Chapter 16

2K 68 2
                                    

NAAASIWA si Kookie ngayong nasa harap niya sina Tazmania at Odie na nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Oreo na komportableng nakaupo sa tabi niya.

Kanina, habang pinipilit siya ni Oreo na banggitin ang pangalan nito, lumapit sa kanila sina Tazmania at Odie na akala yata ay nag-aaway sila ni Oreo. Kaya pinapasok sila ng magkasintahan sa Tee House para mag-relax daw, at para na rin mapag-usapan ang tungkol sa engagement party ng dalawa.

Tumikhim si Kookie at nagpaka-professional mode muna. "Hi again. I'm Babbette from Babbette's Dream. First of all, I would like to apologize if Branon cannot make it today and sent me to meet you instead without notifying you. But rest assured, I'll do my best to give you the best engagement party our company could offer."

Namagitan ang nakabibinging katahimikan at ang lahat ay nanatili lang nakatingin kay Kookie.

Hanggang sa tumikhim si Tazmania at nilingon si Odie. "Odie, wala akong tiwala sa babaeng 'yan. Why did we get her company again for our engagement party, baby? Nagsisimula pa lang sila at marami pang pagkukulang. I want our party to be perfect, kaya bakit hindi na lang tayo kumuha ng mga expert na sa event organizing?"

Siniko ni Odie sa sikmura si Tazmania. "Don't be rude, Tazmanian Devlin Fortunate. I heard from Stone and Kisa na sobrang romantic ng wedding anniversary nila na inayos ng Babbette's Dream. Nakita ko ang pictures nila nang gabing 'yon, at nagustuhan ko ang ginawa ng BD kaya sila rin ang gusto kong mag-organize ng engagement party natin. Kung hindi sila ang hahawak n'on, kalimutan na lang natin 'to."

"Sabi ko nga ang BD ang mag-o-organize ng engagement party natin. Ang bilis mo namang magtampo, Miss Future Odie Serrano-Fortunate..." Unti-unting natigilan si Tazmania, saka napangisi. "Odie Serrano-Fortunate sounds good, right?"

Napangiti rin si Odie. "It does. Pero nakakapanibago."

"You have to get used to it soon, baby. Malapit na tayong ikasal."

Ngayong nakikita ni Kookie ang pagmamahal sa mga mata nina Tazmania at Odie, hindi kataka-taka na ikakasal na ang mga ito ngayon. Kahit hindi niya alam kung ano ang nangyari sa dalawa, naramdaman naman niya kung gaano na kalalim ang ugnayan ng mga ito.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang akbayan siya ni Oreo na ikinagulat niya nang husto. Nilingon niya ito. Nakatingin at nakangiti sa kanya ang binata.

"Huwag ka nang mainggit sa kanila. Baby naman kita kaya ibibigay ko rin sa 'yo ang apelyido ko," nakangising sabi ni Oreo, saka pinisil ang baba ni Kookie.

Tinapik ni Kookie ang kamay ni Oreo. "Ano ba'ng ginagawa mo?"

Eksaherado ang kalungkutan na nakita ni Kookie sa mukha ni Oreo na tila ba may kalokohan itong gagawin, at hindi nga siya nagkamali. "May amnesia ka nga pala kaya hindi mo naaalala. Pero ang totoo niyan, ako ang boyfriend mo."

Kumunot ang noo ni Kookie sa pagkalito. Talaga bang nagsinungaling si Oreo kahit alam naman nitong nagsisinungaling lang siya tungkol sa pagkakaroon niya ng amnesia? Naglolokohan na lang ba talaga sila?

"Oh, you must have been surprised. Pero oo, K. May relasyon talaga tayo bago ka naaksidente. At ngayong nakabalik ka na, dapat lang siguro na balikan mo rin ako dahil pinaghintay mo 'ko nang tatlong taon. Saka pinag-alala mo talaga ako." Nilingon ni Oreo sina Tazmania at Odie na tila parehong naguguluhan sa mga pinagsasasabi ng lalaking mukhang lollipop. "Right, lovebirds?"

