Chapter 18

44.4K 1.3K 43
                                    

Chapter 18

Nemesis

'Eros Louige Montero Sr.'

    Iyon ang nakasulat sa puntod na nasa harap ko. Napahinga na lamang ako nang malalim at hinaplos ito.

"When papa died, napagdesisyunan na lang namin na huwag siyang i cremate. We want him to be burried here in the private cemetery for the Monteros," wika ni Louige at humilata na rin kagaya ko.

   Namimiss ko na si papa. Simula noong mamatay siya ay hindi pa ako nakadalaw sa libingan niya. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na kasama ko si Louige dahil bukod sa hindi basta basta ang seguridad dito, wanted pa rin ako.

"Mama mourned so much for the death of papa that she even overdosed herself with sleeping pills. Mabuti nalang at nakahingi agad ng tulong si Aeson. Matamlay pa rin hanggang ngayon si mama pero hindi na tulad ng dati."

"Aeson is also studying in West Cannon as a grade 8 student."

"Lahat ba ng mga Montero ay nandoon?" tanong ko.

  Umiling sya at ngumiti. Even our smiles are similar. Hindi maitatanggi na magkapatid nga kami.

"Tayong tatlo lang ang naroon. All of our cousins decided to study in our academy," sagot niya.

"Kamusta naman ang organisasyon niyo?" gulat siyang tumingin sa akin nang magtanong ako.

"I-it is doing well. Blacklisted at wanted ka pa rin. But I can try to speak to lola and lolo."

   Umiling ako at muling hinaplos ang semento kung saan nakaukit ang pangalan at petsa kung kailan siya ipinanganak at namatay.

    Pasensya ka na, papa at hindi kita naprotektahan.

   Mabigat na mabigat ang kalooban ko ngayon at puno ng pagsisisi. Kung ang pamilya ko nga ay ako ang sinisisi, ganoon din ako sa sarili ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya. Dahil naging mahina at duwag ako noon.

"Louie, I know it's not your fault. I'm sorry for being angry at you," hinging paumanhin niya at hinawakan ang kamay ko.

"Naiintindihan ko kayo, Louige. Kasalanan ko naman din," mahinahon kong sagot at bumuntong hininga. Napatingin ako sa madilim na langit at mukhang uulan na.

    Matapos kasi kaming makapag usap sa akademya ay dumeretso na kami dito sa sementeryo. Kahit ngayon man lang ay makita kong muli si papa, sapat na 'yun.

   Kitang kita ko ang mga mata ni Louige na puno ng mga tanong. Alam ko na marami siyang gustong itanong pero hindi niya lang alam kung papaano sisimulan. Wala rin naman akong balak na sagutin siya kahit na magtanong pa siya.

"Nagbago ka na, Louie," bigla niyang usal. Humahalakhak ako at ginulo ang buhok niya na noon ko pa man ginagawa.

"Ako pa rin naman ito. Si Nemesis Louie Montero na anak ni Eros Louige Montero Sr. at Maria Cassandra Alfonso. Ako pa rin ang apo ni Apollo Zion Montero at Zanaiah Emilia Rodriguez," wika ko. Napailing siya habang hindi tinatanggal ang titig sa akin.

"Hindi ko alam kung nasaan ka sa labing isang taon na nawala ka, Louie pero alam kong napakarami at napakalaki ng ipinagbago mo. Naging malamig at matigas kana. You're becoming like... lolo, Louie. Nakakatakot ang pagbabago mo."

"Lahat ay nagbabago, Louige. Ang pagbabago lang ang siyang walang hanggan sa mundong ito," sagot ko at tinapik ang balikat niya.

"Ikinagagalak kong makita kang muli, Kuya Louige. Ikamusta mo nalang ako kay Aeson," sabi ko at tumayo na.

"Saan ka pupunta, Louie? Where are you staying? Nagtatrabaho ka ba?" sunod sunod na tanong niya pero tanging pagkibit ng balikat ang isinagot ko.

"Magkikita pa rin naman tayo dahil sa West Cannon ako nag aaral ngayon. Sayonara, Louige," paalam ko at hindi na siya hinayaang pigilan pa ako.

   Sapat na ang makita ko ang ama ko at ang kapatid ko. Hindi ko na hinihingi ang patawad ng pamilya ko. Hindi ko rin kailangan ang awa ni Louige.

   Nakakatawa lang na tinuturing akong kriminal ng pamilya ko at may patong pa ako sa ulo. Hindi lang ang kalaban ng organisasyon namin ang kalaban ko kundi pati na rin ang Organisasyon ng mga Montero. Sa lahat ng assassin sa organisasyon namin ay ako siguro ang may pinakamaraming kalaban.

   Kaya sa ngayon ay lalayo muna ako kay Louige. Alam ko naman na handa siyang tulungan ako na makabalik sa pamilya namin pero maiipit lang sya. Maari ring madamay siya sa galit ng pamilya namin sa akin. Sa tingin ko ay mas mabuti iyon dahil ako ay nakamyembro sa isang organisasyon na kalaban nila.

    Organizations in the underworld are quite competitive with each other kaya kapag nalaman ng mga Montero na si Louige ay may ugnayan sa akin ngayon, siguradong madadamay siya. Though there are organizations that are like the McGregor's who decided to be independent for years, mahirap pa rin talaga ang sistema roon.

   A friend or a foe? Dalawang panig lang ang tinitignan ng mga tao roon.

     I heaved a sigh because of great disdain. Medyo kalayuan nga ang sementeryong ito sa akademya. Higit tatlong oras kaming bumiyahe patungo rito kahit na napakabilis pa ng pagmamaneho ni Louige.

   Dahil walang sasakyan dito ay naglakad na lamang ako palabas sa pribadong sementeryo na ito.

   Kapag nakalabas na ako sa lugar na ito ay tiyak mayroon namang pambublikong sasakyan na dadaan. Kaya mabilis na naglakad ako para makaabot sa pagsakay. Nang nasa may intersection na ako ay napahinto ako nang makita ang isang pamilyar na itim na sasakyan.

   Binasa ko ang plate number at nakitang MTO 4569 ang nakasulat. Teka, nakita ko na kasi 'yan noon nakalimutan ko lang kung nasaan.

   Hindi kaya kay... kay...

    Hindi pa man ako natapos sa pag-iisip ay bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas doon si McGregor. Takot at gulat ko siyang tinignan na napakasama at napakalamig namang tingin ang isinisukli sa akin.

   Bakit alam nya kung nasaan ako? Puta. Dala ko nga pala ang cellphone ko at maaring nilagyan niya ng GPS tracker. Ang bobo ko!

    Para akong nag-ugat sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kaniya na nakasuot pa ng uniporme ng West Cannon at marahang naglalakad patungo sa akin. Ba't ko ba nakalimutan na niyaya nga niya pala akong sabay kaming mag umagahan eh hapon na ngayon.

"Rule no. 26 of West Cannon Academ: Students are not allowed to go out unless it is a weekend or for something that's emergency. Even if it is for an emergency, you are required to see the president to ask for a pass."

Patay.

"Rule no. 15 of West Cannon Academy: Students are not allowed to ditch and absent in their classes unless they are not feeling well."

"And Rule no.1 of West Cannon Academy: Any students are not allowed to decline a request from the President. Now tell me, Ms.Montero. Did you even read the manuals?"

     Napalunok ako habang tinitignan si McGregor.

   

 

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now