Chapter 3

61.9K 1.9K 73
                                    

Chapter 3

    Tahimik na kaming kumain matapos kong pasakan ang bibig niya at mabulunan siya. Sinamaan ako nito ng tingin matapos siyang uminom ng tubig. Nagpanggap akong walang ginawa at nagpatuloy na sa pagkain pero nanatili ang talim na tingin niya sa akin.

   Parang may mga itim na ulap na nakapalibot sa ulo ko at handa na akong tamaan ng kidlat. Tila nama'y bumabagsak ang temperatura na nakapalibot sa amin. Parang malapit nang mag snow sa paligid.

   Gago kasi. Hindi nalang itikom ang bibig at tumingin nalang. Kailangan niya ba talagang sabihin 'yun? Masyadong bulgar ang bibig niya. Walang filter.

   Matapos naming kumain ay lumabas na kami. At sa pinto ay sinalubong kami ng dalawang katulong na may dalang bag. Kinuha ni McGregor ang dalawang bag at ibinigay sa akin ang backpack na kulay blue. Isinabit naman niya sa balikat niya ang isa pang kulay itim na bag. Parang napakaliit tignan ng bag niya dahil sa lapad ng likod niya.

"Inside your bag is what you all needed. May hygiene kit din diyan, make ups at kung ano pang gamit na pambabae. I placed a credit card inside your wallet in case you need to buy something."

    My jaw dropped. Ganoon siya ka yaman? Hindi ko pala magagamit ang credit card ko. Atleast wala akong magiging problema sa pera sa misyon na 'to.

   Hindi masyadong malayo ang subdibisyon ni McGregor sa akademya  kaya nakarating agad kami. Well, the mansion is inside the premises of the academy! Namangha ako sa laki ng paaralang ito. Base palang sa napakataas na pader at malalaking gate, masasabi mo nang pang mayaman ang paaralang ito.

"Magkano ang tuition fee dito?" tanong ko pa na masyadong nakukuryuso sa halaga.

"970,000 for the whole year. And it is already a half discounted price for students whose organization had a partnership with us," sagot niya na nagpaawang ng labi ko.

   Kingina. Ganoon kamahal? At discounted na 'yun? 1,940,000 kapag full? What? Hinding hindi ako mag-aaral dito kung hindi lang ito libre!

    International school ba ang standard nito?

"Ba't naman napakamahal?"

"Everything is provided," simple niyang sagot.

   Anong 'everything' naman kaya 'yun?

"The classes here will start at eight am. Grade 12 with an academic strand of STEM like what you have in your Grade 11. I will let you read the manuals when I have the time to give it to you. You will be exempted for today and I'll provide you someone to accompany you in touring the school," he said with full authority.

    Nakakamangha na isa pa lamang siyang estudyante pero kung makapagsalita siya ay para bang ipinanganak talaga siyang ganoon.

    Sa pagkakaalam ko ay isa na siyang acting CEO noong first year palang siya sa kurso niyang Business Administration. Siya rin ang pinakatatakutang presidenti ng Supreme Student Government sa West Cannon. Ang lolo niya naman ang headmaster o dean ng akademya.

    Ang buong pamilya niya ay isang mafia at may pag-aari silang organisasyon. Gaya nga ng sabi ko ay nangunguna ang organisasyon nila. Ang kontrata sa pagitan ng aming organisasyon ay hindi simple sapagkat may kasalan na naganap. Pwede itong matatawag na merging kung magpapatuloy pa rin kami sa pagtulong sa isa't-isa kapag tapos na ang kontrata.

   Alas sais pa lamang kaya siguro napakatahimik pa ng paligid nang makarating kami sa parking lot. Sabay kaming bumaba pero bago pa man kami makapaglakad papasok ay hinila niya ang kamay ko at pinahinto ako. Hinubad niya ang coat niya at inilagay ito sa balikat ko.

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now