Note

2K 92 11
                                    

[Copy-pasted from the Note I posted on HE MAY FALL FOR HER]

***

Hi, dear readers. First of all, super thank you for reading my works. Na-a-appreciate ko rin ang paghingi ng updates ng ilan sa inyo kasi meaning, inaabangan niyo ang kuwento. That's very rewarding para sa mga writer na tulad ko. :)

But I have to be honest. Nagtataka ako minsan kung may nagbabasa ba talaga kasi wala masyadong votes at comments. Maliban siyempre sa "update" or "nakakabitin" na minsan eh parang nakaka-pressure. Hehe. Sana iyong mga nanghihingi ng update ay nag-vo-vote at nag-li-leave din ng comment (again, maliban sa "update" or "nakakabitin) para quits. Haha chos. Walang pilitan. Kung feel niyo lang mag-vote at comment, ma-a-appreciate ko 'yon. Kasi mas nakaka-motivate mag-post ng update kapag nararamdaman din namin ang reaction niyo as readers. ;)

I didn't start as a Wattpad writer. I started as a PHR/published writer. Hindi ako nagkaro'n ng chance na makita/mabasa ang reactions ng readers ko noon. Sana dito sa Wattpad, makabasa ako ng reaction/comments aside sa "update" at "nakakabitin." Of course, walang pilitan. Haha nakaka-sad lang na kapag nag-a-update ako minsan, feeling ko nakikipag-usap ako sa pader. Pero gets ko naman, baka silent readers lang kayo. Gano'n din naman ako. Hahahaha. I just want to feel your presence from time to time. Wag mahiya. Sumasagot naman ako sa mga comment at PM. Kapag malakas ang net ko. Hahaha.

Saka super thank you sa mga nagko-comment ng "thank you sa update/magandang story". Nakaka-inspire ang encouraging words niyo. Ang hindi niyo alam eh ang simpleng thank you niyo, super nakakatanggal na ng stress para sa mga writer. Pero hindi requirement 'yon, ha? Haha. I just want to sincerely thank you. <3

Bugso lang ito ng feels so I might delete this later. Wala sanang ma-offend. Gusto ko lang na magkaro'n tayo ng harmony dito at closer relationship as writer-readers. Lalo na sa mga reader na dito ko sa Wattpad na-meet. Hello sa inyo. Kung fans kayo ng penguin, Kpop, Kdramas, 5sos, Tinkerbell, Jollibee eh mahal ko na agad kayo. Hahaha.

PS: I'm 24 years old para sa mga nagtatanong. Haha. Wala lang. Random trivia? Lol. :D

Good night.

Love,
Luna King

Crazy Little Liar Called KookieWhere stories live. Discover now