Chapter 18

1.9K 61 5
                                    

"FRIENDS? Talaga bang friendship ang ibinigay mo sa lalaking 'yon sa halip na closure?" naiinis na tanong ni Kookie sa sarili habang nakaharap sa salamin sa banyo.

Kaliligo lang niya at nakatapi lang siya ng tuwalya. Pero kahit nilalamig siya dahil sa kakarampot na telang nakabalot sa katawan, nakakaramdam pa rin siya ng init tuwing naaalala kung gaano kalapit sa kanya si Oreo. At kung paano siya nito tingnan na para bang gusto na siyang kainin...

... sa ibang paraan nga lang.

Nag-init ang mga pisngi niya dahil sa pinag-iiisip, at nakita naman niya ang pamumula ng mukha sa salamin. Pinapasok na naman ng kamunduhan ang utak niya dahil kay Oreo. Bakit ba kasi ayaw pa siyang lubayan ng binata?

At bakit ba kasi hindi mo siya magawang tanggihan?

Matagal nang inamin ni Kookie sa sarili na attracted siya kay Oreo, kahit ayaw niya ng commitment. Kaya nga inalok niya ito ng physical relationship na tinanggap naman nito noon. The last time she checked, it was only his body and his company that attracted her to him. Pero mukhang hindi lang pala iyon ang nagustuhan niya noon sa binata.

Hindi naman mahirap magustuhan si Oreo. Mabait ito, maalaga at higit sa lahat, tapat. Kahit na napapansin niyang minsan ay napapatingin ito kapag may maganda at sexy na babaeng dumadaan—na hindi mapigilan ng mga lalaki—ay napapatunayan niyang sa huli ay siya pa rin ang tanging babae na pinagtutuunan nito ng atensiyon.

Hindi naman manhid si Kookie para hindi maramdamang minahal talaga siya ni Oreo.

Marami siguro ang magsasabing tanga siya dahil pinakawalan pa niya ang tulad ni Oreo. Pero wala siyang magagawa kung hindi niya nagawang mahalin si Oreo noon gaya ng pagmamahal nito sa kanya.

Iisang lalaki lang minahal niya nang totoo sa buong buhay niya. Pagkatapos ay ikinasal ito ilang buwan pa lang ang nakalilipas bago niya nakilala si Oreo nang personal. Hindi naman ganoon kadali ang magmahal uli, at naniniwala siyang hindi dapat pinipilit ang pagmamahal. Kaya hindi niya sinubukang mahalin si Oreo.

Isa pa, kahit gustuhin ni Kookie na manatili pa sa tabi ni Oreo hanggang sa matutunan niya itong mahalin ay hindi namin puwede dahil marami ang tututol. At ayaw na niya ng gulo.

She did what she did best—to run away.

Nasaktan kita nang takbuhan kita, Oreo. Kaya bakit ang dali mo 'kong napatawad ngayon?

"Kookie?"

Nalingunan niya si Branon na nakatayo sa tabi ng hamba ng pinto ng banyo, nakadikit ang kamao sa pinto na para bang kanina pa ito kumakatok. Sa lalim siguro ng iniisip niya, hindi na niya napansin ang kaibigan.

Kumunot ang noo niya nang mapansing tila kinakabahan at nag-aalala si Branon. Nang huling beses niya itong nakitang ganoon ay nang aminin ni Branon sa kanya noon na bakla ito. "Ano'ng problema, Bran?"

Ngumiti si Branon, pero halatang pilit iyon. "Puwede ba tayong mag-usap, Kookie?"

"Sure," mabilis na sagot niya. "Let me get dressed for a sec."

Tumango lang si Branon, saka umalis.

Lumabas naman ng banyo si Kookie. Sa kuwarto niya siya nagbihis, pagkatapos ay dumeretso naman sa sala kung saan naghihintay si Branon. Nakaupo ito sa sofa, pero mukhang hindi ito komportable. Nag-aalala na talaga siya sa kaibigan.

Tumabi si Kookie kay Branon at hinawakan ang kamay nito. "Bran, may problema ba?"

Umiling ito. "No... actually, something good happened today."

"Hmm, really? Ano naman 'yon?"

Branon let out a nervous laugh before answering. "Well, Rob ran away from home. I mean, his brother approves of our relationship, but his parents are kinda... against us. So, he ran away. At dahil itinakwil siya, nawala na sa kanya ang properties niya. Kaya nagdesisyon kaming dito na lang sa 'kin tumira."

"Magli-live-in na kayo? That's nice," nakangiting sabi ni Kookie. Masaya talaga siya sa pag-level up ng relasyon nina Robin at Branon. Nawala lang ang ngiti niya nang mapansing malungkot pa rin si Branon habang nakatingin sa kanya. "What's wrong, Bran?"

Huminga nang malalim si Branon, bago sumagot. "Kookie, Rob is moving in with me. You're my best friend and I love you to death and you know that. But... but can you move out of the house to give us privacy?"

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now