Chapter 51

35.6K 1K 59
                                    

Chapter 51

"Pagod na pagod na talaga ako, Ivronsen. Kung alam mo lang kung gaano ko ka gustong sumuko na sa nararamdaman ko. Kaso hindi ko gamay ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano kontrolin. Kaya hinihintay ko na lang ngayon na magsawa ako sa kakahabol sa'yo na parang asong ulol."

"Salamat sa pakikinig. Sige."

  Tumalikod si Marga na punong puno pa rin ng luha ang mukha. Si Ivronsen naman ay napahilamos ng mukha at napatingin sa direksyon ni Marga.

   Nagtago ako nang lumampas sa puwesto ko ang babae.

" S-sorry..." hinging paumanhin niya nang mabunggo niya si Louige. Si Louige!

" Why are you crying?" baritonong boses na tanong ng kapatid ko. Winaklit ni Marga ang kamay niya na hinawakan ng kapatid ko.

" That's none of your business," malamig na sagot ni Marga at nilampasan ang kapatid ko. Louige looked at her back.

    Ohhhh! What chismiss is this?

   Kidding aside. Naaawa ako kay Marga, oo pero hindi rin naman kasalanan ni Ivronsen. Mas mabuti pa nga iyong nagpalabas na siya ng senyales na hindi niya gusto si Marga para hindi na umasa ang babae.

  Ito talaga ang sinasabi nilang pinagtagpo pero hindi itinadhana. Pero malay natin, diba? Baka mamahalin siya ni Ivronsen balang araw na hindi pa huli ang lahat.

  Agad na lumabas ako sa pinagtataguan ko para hindi ako pagdudahan ni Ivronsen.

"Woi, nasaan daw yung pinagawa ni Shane sa inyo?" kunyari ay bungad ko. Napatitig siya sa akin habang ako ay inaaral ang ikinikilos niya.

  Hmm. Hindi halatang nabother siya sa pag iwan sa kaniya ni Marga.

"A-ah, that. We have finished grilling the fish," kunyari ay pacool nitong sagot.

"Nasaan nga pala si Marga?" kunyari ay wala akong nakita.

"Marga? M-masakit daw ang puson niya kaya magpapahinga muna siya," pagsisinungaling nito. Muntik na akong mapangiwi sa sagot niya.

"Ahh, sige. Sumunod kana doon."

  Nang makarating ako doon sa cottage ay si Shane lang ang tao. Wala si Iverson.

Galit talaga iyon? Eh kailangan ko pa bang sabihin na cute sya?

Napakamot nalang ako sa ulo ko at umupo. Napansin naman ako ng babae at tinaasan ako ng kilay.

"Hindi ata nakabuntot sa'yo ang asawa mo?"

Malay ko ba doon. Hindi ako sumagot.

"Nag away kayo, 'no? 'Yan! Nice!" pumalakpak pa ang lintek.

   Peste 'to, ah? Sira ulo.

Nilapitan niya ako na may parehong ngisi kagabi. Humahagikhik habang tinatawag si Genessa at Alieth na nag s-sun bathing. Para naman itong mga timang sa bilis lumapit.

"Anong chika ba?" tanong pa ni Alieth at tinignan kaming dalawa ni Shane.

"Sa tingin mo, ano ang magagawa ng babaeng ito para magkabati sila ng asawa niya?"

"Nag away sila?"

"Kaya nga magkabati, diba? Malamang!"

"Bakit? May naiisip ka ba?"

"Mag papabida-bida ba ako kung wala?"

"Lapag na!"

   Hangin nalang talaga ako sa harap nila. Si Genessa naman ay poker face na naghihintay sa plano ng dalawa. Ano na naman kayang pumasok sa isip nito?

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now