Chapter 44

36.8K 1.1K 78
                                    

Chapter 44

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang magsimula na ang practice namin ni Ivronsen at talaga namang tutok na tutok at determinado ang ugok na ipinalo ang contest na ito.

"Sa chorus kasi tayo hindi masyadong nagkakasabay at nagdidrift young boses mo sa path ng tono na sinusunod natin kaya we need to practice and practice over that part," sabi pa nito habang muling kinakalabit ang string ng gitara.

   Oo, marunong mag gitara si Ivronsen!

    Ang napili naming kanta ay ang 'Perfect' ni Ed Sheeran at napagdesisyunan namin na mag gigitara kaming dalawa. Alam niyo para mas kontrolado namin ang musika at mas nakakapag express kami ng damdamin. Puro kaartehan.

   Iyon nga lang, talagang nakakapagod 'yung paulit-ulit! Kinakabisa ko pa ang kanta dahil hindi ako masyadong pamilyar. Eh paanong magiging pamilyar sa akin ang kanta na ito na puro Kpop at OST ng Kdrama ang laman ng playlist ko!

"Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what It was

I will not give you up this time," sabay naming kanta sa chorus. Nagblend ang boses namin at masasabi ko namang maganda ang kinalalabasan nito. Siya lang kaya ang nagplano lahat. Wala akong alam sa ganito eh.

    Nasa likuran kaming bahagi ng Engineering building kung saan walang masyadong tao kaya malaya  kaming nakakapag practice. Sa loob din ng ilang araw na pagpapapractice namin ay wala kaming balita sa iba pang kalahok. Wala na rin akong oras na magtanong dahil inuukupa ni Ivronsen ang mga bakante kong oras at halos alas otso nga ako nakakauwi minsan at tulog agad pagkarating dahil sa pagod.

    Sus. Kung bakit pa kasi talaga ako sumali sa paligsahang ito!

     Kumusta na kaya 'yung iba 'no? Napipressure ako kina Iverson at Marga. Sila pa naman ang panalo last year at hanggang ngayon ay sila pa rin ang partner. Ako lang talaga ang kontrabida sa love story nila.

"Kung makadisplay ng bagot ang mukha mo, akala mo naman sobrang boring kong kasama," puna ni Ivronsen habang nag oorder kami ng pagkain sa cafeteria. Lunch break na kaya naman huminto na muna kami. Mabuti nalang at naisipan ng taong 'to na magpahinga saglit. Masyadong mahigpit, akala mo naman mamamatay siya kapag natalo.

"Sa tingin mo, sino ba talaga ang bagay? Si Ivronsen at Louie o Iverson at Louie?"

"Eh kasi naman magkapareho lang ng appearance si Iverson at Ivronsen kaya nalilito tayo."

"Hindi, beshy. Magkaiba ang aura nilang dalawa. Kaya magkaiba rin ang aura kapag nagsama si Iverson at Louie o Ivronsen at Louie."

"Kasi, itong si Iverson at Louie, ang taas ng rate ng chemistry nila tapos kapag nagsama naman si Ivronsen at Louie ay akala mo may something sa kanila. Iba ang ngiti ng Ivronsen mo."

"So, ano na? LouieSon o LouieSen?"

"Ay, hindi ko na alam! Ba't kasi pinagsama si Ivronsen at Louie? Solid LouieSon lang talaga ako noon eh. Nahahatak ako ng LouieSen. Huhu."

"I feel you!"

    Napailing na lamang ako habang naririnig ang mga pinag uusapan ng magkakaibigan sa isang mesa na hindi kalayuan sa linya na pinipilahan namin.

"On normal days, those who will mention my name in their chismiss will surely receive a punishment. Pero dahil tayong dalawa ang pinag uusapan ay okay lang," saad pa nito at kinindatan ako. Napangiwi naman ako. Gustong gusto naman!

   Hindi ko alam kung totoo niya nga ba talaga akong gusto o talagang malandi lang talaga siya. Kapag ang isang fuckboy sinabing gusto ka, ibig sabihin niyan, ikaw ang flavor of the month. Sus. Sarap ipalapa kay Hiro ang mga ganitong klase ng lalaki.

    Matapos kaming makapag order ay uupo sana kami sa isang mesa na bakante nang kinawayan ako ni Alieth. Magkasama silang lahat sa isang mesa. Ngayon lang kasi talaga kami nakapasok ng cafeteria magmula noong nakapagpractice kami.

