Chapter 5

4.2K 92 15
                                    

PAGKATAPOS ng dalawang linggo at mahigit isandaang tawag, sa wakas ay napapayag din ni Oreo si Kookie na lumabas. Kaya naroon siya sa Tee House ngayon, kung saan sinabi ni Kookie na magkita sila.

Pamilyar na siya sa Tee House dahil sikat iyong clothing shop ng mga couple at statement shirts. Suki rin ng tindahan ang kapatid niyang si Kisa kaya naging kaibigan na rin nito ang may-ari ng shop na si Odie. Minsan nang naimbitahan ni Kisa si Odie sa bahay nila kaya nakilala na niya ang huli.

Maliit lang ang mundo kaya hindi na siya magtataka kapag nalaman niyang magkaibigan din sina Odie at Kookie. Gayunman, nagtataka pa rin siya kung bakit doon piniling makipagkita ng dalaga nang umagang iyon.

Hmm... maybe she wants me to buy a pair of couple shirts for us? The thought made him grin like an idiot.

Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Oreo nang may sumundot sa magkabila niyang tagiliran. Napamura siya sa gulat at kiliti. "'Tang-ina..."

"Oops. Sorry."

Napaderetso siya ng tayo nang makilala ang boses. Pagpihit niya paharap ay sumalubong sa kanya si Kookie... na kinapos na naman sa damit.

Pulang T-shirt na maluwag at hanggang kalahati ng hita lang ang suot ni Kookie, na ipinares nito sa itim na flat shoes. Her hair was tied in a messy bun, but she still managed to look like a model who got out straight from a fashion magazine. Nakasuot din ito ng malaki at itim na sunglasses. Namumula ang mga pisngi nito, pero mukhang natural iyon at hindi gawa ng kolorete. Ah, sa katunayan nga, walang makeup ang dalaga.

At hindi lasing si Kookie.

"You look more beautiful when sober, Kookie," namamanghang komento ni Oreo. Pagkatapos ay hindi niya napigilang tumingin sa mapuputi at mahahabang hita ni Kookie. "At sana may suot kang shorts sa ilalim."

"Pinagnanasahan mo na naman ako," pabirong sabi ni Kookie.

Pinuwersa ni Oreo ang mga mata na tumingin sa mukha ni Kookie bago pa magkaroon ng flagpole sa kanyang pantalon. "'Can't help it. You're hot."

Tinawanan lang iyon ni Kookie. Inalis nito ang sunglasses at sinabit iyon sa kuwelyo ng T-shirt. Noon lang napansin ni Oreo ang nakasulat sa T-shirt ng dalaga: YOUR BF IS CHECKING ME OUT. SORRY (NOT SORRY THAT) I'M HOT

Napangisi si Oreo. "Nice shirt."

Ngumiti si Kookie. "This is the reason why I love Odie and her shop. Ang witty ng mga statement shirt niya."

"You know Odie personally?"

"Yeah. We've met a couple of times, kapag namimili ako dito sa Tee House." Inilibot ni Kookie ang paningin sa paligid. "Oh. She's not here."

"I heard from my stepsister that Odie's in the hospital with her fiancé. May kailangan ka ba sa kanya?"

"Yes. Magpapagawa sana ako ng personalized shirts sa kanya. But I guess her staff can assist me naman."

"Personalized shirts for what?"

Ngumiti si Kookie at kinuha mula sa maliit na handbag ang cell phone nito. Kinalikot iyon saglit, pagkatapos ay ipinakita sa kanya. "Here. Tell me what you think."

May picture ng pink T-shirt at nakasulat doon ang: PROUD GAY

Napakurap si Oreo. "Para kay Branon ba 'to?"

"Yep. Slide mo for the next pic."

Tumalima si Oreo. Picture uli ng T-shirt, pero iba naman ang nakasulat: WE SUPPORT GAYS

"This is cool, baby," sinserong komento niya. "Ikaw ang nag-design nito?"

"Yes. Gusto kong matapos sana agad 'yan para sa party na inihahanda ko for Branon." Namaywang si Kookie at pabirong pinaningkitan ng mga mata si Oreo. "Umaasa akong tutulungan mo 'ko sa paghahanda."

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now