Si Tazmania ang unang nakabawi mula sa pagkabigla. Ngumisi ito at tumango-tango. "Oh, yeah. I remember." Tumingin ito kay Kookie, bakas sa mukha ang disgusto para sa kanya. "Mahal na mahal ka niyang si Oreo at halos mabaliw 'yan no'ng nawala ka nang walang pasabi. You two were so good together then. Siguro naman, tama lang na balikan mo siya ngayon dahil sa pagkakatanda ko, wala naman siyang ginawang masama sa 'yo."

Napahiya at nasaktan si Kookie sa pagiging sarkastiko ni Tazmania na para bang pinapamukha nito sa kanya kung gaano siya kasamang babae para iwan si Oreo noon. Ang mas masakit pa, nanahimik lang si Oreo na halatang wala siyang balak ipagtanggol, at para bang sinasabi sa kanya na tanggapin niya ang pang-aalipusta ng kaibigan nito.

Which actually made sense because in that situation, she was really the lying bitch who had hurt this faithful good man without good enough reason. Except that she didn't deserve him.

Tumikhim si Odie saka pinukol ng masamang tingin si Tazmania. "I think I'm staying at my brother's house tonight."

"Wait, what? It's our monthsary, baby!" natatarantang giit naman ni Tazmania. "And I already made a room reservation at your favorite hote—"

"I don't want to celebrate it with a very rude guy," matigas na sabi ni Odie, saka humalukipkip at hindi tinapunan ng tingin si Tazmania.

Bumuga ng hangin si Tazmania, pagkatapos ay tiningnan si Kookie. At first, he just glared at her. But when he turned to Odie who still looked pissed, his face softened. Kalmado na ang mukha nito nang harapin uli si Kookie. "I'm sorry, Kookie. I mean, Babbette."

Nagulat si Kookie na sa mabilis na pagbabago ng tono ni Tazmania. From being cold and sharp, it became warm and soft. Nawala na rin ang pagiging sarkastiko nito. Ganoon siguro kamahal ni Tazmania si Odie kaya kahit labag sa kalooban, humingi pa rin ng tawad ang lalaki sa kanya sa pagiging bastos kanina.

"It's okay, Tazmania," sabi ni Kookie, saka pilit na ngumiti. Wala naman siyang ibang pagpipiliang gawin kundi ang magsinungaling uli para iligtas ang sarili sa sitwasyon na iyon. "After all, wala naman akong maalala sa mga sinasabi mo. Pero alam ko namang maraming galit sa 'kin noon bilang Kaye Ysabelle o Kookie. Kung may nagawa man ako sa kaibigan mo na ikinasasama ng loob mo sa 'kin, I'm sorry. Because I can't remember them."

Napansin ni Kookie na nagtagis ang mga bagang ni Tazmania dahil sa muli niyang pagsisinungaling, pero mukhang pinili lang nitong manahimik na lang alang-alang kay Odie... at sa celebration nito ng monthsary kasama ang fianceé mamayang gabi.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang hawakan ni Oreo ang kanyang kamay na ikinagulat niya. Nilingon niya ang binata para tanungin kung ano ang problema, pero na kina Tazmania at Odie ang atensiyon ni Oreo.

"Taz, Odie, I'm sorry. Sa ibang araw n'yo na lang ipagpatuloy ang usapang 'to," sabi ni Oreo, saka tumayo habang hila-hila si Kookie na napilitan na ring tumayo. "Kookie and I need to talk in private."

Hindi na tumutol si Kookie nang hilahin siya ni Oreo palabas ng Tee House, dahil gusto na rin naman niyang makalayo kay Tazmania. That guy could really be so heartless!

"Your best friends hate me," hindi mapigilang komento ni Kookie nang buksan ni Oreo ang pinto ng passenger's side ng kotse nito para sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Oreo, at ikiniling ang ulo sa kanan. Tiningnan siya nito na parang naaaliw sa kanya. "He probably does. But I don't. At least, not anymore."

Nagulat si Kookie sa sinabi ni Oreo. Hindi na ito galit sa kanya? Napatawad pa rin siya ng binata pagkatapos ng lahat ng ginawa niya rito noon?

Ngumiti si Oreo na parang nababasa ang isip niya, pagkatapos ay pinisil ang baba niya. "Yes, baby. I can't stay mad at you. So, let's just get back together, okay?"

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now