Chapter 85

24.5K 758 47
                                    

Chapter 85

    The last bullet from Iverson's gun killed the final member of The Sin. Hinihingal na napasandal si Iverson sa halos hindi na maitsurang pader ng mansyon nila.

    Simula pa kaninang umaga nagsimula ngunit ngayong alas sais na ng hapon natapos ang patayan nila. Mabuti na lamang at malayo-layo ang mga otoridad sa pinangyarihang lugar, kundi ay dadagdag na naman ang mga ito sa problema ni Iverson.

   Hindi pa man nagsisimula ang tunay na laban ay halos mapulbos na ang mga tauhan ng mga McGregor. Hindi nga naman talagang maitatanggi na mas lumakas pa ang puwersa ng The Sin. Kaya mas lalong namoreblema si Iverson para sa kaligtasan nila.

    Pagod man at may kaunting mga galos ay nagbihis si Iverson papunta sa idadaos na party ng mga Montero.

"Amelynx..." Iverson called with a ragged voice.

"Iverson? Okay ka lang? Should I send you some reinforcements? Kasalukuyan kaming naghahanda patungo sa mga Montero. Nakausap ko na sina Louie at maayos silang nakapasok.

   Napakarami raw ng mga tao at hindi malabong lagpas kalahati sa kanila ay mga kasamahan ni Samson Villaruel. May problema pala tayo. Hindi ko na makontak sina Louige, Nyx o kahit na si Hades. Paano 'to? Sila ang pinakamalaking asset natin sa loob.

   Bagama't may mga blueprint ako sa mga bawat lugar sa teritoryo ng mga ito ay hindi ko matukoy kung kakayanin ba nilang mahanap si Samson sa nakatakdang oras."

    Napapalatak si Iverson habang pinapaharurot ang sasakyan sa tagpuan.

"Bro, I need to reconnect to Montenegro. Mukhang nagkakagulo sa linya niya. Ingat ka. Susunduin ka ng isa sa mga tauhan ko kapag nakapasok kana," and Amelynx cut the call.

    Samantalang sa kabilang banda naman ay sasabog na yata sina Nyx sa kaba habang nakakulong sa isang isolated at metal locked door. Silang tatlo lamang ang nasa loob at may limang bantay pa sa labas ng pinto.

"Surely, Louie has now invaded the Montero's territory. Huwag tayong mabahala dahil hindi naman iyon papabayaan ng mga McGregor," wika ni Louige.

"Kung bakit kasi tayo naging padalos-dalos. We underestimated Dad and overestimated ourselves. I regretted being reckless. Dapat pala sana talaga ay wala muna tayong pinagsabihan."

"Kahit pa wala tayong sabihan ay matagal nang nagdududa sa atin ang ama mo. Mas napadali nga lang tayo sa pagkakahuli dahil kay Hermes."

"Hey, don't blame me. I panicked. And don't talk to me, by the way. Malaki ang galit ko sa inyo," Hermes said.

"Blame us after this. Kailangan muna nating magtulungan para makatakas dito."

"Hindi naman halatang nag-aagawan sila 'no?" nakangiwi na sabi ni Zyrel habang pinagmamasdan si Louie, Spade at Ivronsen na naglalakad palapit.

    Naka-angkla ang braso ni Louie sa braso ni Spade habang ang braso naman nito ay nasa bewang ng babae. Nakahawak din sa kamay ni Louie si Ivronsen at hinahapit palapit ang dalaga.

  In short, para silang nagta-tug of war.

"Titimbawang 'yang mga ugok kapag nakita ni Iverson. Pustahan pa tayo."

"Ang ganda naman kasi ni Louie."

"Ganda nga, taken naman. Iyan ang ibig sabihin ng katagang, hanggang tingin ka nalang."

    Ngunit wala sa kanila ang kahit na katiting na atensyon ni Louie. Nakapokus ito sa mga taong dumadaan-daan sa harap niya.

   Hindi niya kabisado lahat ng organisasyon na umalyansa sa kanila. Mahirap punahin ang kung sino ang kalaban at hindi. Pero mukhang ipapaubaya na niya iyon kina Amelynx.

That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon