Chapter 23

1.9K 53 3
                                    

NATAGPUAN ni Kookie ang sarili sa harap ng pinto ng bahay ni Oreo. Hindi niya alam kung bakit ang binata ang naisipan na puntahan nang makaramdam siya ng lungkot at sama ng loob pagkatapos ng pagtatalo nila ni Branon. Ang alam lang niya, kailangan niyang makita at makausap si Oreo kahit dis-oras na ng gabi dahil nararamdaman na magagawa siya nitong pangitiin at patawanin. Because he always did.

Akmang magdo-doorbell na si Kookie nang bumukas ang pinto, at iniluwa niyon si Oreo na may kasamang magandang babae. Pamilyar ang babae, pero hindi niya maalala kung sino ito.

Oh. The point is, Oreo is with another girl. "Sorry," mabilis na paumanhin ni Kookie, saka mabilis ding tumalikod at naglakad palayo.

"K, wait," habol naman ni Oreo, saka siya hinawakan sa braso at marahang pinihit paharap dito. Nakangiti ito at maaliwalas pa ang mukha. "This is a pleasant surprise. What are you doing here?"

Sa halip na sumagot ay dumako ang tingin ni Kookie sa kasamang babae ni Oreo. Mukhang napansin nito iyon dahil inakay siya nito palapit sa "kaibigan" nito.

"Baby, I want you to meet Kathreene," sabi ni Oreo. "Kath, she's the girl I always talk about—my baby K."

"I'm not your baby," pabulong at nakalabing reklamo ni Kookie.

Tinawanan lang iyon ni Oreo saka siya inakbayan bago binalingan si Kathreene. "I told you, she's so stubborn."

Ngumiti si Kathreene, tinitigan si Kookie, at inilahad ang kamay dito. "Hi, Kookie. I'm happy to finally meet Oreo's girl. You're so gorgeous, no wonder patay na patay si Direk sa 'yo."

Tinanggap ni Kookie ang pakikipagkamay ni Kathreene. Mabait naman pala ang babae. "Thank you. But I'm not his girl." Ngumiti lang si Kathreene. Nagpalipat-lipat siya ng tingin dito at kay Oreo. "Mukhang wrong timing ang pagpunta ko. Babalik na lang ako."

"No, it's okay," pigil ni Kathreene. "Pauwi na rin naman ako. It was nice meeting you again, Kookie." Binalingan nito si Oreo. "Thanks for today, Direk. See you tomorrow."

Tumango si Oreo. "Take care, Kath. Goodnight."

"Goodnight," sabi naman ni Kookie.

Pinanood muna nina Kookie at Oreo si Kathreene na sumakay sa kotse nito at magmaneho paalis hanggang mawala ito sa paningin nila, bago siya inakay ng binata papasok sa bahay nito. Noong nasa loob lang siya, noon lang niya naalala kung sino si Kathreene.

"Ah, Kathreene is an actress, right? Nakikita ko ang billboard niya sa EDSA."

Natawa si Oreo. "A famous actress, yes. Ngayon mo lang siya nakilala?"

Binigyan ni Kookie ng namamanghang tingin si Oreo. "You're going out with a famous actress. Not to mention she's beautiful and kind, too. Cool."

Tumaas ang isang kilay nito. "I'm not going out with Kathreene." Ikiniling ni Oreo ang ulo sa kaliwa na tila nag-iisip. "Well, I did go out with her. But that was a year ago. Hindi rin kami nagtagal dahil pareho kaming naging busy sa trabaho."

Biglang natahimik si Kookie. Ewan ba niya kung bakit parang bigla siyang naapektuhan nang kumpirmahin ni Oreo na nagkaroon nga ito ng relasyon kay Kathreene. Siguro, nagulat ang diyosa sa loob niya na nagawa ni Oreo na makipagkita sa ibang babae gayong parati nitong ipinagsisigawan sa kanya kung gaano siya kagusto.

I feel cheated on.

"O, 'wag kang magselos. Nagpunta lang naman si Kathreene dito dahil nagpa-coach siya sa 'kin kung paano iaarte ang eksena niya bukas."

"Hindi naman ako nagseselos," kaila ni Kookie.

"Weh? Eh, bakit mula nang pag-usapan natin si Kathreene, nakasimangot ka na?"

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now