Chapter 33

2.2K 79 4
                                    

"MAY MASAMANG balak ka na naman sa 'kin," reklamo ni Kookie kay Oreo, habang may nakapiring sa mga mata niya. Nakahawak sa magkabilang-balikat niya ang binata at marahan siyang inaakay mula sa kotse nito, paakyat marahil sa kuwarto nito.

Tumawa lang si Oreo. "As much as I want na gawan ka ng masama, hindi puwede dahil may flu ako ngayon. Ayokong hawaan ka. Kaya nga mabuti ang balak ko sa 'yo ngayon."

Napangiti siya. Medyo minamalat nga ang boses ni Oreo at dapat ay napapahinga ito para gumaling na. Pero heto ito ngayon, mukhang may hinanda na namang sorpresa para sa kanya.

Kaya nga kahit kanina pa siya tine-text at tinatawagan ng mommy niya ay hindi niya iyon sinasagot. Alam naman kasi niyang sasabihin lang nito na nakabalik na ito sa apartment. Kakausapin naman niya ang ina pag-uwi niya. Pero sa ngayon, sasamantalahin muna niya ang oras kasama si Oreo. So she turned off her phone.

Pumasok sina Kookie at Oreo sa isang ng binata. Nang marinig na sumara ang pinto, nakaramdam siya ng kaba. Hindi siya sanay na nakapiring ang mga mata at pakiramdam niya, na-heighten bigla ang senses niya. Mabuti na lang at inalis na ni Oreo ang piring niya. Gayunman, nanatili pa rin siyang nakapikit.

"Open your eyes, baby."

Unti-unting iminulat ni Kookie ang mga mata. Noong una ay nag-a-adjust pa ang mga iyon dahil sa pagkakapiring niya, pero nang bumalik na sa dati ang paningin, napasinghap siya sa sumalubong sa kanya.

Nakapatay ang mga ilaw sa kuwarto ni Oreo, at dahil doon ay umiilaw sa dilim ang mga glow-in-the-dark stars ng mga bituin, buwan, at iba't ibang planeta na nakadikit sa mga dingding, kisame at maging sa sahig. She suddenly felt like she was in a planetarium.

"Wow," namamanghang sabi ni Kookie, hindi maalis ang tingin sa buong kuwarto. Hindi niya alam kung saan siya titingin dahil lahat, gusto niyang titigan.

Ngumisi si Oreo, halatang natuwa sa reaksiyon niya. "Masaya ako na nagustuhan mo ang surprise ko sa 'yo. Ang dali mo talagang pasayahin."

"Lahat naman ng gagawin mo para sa 'kin, ikakatuwa ko. Malaki o maliit na bagay man 'yon."

"Aww, ang sweet naman ng baby ko," natatawang sabi ni Oreo, saka siya hinawakan sa kamay at kinabig palapit sa katawan nito. "You see this, K? Kapag tumira ka na kasama ko, gabi-gabi mo nang makikita ang munting universe na 'to na ginawa ko para sa 'yo."

Natunaw na naman ang puso ni Kookie. Akala niya noon, matatagalan bago niya mahalin nang lubusan si Oreo. Pero mukhang nagkamali pala siya dahil heto siya ngayon, mabilis na nahuhulog nang tuluyan ang loob sa binata.

"Bakit mo naman naisipang gawin 'to?" curious na tanong ni Kookie. "Ito ba ang advance birthday gift mo sa 'kin?"

"Nope. Nakahanda na ang birthday surprises ko para sa 'yo," proud na sagot ni Oreo, na mukha ngang may mga hinanda pala sa birthday niya. "I declare this day as Universe Appreciation Day."

Natawa si Kookie. Kung ano-ano talaga ang pinapauso nitong si Oreo. "Para saan naman ang araw na 'to?"

"Gusto ko lang magpasalamat sa universe," halos pabulong na sabi ni Oreo at saka marahang hinaplos ang pisngi niya. "Because the universe was generous enough to give me a chance to be with you. Walang forever, pero may universe na puwedeng tumupad sa pangarap nating makasama ang taong mahal natin. Hindi naman kasi mahalaga na habang-buhay mong makasama ang mahal mo. Kahit gaano pa kaisking panahon 'yan, ang mahalaga, nagkaroon ka ng pagkakataong makasama siya. Dahil may mga taong ginugugol ang buong buhay nila sa paghahanap ng makakasama, pero nabibigo sila.

"Kasabay ng pag-appreciate natin sa universe na siguradong may gawa kung bakit tayo nagkakilala, i-appreciate din natin ang oras na magkasama tayo ngayon. Dahil hindi natin alam kung gaano kahaba o gaano kaikli ang ibinigay na panahon ng universe sa atin."

Noon, kinikilabutan ni Kookie sa mga lalaking masyadong "cheesy." Pero ngayong kay Oreo nagmula ang mga salitang iyon, sa halip na sabihan ang binata ng "corny" ay napangiti lang siya, habang ibinabaon sa puso niya ang bawat matatamis na salitang sinasabi nito. Dahil alam niya, sa hindi malayong hinaharap, tutubo iyon ng malagong pagmamahal.

"You're making me want to stay here with you and just take care of you," nakalabing reklamo ni Kookie.

Tumawa lang si Oreo. "Magtatampo si Branon kapag hindi mo siya pinuntahan ngayon. Brokenhearted pa naman 'yon ngayon."

Nalungkot si Kookie nang maalala ang nangyari kay Branon. Iniwan na ito ni Robin. Dahil sa pressure sa pamilya, napilitan si Robin na bumalik sa mga magulang, para pakasalan ang babaeng gusto ng mga ito para sa lalaki. Kaya ngayong gabi, niyaya ni Branon si Kookie na mag-bar para samahan itong maglasing... at maghanap ng iba.

"Kung hindi lang barado itong ilong ko, sasamahan ko sana kayo. Pero itutulog ko na lang muna 'to para mabawi ko agad ang lakas ko," sabi ni Oreo, saka siya hinalikan sa noo. "Enjoy the night with Branon. Huwag kang masyadong magpakalasing, ha? Tawagan mo 'ko kung kailangan n'yong magpasundo."

Tumango lang si Kookie, pero hindi niya tatawagan si Oreo para magpasundo dahil ayaw niyang maistorbo ang pagpapahinga nito. Isa pa, nangako siya sa sarili na hindi iinom nang marami para mabantayan din niya si Branon, at pareho silang makauwi nang maayos.

"Saka pala, baby. May surprise ako sa 'yo bukas kaya ihanda mo ang sarili mo," bilin pa ni Oreo.

"Opo," sagot niya, saka tumuntong sa mga paa ni Oreo, para tumiyad at bigyan ito ng magaang na halik sa mga labi. "Goodnight, baby."

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now