Chapter 7

3.3K 78 1
                                    

"WELL, what can I say? I'm so gay that I'm gay. And I'm proud of my choice. Pero aaminin kong hindi naging madali sa 'kin ang pagtanggap sa sexual preference ko ngayon. But what can I do? Fucking women makes me vomit all the time. Rather than having to fake orgasm everytime I screw a woman just to make myself believe that I'm straight, I chose to just embrace the fact that I'm gay." Bahagyang natigilan si Branon, pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang mga babae sa harap nito. Then he smiled apologetically. "No offense, women. Mas masarap lang talaga ang mga lalaki para sa 'kin."

Umugong ang malakas na tawanan at hiyawan sa sinabing iyon ni Branon.

Maging si Oreo na official videographer para sa gabing iyon ay hindi napigilang matawa nang malakas dahil sa pinagsasasabi ni Branon. Namumula na ang mukha nito at halatang lasing na, pero kitang-kita rin ang kasiyahan sa mukha. It looked like that the world had been lifted off Branon's shoulders.

"Pero siyempre, hindi magiging posible ang lahat ng ito kung hindi dahil sa best friend ko," nakangiting sabi ni Branon, saka itinuro si Kookie na nasa gilid ng improvised stage. "Kookie, my lucky cookie. Thank you for standing by me, and for keeping my secret all these years we've been friends. Thank you kasi hindi mo 'ko hinusgahan, at ni minsan, hindi mo ipinaramdam sa 'kin na may mali sa 'kin dahil lang bakla ako. Ikaw pa nga itong parating nag-uudyok sa 'kin na lumadlad na, pero ako lang talaga itong duwag." Hinarap ni Branon ang mga bisita. "Sa lahat ng nandito ngayon, gusto kong malaman n'yo na hindi totoo ang sex video namin ni Kookie. Ginawa ko lang 'yon para pagtakpan ang sarili ko. Stop hating my best friend. She's not a slut, okay? In fact, in her twenty-seven years of existence, she has only slept with two guys."

"Brandon Bruce Alcantara!" naeeskandalong saway ni Kookie sa kaibigan, na ikinatawa ng lahat dahil sa pagbuo ng dalaga sa pangalan ni Branon na pang-macho pala.

"It's silent 'D,' sweetie," nakangiwing pagtatama ni Branon.

"Pauso mo lang 'yon dahil ayaw mong magtunog-macho ang pangalan mo!"

Lalong nagkatawanan ang lahat sa pagtatalo ng magkaibigan.

Napangiti si Oreo at itinutok ang lente ng camera sa magandang mukha ni Kookie. Simpleng halter dress lang ang suot ng dalaga at nakaeleganteng bun ang buhok na lalong nagpalutang sa ganda nito. Kahit pa sabihing nakasimangot si Kookie ngayon habang "nakikipaglambingan" kay Branon.

Ang totoo niyan, nagulat si Oreo sa sinabi ni Branon. Kookie had only been with two guys? Masama man aminin, pero sa dami ng karanasan ng dalaga at sa dami ng naririnig tungkol dito noon ay inakala niyang marami nang nakasamang lalaki si Kookie. He was wrong about her again. Hindi talaga siya dapat nakikinig sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa dalaga.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang tawa ni Kookie. Mayamaya lang, niyakap na ng dalaga si Branon. He smiled and captured the moment by clicking the camera.

"Babe, can we just go some other place? I'm bored."

Nilingon ni Oreo ang nagsalita ay nakita ang reporter na si Natalia—ang ka-date ng kaibigan niyang si Tazmania. Natalia was pouting and she reminded Oreo of a child throwing tantrums, while Tazmania was just frowning which reminded him of a father getting impatient with his child. Nakakatawa ang eksena.

"We can't leave yet, Nat. I haven't even congratulated Branon for having the courage to come out of the closet," matigas na sabi ni Tazmania, na ikinirap naman ni Natalia.

Hindi naman kasi maintindihan ni Oreo kay Tazmania kung bakit isinama pa nito sa party na iyon si Natalia. The reporter was infamous for being rude and crazy. His friend should not have even dated the witch. Ang imbitado lang naman sa party na iyon ay ang malalapit na kaibigan nina Branon at Kookie. If only Natalia wasn't Tazmania's date, Oreo would never allow that woman to step into his house.

Crazy Little Liar Called KookieDove le storie prendono vita. Scoprilo ora