"Dito, Louie, Ivronsen!" sigaw pa nito na akala mo naman walang tao nakapansin sa kaniya.

    Nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako pero nauna na si Ivronsen kaya sumunod nalang din ako. At sa lahat ng nakaupo doon ay dama ko ang isang mainit at matalim na titig. Natagalan pa nga kami sa pag upo dahil imbes na magkatabi na magkaupo si Iverson at Marga ay tumayo pa si Iverson at umupo sa isa sa mga upuan na nakalaan para sa aming dalawa ni Ivronsen. Kaya ang ending ay magkatabi kami ni Iverson at si Marga at Ivronsen.

    Busangot ang mukha ni Ivronsen kasi wala siyang magawa!

"Where did the two of you go these days? Hindi ko kayo mahagilap sa campus," bulong nito sa akin at tinaasan ako ng kilay. Napakagat ako sa labi ko sa hiya nang maramdaman ang titig ng mga kasamahan, lalo na sina Louige at Marga.

    Sinulyapan niya ang mga ito kaya napaiwas sila ng tingin. Muli niyang itinuon ang atensyon sa akin.

"Nag papapractice lang kami sa likod ng Engineering building. Bakit? Wala ka rin naman nitong nakaraan, ah?" pabalik ko namang tanong. Nginusuhan niya ako at naramdaman ko ang isa nitong kamay na gumagapang papunta sa kamay ko at hinawakan ito.

"I really regret why I hadn't picked up your paper so that we could be partners instead. We haven't spent time together since the day you got jealous," nagtatampo pa nitong saad. Oh, tapos? 

"Ilang araw lang din naman ay matatapos na," sagot ko naman. Ipinagsiklop niya ang kamay namin at gamit ang malayang kamay ay sinubuan ako.

    Nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko ay naramdaman ko ang paghinto ng galaw sa cafeteria. Napayuko ako dahil sa pagkailang na naramdaman. Peste talaga 'tong lalaking 'to!

   Parang hindi nakakaramdam ng hiya! Nakakainis! Kaya pasimple kong kinurot ang kamay nito. Sinamaan niya ako ng tingin pero kalaunan ay sumubo rin gamit ang kutsarang ginamit niya sa pagsubo sa akin.

"Iverson, ano bang PDA iyan!" narinig kong sabi ni Zyrel.

"Sheez! Kuya is so corny," konyong wika naman ni Ivronnezeir.

"Hinay hinay lang, ha. Nakakabitter kayo!" ani naman ni Zamora.

"Edi maghanap kayo ng asawa!" malamig na sagot ni Iverson. Natahimik naman sila pero ramdam ko ang talim sa titig ni Marga. Hindi rin nakalagpas sa mata ko ang kuryusong mata ni Louige. And he might... have known already.

" Manahimik ka nga!" pabulong na bulyaw ko ni Iverson. He rolled his eyes at me. Ang kapal!

"Ay, oo nga pala. Anong kakantahin nyo, Louige?" paglilihis ni Alieth sa topic.

"Chasing Cars, Snow Patrol."

"Ehh sa inyo naman, Trinity?"

"Tadhana, Updharma."

"Ay, gusto ko iyan! Baka manalo kayo nyan?"

"Kayo ni Athena naman?"

"Count on Me, Bruno Mars."

"Marga?"

"Terrified, Katharine McPhee."

     Umikot ang mata ko. Terrified dahil pangit ka.

"Nice! Thinking out Loud 'yun last year, 'no?"

"Hmm."

"Edi panalo na naman kayo? Eh si Ivronsen at Louie ba?"

"Perfect, Ed Sheeran."

"Ahh! Sabi na! Omg!" tili pa nito. Napakamot naman ako sa noo ko.

   Baka magexpect naman kayo? Hindi maganda ang boses ko. Kay Ivronsen lang. Edi sila na ang talented!

"Perfect, huh?" pang aasar naman ni Iverson kahit na nahihinuha ko rin naman ang inis sa boses niya. Terrified niya mukha niya!

"Siya nagpili niyan," simple kong sagot. Pinanliitan niya ako ng mata.

"Don't you ever fall for him, Louie. Don't you ever dare."

    Hinampas ko ang likod ng ulo ni Iverson. Ang OA, ha!

" Hindi ko malandi gaya mo!"

" Ako na naman ang malandi?"

" Can you please shut up instead, Iverson. Hinahighblood mo na naman ako."

   He pouted his lips and shut his mouth up like a good dog.

That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon