

"Ysabelle, si Tita ba ang dumating..."

Napaderetso ng tayo si Kookie, kasabay ng biglaang paghinto ni Trek sa pagsasalita nang marahil makitang may iba siyang bisita.

Napasinghap ang mga magulang ni Oreo na halatang nagulat. At si Oreo naman, halatang na-shock nang makita si Trek na lumabas sa kuwarto niya na nagsusuot pa lang ng T-shirt. Nang mga sandaling iyon, alam na ni Kookie kung ano ang iniisip ng pamilya na nangyari.

"It's not what you think," mabilis na pagkakaila ni Kookie, pero natahimik agad nang tapunan siya ng masamang tingin ni Oreo. That was the first time he looked at her with so much hate and anger in his eyes. Napahakbang siya paatras dahil sa unang pagkakataon din, nakaramdam siya ng takot sa binata. Pakiramdam niya, biglang naumid ang dila niya.

"Hindi ba't ikaw si Trek, 'yong sikat na TV host?" tanong ni Tita Klaris.

"Ano'ng nangyayari dito? Huwag mong sabihing..." sabi ng daddy ni Oreo, saka dumako ang nag-aakusang tingin kay Kookie. "May relasyon ba kayo ng pamilyadong lalaki na 'to, gayong nobyo mo na ang anak ko?!"

Napapikit na lang si Kookie, inihahanda ang sarili sa mga galit na aanihin niya.

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now